A Love Bloomed In SY '99 - Part 11

3.3K 150 5
                                    

NAPAKURAP si Ritzi nang makarinig nang katok sa pinto ng kanyang silid. "Ritzi, dinner is ready. Kumain ka muna bago tuluyang matulog anak," boses iyon ng mommy niya.

Bumangon siya at bumuntong hininga bago sumagot. "Coming mom."

Muli siyang napatingin sa kuwintas na hawak niya. she smiled a little when she remembered those sweet times she had with Jeff. Noon palagi niyang hinihiling n asana hindi matapos ang kaligayahan nila. Na sana habambuhay silang ganoon.

But it came to an end. At siya ang may kagagawan kung bakit nadungisan ang masasayang alaalang iyon. she felt a stab of pain on her chest. Marahas siyang umiling upang pawiin ang nakaraang ayaw na niyang maalala.

"Ritzi," muling pukaw ng mommy niya."

Marahas siyang tumayo at mabilis na ibinalik sa jewelry box ang kuwintas. Tiningnan niya iyon sa huling pagkakataon bago isinara ang jewelry box.

She sighed and went out of her room.

TUNOG ng nagriring na telepono ang unang narinig ni Jeff nang maalipungatan siya mula sa pagkakatulog. But he didn't bother to stand up. Sa halip ay itinalukbong niya ang isang unan sa mukha niya upang humina sa pandinig niya ang telepono.

Kauuwi niya lang kaninang madaling araw galing ng Cebu para sa isang triathlon competition na nilahukan niya at pagod na pagod siya. Wala siyang ibang gustong gawin sa araw na iyon kung hindi ang matulog. But the damn phone is still ringing!

Iritableng inalis niya ang unan sa mukha niya. Wala pa naman ang mama niya dahil binisita nito ang papa niya sa resort nila sa Siargao. Tuloy ay wala siyang choice kung hindi ang sagutin ang buwisit na telepono.

At sino ba ang buwisit na tatawag sa telepono nila ng ganoong oras? Ang madalas lang namang tumawag sa bahay nila ay si Janice. Ngunit malabong ang pinsan niya iyon dahil nasabi na niya rito kaninang pagdating niya na huwag siya nitong iistorbohin.

Saglit na huminto ang pagtunog ng telepono. Ngunit ilang sigundo lang ang lumipas ay tumutunog na naman iyon. "Damnit!" asar na mura niya at patamad na bumangon.

"Hello?!" iritableng tanong niya sa kung sino mang hinayupak na sumisira ng tulog niya. Malakas na tawa ang narinig niya sa kabilang linya. Malutong siyang napamura nang makilala ang tumatawag sa kanya."Shit Lloyd huwag mo muna akong istorbohin matutulog ako maghapon," asar na sabi niya.

Pumalatak si Lloyd sa kabilang linya. "Ano ba yan pare ang init ng ulo mo ah. Dati naman kahit galing ka sa kung saan ay may energy kang magpakita sa amin," natatawa pa ring sabi nito.

Naihilamos niya ng isang kamay ang mukha niya sa iritasyon. "Lloyd bukas okay? Bukas. Sige na matutulog na ako," sabi niya

Akma na niyang ibaba ang telepono nang pigilan siya nito. "Pare naman, nandito kami kina Janice eh. Nandito ang barkada. Ngayon lang sila walang gig. Bukas meron na tapos ilang buwan ka na raw nilang hindi nakikita. E di ba hindi kayo nagkatagpo-tagpo noong nagpasukat kasi late ka? Kaya pumunta ka na rito. Huwag kang magalala kahit wag ka na maligo. Kahit mukha kang dugyot pagtitiyagaan ka namin," sabi nitong malakas pang tumawa.

Tuluyan na siyang nagising sa sinabi nito. Lalo na nang marinig niya ang malakas na tawanan at kantiyawan ng mga kaibigan niya sa kabilang linya. Muli siyang napamura. "Fine. I'll hung up." Mabilis niyang ibinaba ang telepono bago pa ito makahirit.

Bumuntong hininga siya at mabilis na nagayos. Gusto rin naman niyang makasama ang mga barkada niyang matagal na niyang hindi nagkikita.

PAPASOK pa lamang si Jeff sa loob ng bahay ng pinsan niya ay naririnig na niya ang malakas na kantyawan ng mga kaibigan niya. Tuluyan nang nawala ang inis niya sa pang-iistorbo ng mga ito sa tulog niya nang mapabaling ang mga ito sa kanya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon