BAGO umuwi ay naisipan ni Ritzi na dumaan sa isang shop upang bumili ng running shoes. Mahigpit na bilin iyon ni Ernest bago siya umalis. Naarbor kasi ng isang pinsan niya ang lumang running shoes niya.
Tapos na niyang bayaran sa counter ang napili niya nang paglingon niya ay may makita siyang pareha na mukhang palabas na rin ng shop. Napahinto siya nang masalubong niya ang mga mata ng babae. Maging ito ay napahinto rin. Bumakas ang rekognisyon sa mukha nito at alam niyang ganoon din siya.
"Ritzi? Ritzi Joy Arriola?" tanong nito.
Alanganing ngumiti siya. "Janice Da Silva?" patanong na sagot niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata nito. "Ritzi it's really you! I thought you are in Canada with your family?" manghang sabi nito.
"Yes. We just came back. My parents decided to live here for good now. Wow, you are more beautiful now than when we were in high school," puri niya rito. Dati na itong maganda pero ngayon ay parang ang blooming blooming nito. Marahil ang lalaking nasa tabi nito ang dahilan.
Ngumiti ito. "Same goes for you. Mas maganda at sexy ka ngayon. By the way, this is my fiancé Lloyd," pakilala nito sa katabi nitong lalaki. Naka maong jeans ang lalaki at itim na t-shirt. Nakatali ang may kahabaang buhok. The man is gorgeous and every inch a rock star. "Lloyd, si Ritzi, classmate ko siya noong high school for four years."
Ngumiti ito. "Hi. Ngayon lang ako nakakilala ng high school classmate nitong si Janice," sabi nito.
Gumanti siya ng ngiti. He looks kinder than he looks. "Ngayon lang din ako nakakita uli ng high school classmate ko."
"Wala ka bang kasama Ritzi?" tanong ni Janice.
"Wala eh."
"Then sumabay ka na sa amin ni Lloyd mag lunch," aya ni Janice na ikinagulat niya. Hindi niya naisip na aayain siya nito.
"Naku huwag na makakaistorbo pa ako sa date niyong dalawa," nakangiting tanggi niya.
"Sus hindi yan. Ngayon lang kayo nagkita ni Janice mano ba namang magkuwentuhan kayo right honey?" sabi ni Lloyd na nakangiti pang bumaling kay Janice. Nakita niya ang pagganti ng ngiti ni Janice.
Lihim siyang napangiti. Halatang in love na in love ang mga ito sa isa't-isa. "Well, sige na nga. Wala rin akong makakausap buong maghapon ngayon eh," paunlak niya.
HINDI maiwasang kiligin ni Ritzi habang tinitingnan niya si Janice at ang fiancé nito. Masyadong sweet dito si Lloyd habang si Janice naman ay walang ginawa kung hindi ang sawayin ang lalaki. Halatang nahihiya si Janice sa kanya. But it is really obvious that Janice loves him so much. Hindi lang ito kasing showy ng future husband nito. What a perfect couple.
"By the way Ritzi, since nakabalik ka na you can attend our wedding. It would be three weeks from now eh. Wait, I still have an invitation here," sabi ni Janice at may dinukot sa bag. Inabot nito sa kanya ang invitation. "I invited some of our classmates too. At least di ba makikita ka nila?"
Ngumiti siya. "I just hope hindi nila ako awayin dahil basta basta ako nagdrop sa school at nagmigrate sa Canada nang hindi nagpapaalam," magaang na sabi niya.
Saglit na tila natigilan ito pagkuwa'y tipid na ngumiti. "Hindi iyan. Mas mafofocus sila na makita ka uli."
"Then I'll go," aniya rito. Hindi pa rin nagbabago si Janice. Mabait pa rin ito. Kung ibang tao lang ito ay malamang na nanguusyoso na ito kung bakit hindi siya nagpaalam noon. O kaya ay ni hindi na siya nito aayaing kumain kasama ang mga ito. Mas lalong hindi ito ngingiti sa kanya ng gaya ngayon.
Tiningnan niya ang invitation at binuklat iyon. Isang pangalan ang unang nahagip ng mga mata niya. Her heart leapt a beat. Her eyes could not stop to linger on that name. Pinigilan niya ang sariling padaanin ang mga daliri doon.
It took her a lot of self control bago niya naisara ang invitation at isinilid iyon sa bag niya. "Ang pinsan mo pala ang bestman," komento niya sa pilit pinakaswal na tinig.
"Yep, he is one of my bestfriends," proud na proud na sabi ni Lloyd.
Napatingin siya rito. "Really?"
"Oo. At ayoko mang aminin pero kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikilala si Janice. At kung hindi siya pakielamero malamang hindi kami ikakasal ngayon," dugtong nito at masuyo pang tumingin kay Janice.
Nanatili siyang nakatitig sa mga ito. "That's great. He might act nosy sometimes but he's not that bad," naidugtong niya bago pa niya mapigilan ang sarili.
Sabay pang napatingin ang mga ito. Nakita niyang may kung anong kumislap sa mga mata ni Janice pero hindi ito nagkomento. Si Lloyd naman ay curious na tumingin sa kanya. "Magkakilala rin kayo ni Jeff?"
Tumikhim si Janice. "Iisa lang ang school namin noong high school Lloyd," sagot nito.
"Ah. Sabagay. I can't imagine Jeff not being popular even once in his life," komento ni Lloyd.
Napangiti siya. Kaibigan nga nito si Jeff. "Right."
"Pero parang kilala mo talaga si Jeff eh. Hindi lang dahil schoolmate kayo," naghihinalang dugtong nito.
Hindi napalis ang ngiti niya. She liked him instantly. Kahit alam niyang hindi ito ang tipong lalaki ni Janice ay parang nahuhulaan na niya kung paano nagkagusto rito ang babae. "I have a huge crush on him when we were in high school," sagot niya.
Tumawa si Lloyd. "Talaga? Should I say hi to him for you?" he said conspirationaly.
"Oh no thanks he would not like that. Besides for sure he already had forgotten about me. Is he still very popular with the girls?" kaswal na pag-iiba niya sa usapan.
Tumawa ito. "Sinabi mo pa. At sinasamantala niya. Kaya nga kapag nawawala ng ilang araw iyon alam na naming may kasama iyon."
"Lloyd," saway rito ni Janice.
She tried her best to keep her smile. Yet she felt a tiny rush of a painful sensation in the pit of her stomach. She didn't try to ignore it. She deserves it afterall. "I see. But that means he's perfectly fine. I'm glad," komento niya.
"Ritzi," ani Janice.
Nilingon niya ito. May bakas ng simpatya sa mukha nito. Na nahiling niyang sana ay mawala. Symphaty is the last thing Janice should feel for her. Mali eh. Nginitian niya ito. "You are still so kind Janice."
Gumanti ito ng tipid na ngiti. "And you are still tough Ritzi."
And she hopes she will remain tough on the coming days.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...