"WHEW, that was fun!" masayang sabi ni Lyka nang makabalik ito sa lamesa nila. Bumalik na sa backstage ang banda at may pumapailanlang na ibang tugtog sa buong bar. Bakas nga ang kaligayahan sa mukha ni Lyka. Bahagya pa itong gumewang bago napaupo.
"Lyka, okay ka lang? Lasing ka na ba?" nagaalalang tanong niya. kung hindi kasi ito nakahawak agad ay malamang na natumba na ito.
Tumawa lang ito. "You're such a worry freak. I am still sober. Masyado lang talaga akong nagenjoy," balewalang sabi nito
Pilit siyang ngumiti. "Mukha ngang enjoy na enjoy ka. But Lyka, it's almost midnight already. Kailangan ko ng umuwi hindi mo pa ipinapakilala sa akin ang boyfriend mo."
Lyka rolled her eyes. "Okay lang iyan. Day off mo naman bukas hindi ba? O huwag kang magkaila tinanong ko na si tita," anitong nakangisi na.
Bumuntong hininga siya. "Ang kulit mo talaga."
"At ikaw masyado kang seryoso sa buhay. Ano ka ba? It's okay to loosen up a little. Kapag ganyan ka ng ganyan walang lalaking magkakagusto sa iyo. Men nowadays prefer women that are fun to be with you know," litanya nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Biglang sumagi sa isip niya ang lalaking mukhang anghel. Dahil bokalista ito ng banda ay siguradong tulad ito ng mga lalaking sinasabi ni Lyka. Kung ganoon, talagang Malabo na magkasundo sila ng lalaking iyon. Ngunit bakit nakakaramdam na naman siya ng panghihinayang sa naisip niyang iyon? Ah, hindi na niya iyon dapat iniisip masyado. Pampagulo lamang iyon sa utak niya.
"Hmm... siguro naman nakapagpahinga na sila. Let's go!" biglang aya ni Lyka at tumayo na.
Takang tiningala niya ito. "Huh? Saan?"
Matamis itong ngumiti. Himbis na sumagot ay hinawak siya nito sa braso at hinatak patungo sa backstage. Bigla siyang nataranta. Baka naroon pa ang lalaking iyon. Hindi na niya gustong makita pa itong muli! Tama ng napahiya siya ng isang beses dito. Ngunit huli na ang lahat dahil saglit pa ay narating na nila ni Lyka ang backstage kung saan nakaumpok sa isang panig ang bandang tumutugtog kanina sa stage... kabilang ang lalaking gusto niyang iwasan.
Binitiwan siya ni Lyka at mabilis na lumapit sa mga ito. "That was a nice set guys!" nakangiting sabi ni Lyka sa mga ito. Siya naman ay nanatili lamang sa kanyang kinatatayuan at pinagmasdan ang mga ito. She realized they were all good looking. Kahit pa pawis na pawis ang mga ito. May mga hawak pang mineral water ang mga ito at bahagya pang hinihingal.
Hindi sabay-sabay na binati ng mga ito si Lyka. Hindi niya naiwasang sulyapan ang kumakanta kanina. Di tulad ng mga kasama nito, hindi nito binati si Lyka. Tahimik lamang ito habang tumutungga ng mineral water. Hindi na naman tuloy niya ito maiwasang pagmasdan. Bakit ba kahit anong gawin niya, palaging dito humihinto ang tingin niya?
Iiiwas na niya ang tingin dito nang biglang mapabaling ito sa kanya. Hindi siya nakahuma. Ito naman ay natigil sa tangkang pag-inom at napatitig sa kanya.
"Aba, may kasama ka pala Lyka, bago iyan ah," komento ni Lloyd.
Napakurap siya at ibinaling sa mga ito ang tingin. Nasa kanya na ang atensyon ng mga ito.
Ngumiti si Lyka. "Well, it's because all my other friends will surely fall for one of you guys kaya hindi ko sila ipinapakilala. Mahirap na alam ko pa naman kung gaano kayo katinik sa babae," nakapamaywang na sabi nito na ikinatawa ng mga lalaki.
"But, Audra is different. She's my bestfriend at kilala ko siya. I know she wouldn't fall for any of you. Right Audra?" baling nito sa kanya.
Alanganin siyang ngumiti at tuluyan ng lumapit sa mga ito.
"Oh? Sayang naman," komento ng isa.
"Tumigil ka nga Carlo baka matakot sa iyo si Audra," saway ng isang lalaki dito.
"Naku Vergel, pareho lang naman kayo niyang si Carlo," komento naman ni Lloyd. Hindi niya tuloy naiwasang matawa sa kulitan ng mga ito.
"Ang kulit niyo talaga. By the way, si Carlo ang bassist nila, si Vergel naman ang gitarista, that guy there na may hikaw sa tainga ay si Rick, siya ang drummer nila. Si Lloyd, well, he's not really part of the band pero madalas siyang nakikijamming sa kanila," pakilala ni Lyka sa mga ito na isa-isa namang nakipagkamay sa kaniya.
"And... this one is Chase," pakilala nito sa lalaking tahimik lamang na nakatingin sa kanya. Lumapit pa rito si Lyka at kumapit sa braso nito. May kabang bumundol sa dibdib niya nang makita ang kakaibang kislap ng mga mata ni Lyka. "He is the band's vocalist. At siya rin iyong sinasabi ko sa iyo," nakangiting dugtong nito.
Lalo siyang hindi nakahuma. He is Lyka's boyfriend?
ALANGANING ngumiti si Audra at pilit na tiningnan sa mukha si Chase. "H-hi," simpleng bati niya.
Saglit na tumitig ito sa kanya. Pagkuwa'y kumalas ito kay Lyka at inilang hakbang ang espasyong nakapagitan sa kanila. Inilahad nito ang kamay at ngumiti. Her heart made a somersault. He's even more angelic when he smiles like that. "Nice to meet you Audra," bati nito.
Ngayong nakita niya ito ng malapitan ay napatunayan niyang mas matangkad ito kaysa iniisip niya kanina. Marahil ay nasa six feet ang height nito. Mas malapad din ang katawan nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang bahagyang pagiging blonde ng buhok nito. Lihim siyang huminga ng malalim at alanganing tinanggap ang pakikipagkamay nito. Sinalubong niya ang mga mata nito. Nakangiti na naman iyon na tulad ng kanina. Naramdaman niya ang marahang pagpisil nito sa palad niya at dagli rin iyong pinakawalan. Naisip niya tuloy kung talaga bang ginawa nito iyon o imahinasyon niya lamang.
Tumikhim si Carlo. "Teka, hindi pa naman siguro kayo nagmamadali? Punta muna tayo sa kabilang bar. Maaga pa naman," aya nito.
Pinigilan niya ang mapangiwi. Nang sulyapan niya si Lyka ay nagtaka siya sa ekspresyon ng mukha nito. Parang galit ito? Ngunit nang masalubong naman niya ang mga mata nito ay malawak itong ngumiti. Pagkuwa'y bumaling kay Carlo. "Sure," magiliw na sagot nito. Lumapit ito sa kanya at kumapit sa braso niya. "Hihintayin na lang namin kayo sa labas okay?"
"Lyka, ikaw na lang kaya ang sumama sa kanila. Uuwi na ako," bulong niya rito nang makaalis sila ng backstage. Malakas ang pakiramdam niya na maiilang lamang siyang makasama pa si Chase. Isa pa, pakiramdam niya nagtataksil siya kay Lyka dahil sa kakaibang nararamdaman niya para sa binata.
"Ano ka ba? Ipinaalam kita kina tita so siyempre expected nila na sabay tayong uuwi," dahilan nito.
Napabuntong hininga siya. "Alam mo namang hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay makiharap sa mga taong bago ko pa lang kakilala," dahilan niya.
Tumitig ito sa kanya. "Kaya nga sinasanay kita. Paano kung dumating ang panahong mawala ako? Sino na lang ang magiging kaibigan mo kung hindi mo i-oopen ang sarili mo sa iba hindi ba?"
"Lyka! Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan," saway niya rito. Mula noong bata pa sila ay mahilig na itong magsalita ng ganoon. Madalas ay biro iyon para rito. Kung minsan naman ay litanya nito iyon upang mapapayag siya sa gusto nito. Subalit kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin siya nasasanay sa mga ganoong biro nito.
Ngumiti ito. "Well, hindi naman natin kasi masasabi hindi ba? Remember lolo Bert?" tukoy nito sa lolo nito sa side ng ama nito. "He died of cancer at sixty. Ang lakas lakas daw niya noong kabataan niya pero tingnan mo biglang nagkasakit ng ganoon. Tapos si tita Tess din iyon din ang ikinamatay."
"So?" kunot noong sabi niya rito. Kinakabahan siya kapag nagsasalita ito ng ganoon.
Nagkibit balikat ito at ngumisi. "So, let's enjoy life. Kaya nga sumama ka na. Wala namang mawawala sa iyo. Okay?"
Muli siyang bumuntong hininga. "Fine."
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...