Napatitig si Janice kay Lloyd. As always, he's magnificently gorgeous with his guitar and all black rugged outfit. But there's something different in him. It's as if he's... nervous.
"Why is he nervous?" hindi niya napigilang isatinig.
Nagkibit balikat si Rick. "I don't know. Dapat ikaw ang nakakaalam niyan"
Nakatitig lamang siya kay Lloyd. at sa hindi niya alam na dahilan ay napatingin ito sa kaniya. Muling nagtama ang kanilang mga paningin. Kahit nasa dulo na siya ng bar ay nakita pa rin siya nito.
Hindi siya nag-iwas ng tingin hanggang sa matapos ang tugtog. Muling tumahimik ang paligid. Lumapit ito sa microphone. "That is for Miss Janice De Silva. Para ipaalam sa kanya na maaring makabuo ng magandang piyesa ang dalawang magkaibang magkaibang musika. And that goes with people." Nakatingin ito sa kanya kaya gaya ng dati ay may mga taong lumilingon sa puwesto niya.
Naramdaman niya ang paghawak ni Rick sa braso niya. "Punta tayo sa harap." Bago pa siya makapagprotesta ay nahatak na siya nito paharap. And so she became faced to face with the man who hurt her, yet she still love.
"Janice..." usal nito sa mic. "I'm sorry."
Pinilit niyang patatagin ang sarili. She crossed her arms on her chest and looked at him straight in his eyes. "Explain."
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "I admit na pa oo ako sa pustahang kalokohan ni Jeff. But swear no one took it seriously. Inaamin ko na akala ko din ang pustahan ang dahilan kaya ako lapit ng lapit sa iyo, kaya hindi ko maiwasang mapalapit sa iyo. But when that bastard came back, I got threatened. Akala ko na naman takot lang akong matalo. But when Jeff told me how much you love him and Eunice told me you will never give him up, doon ko na naramdaman na nasasaktan na pala ako."
Hindi siya makapagsalita. Nakatitig lang siya rito. Unti-unti ng nawawala ang pagdadalawang isip niya kanina. Now, all she wanted to do is to listen to him.
Tumitig ito sa mga mata niya. "Please believe me Janice." may pagsusumamo s aboses nito.
Bumuntong hininga siya at marahang tumango.
Bumalatay ang relief sa mukha nito. pagkuwa'y biglang naging masuyo. "I love you Janice De Silva."
Napaawang ang mga labi niya. "You... you do?"
"Yes. Alam kong mali na nagsinungaling ako sa iyo. But I swear to all the people here right now that all the things I did and said to you from the moment I saw you were true. Nanggaling iyon lahat sa puso ko."
Nabagbag ang damdamin niya sa sinabi nito. "But why did you lie to me? Didn't you know that I was badly hurt by the things you said?" hindi niya maiwasang langkapan ng hinanakit ang boses niya.
Bumakas ang guilt sa mukha nito. "I'm sorry that I hurt you. Nagpapaka super hero pa naman ako sa iyo pero ako pa ang nanakit sayo. But I chose to lie to you dahil masyado akong nasaktan na pinili mo pa rin ang lalaking iyon. Naitanong ko tuloy sa sarili ko kung ano bang meron siya na wala ako at napapangiti ka niya ng walang effort. Na nayayakap ka niya."
Napailing siya. "hindi ko naman siya binalikan."
"I – I know. Sinabi sa akin ni Jeff. It's just that... I got jealous because you hugged him. You – you never did that to me. Even once. And..." hindi nito maituloy ang gustong sabihin.
Tuluyan nang nasira ang depensa niya. "Take off your guitar." Seyosong sabi niya.
Naguguluhan man ay hinubad nito ang gitara. Umakyat siya sa stage at lumapit ditto. Hawak pa rin nito ang gitara. Kinuha niya iyon ditto. "Hind mo naman siguro ako pupukpukin ng gitara ko? Mahal iyan."
Pinigilan niya ang mapangiti sa sinabi nito. "Chase." Inabot niya rito ang gitara. Kinuha nito iyon. Hinarap niya si Lloyd na nakatitig pa rin sa kanya. Then she tiptoed at hugged him. She felt his body tensed. Narinig niyang may ibang audience na nagsipulan.
"Janice?" tawag sa kanya ni Lloyd.
"Stupid. If you want a hug you should have asked. Kiss nga nakukuha mo sa akin hug pa kaya." aniya rito at lalong hinigpitan ang yakap niya rito.
Naramdaman niyang nagrelax na ito. Gumalaw ang mga braso nito at gumanti ng yakap. "Hindi ka na galit sakin?" tanong nito.
Bahagya siyang kumalas sa pagkakayakap nito at ngumiti. "Si Daniel nga na malaki ang kasalanan sa akin napatawad ko, ikaw pa kaya?"
"Janice... I love you." ulit nito.
Ngumiti siya. "Alam ko. Sinabi mo na yan kanina."
"Hindi mo man lang ba ko sasagutin? Kulang ka talaga ng karomantikan." angal nito.
Natawa siya. pagkuwa'y tinitigan niya ito sa mga mata. " nang iwan ako ni Daniel, I pomised myself that I will not fall in love again and get hurt again in the end. Kahit anong sabi ng mga kaibigan ko na kalimutan ko na siya hindi ko magawa. But now I realized, na siguro dati kaya hindi ko siya makalimutan kasi wala pa kong nakikitang kapalit niya. na magpapakita sa akin na hindi naman talaga nakakatakot sumubok uling magmahal. Na sa second time hindi na ko masasaktan.
Pero ngayon, napatunayan ko na wala ng halaga sa akin ang mga panahong iniisip ko siya. kasi ngayong nandito ka na, narealize ko na wala siyang kalaban laban sa kaguwapuhan at kabaitan mo. I love you Lloyd." madamdaming pahayag niya.
Iba't ibang emosyon ang nakita niya sa mukha nito. ngunit sa huli ay naging purong kasiyahan iyon. Humigpit ang yakap nito. pagkuwa'y naging pilyo ang ngiti. "Now, can we seal it with a kiss para mas romantic?" biro nito.
Natawa siya. siya na ang kusang humalik ditto. Smack lang ang intension niyang gawin ngunit bigla nitong hinawakan ang batok niya at siniil siya ng halik. Malakas na hiyawan ang sumunod na narining niya, maging ang kantyaw ng mga kaibigan nito. at maging ang komento ni Jeff.
"Hay, salamat. Kung hindi sila nagkasundo, dalawang tao ang dadalhin ko sa konsiyensya ko."
Matagal ang lumipas bago siya nito pinalakpakan. Tinitigan siya nito bago humarap sa audience. "Thank you everyone for helping me get my woman. Kapag yumaman ako, invited kayo lahat sa kasal namin" biro nito sa audience na malakas na tumawa.
"Mayaman ka naman na." kantyaw ni Vergel.
Biglang may sumigaw mula sa kung saan. "O tama na yang kakornihan niyo. Langya iinggitin mo pa kami e." muling natawa ang lahat.
"Oo na." sagot naman ni Lloyd.
Napasigaw siya ng bigla siya nitong buhatin. At ibinaba sa stage. "Lloyd? ano ka ba?"
Nginitian siya nito. "Lubuslubusin na natin."
"Ano ka ba nakakahiya!"
Naging pilyo ang ngiti nito. "Hay Janice. kulang ka talaga sa romansa. Di bale magagawan ko yan ng paraan."
Nag-init ang mga pisngi niya. nahampas niya ito sa dibdib. "Puro ka talaga kalokohan"
Malakas na tawa ang isinukli nito. Napangiti na rin siya. "Next time, teach me how to play the guitar."
"Sure, love. I have a lot of things to teach you. Pero asikasuhin muna natin ang problema mo sa kawalan mo ng romansa sa katawan." Nilangkapan nito ng tawa ang sinabi.
-WAKAS-
A/N: marami pong salamat sa pagbabasa ng kuwento na ito. muli pasensiya na po sa mga typo at grammatical errors. unedited version po ito at ginawa ko eight years ago pa.someday, babalikan ko ito at ieedit. :)
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...