Two years ago...
NAPAKUNOT noo si Audra nang mapansing tila may pinagkakaguluhan sa reception area ng building na pinapasukan niya. Hindi pa man siya nakakalapit ay parang alam na niya ang dahilan ng komosyon, Lalo pa't puro lalaki ang nandoon.
Nakumpirma niya ang kanyang hinala nang makita niya si Lyka- ang kanyang matalik na kaibigan- in her fashionable sexy outfit and beauty that no one could not notice. Magkaibigan na sila mula pa noong mga bata pa sila.
Matalik na magkaibigan din kasi ang mommy nito at ang mama niya. Pareho ding guro ang mga ito sa high school department ng isang prestihiyosong Unibersidad kung saan din sila nag-aral ni Lyka. Bukod doon ay magkatabi lang din ang mga bahay nila at magkaklase mula kindergarden. Noong kolehiyo lamang sila nagkahiwalay. Magkaiba kasi sila ng kinuhang kurso ngunit madalas pa rin silang magkita nito.
Kahit noong mga bata pa sila ay attention getter talaga ito. Mula grade one sila ay ito palagi ang muse ng section nila. Palagi itong isinasali sa mga beauty contest na napapanalunan naman nito. Bukod kasi sa maganda ito ay talented din ito. Kaya nitong mag-monologue ng impromptu sa mahabang oras. Kaya marahil sa ngayon ay isa na ito sa hinahangaang music channel VJ at radio DJ sa bansa.
Nag-angat ito ng tingin mula sa dami ng gustong magpapicture dito. Lumawak ang ngiti nito nang makita siya at kumaway pa bago ito nagpaalam sa mga fans nito. Napailing siya ng masigla itong lumapit sa kanya at yakapin siya. "Hello bestfriend kong ubod ng talino. Kamusta?" nakangising tanong nito.
Napangiti siya sa sinabi nito. Sabi ng mama niya, kung kagandahan daw ang asset ni Lyka, siya naman daw ay talino. Kung muse ito palagi, consistent first honor naman siya. Siya ang palaging isinasali sa mga quiz bee at kung anu-anong academic contests. Kaya nga tinutukso sila dati ng mga kaklase nila. Hindi raw sila perfect combination. "Ewan ko sa iyo. Bakit nandito ka?" tanong niya.
Lalong tumamis ang ngiti nito. Kilala niya ang ngiting iyon. Palagi itong ganoon ngumiti kapag may kailangan ito sa kanya o kaya ay gusto siya nitong isama sa mga lugar na ayaw niyang puntahan. "Sinusundo kita. May pupuntahan tayo. At hindi ka na pwedeng magdahilan kasi ipinaalam na kita kina tito at tita," anito at kumapit pa sa braso niya at sinimulan siyang hatakin palabas.
"Teka, saan tayo pupunta? Lyka ha, kapag kalokohan iyan," banta niya rito.
"This is not a joke Audra. I swear," sabi nito. Nang nasa tapat na sila ng sasakyan ay huminto pa ito at humarap sa kanya. Nagniningning ang mga mata nito.
She was caught off guard. She never saw her best friend like that. "Then, where are we going and why?" nagtatakang tanong niya.
"I want you to meet the man I love," pahayag nito.
Nadismaya siya. Lyka is always in love. Hindi na niya mabilang sa mga daliri niya sa mga kamay at mga paa kung ilang beses na itong umibig at nakipaghiwalay.
"Hep. Before you say anything, I want you to know that this time it's different. I mean, really different. I do love him. I really really love him. More than I loved all my past boyfriends," seryosong sabi nito.
Napabuntong hininga siya. Sabagay, ngayon pa lang niya ito nakita ng ganoon. Ngayon pa lang nagningning ng ganoon ang mga mata nito. Siguro nga ay totoo na talaga ang nararamdaman nito. Nginitian niya ito. "Okay fine."
Ngumiti ito at muli siyang niyakap. "Thank you Audra. You're really my bestfriend."
NAPABUNTONG hininga si Audra. Bakit ba kasi siya napapayag-payag pa sa kagustuhan ni Lyka na isama siya? Iginala niya ang paningin sa paligid. Malay ba niyang sa isang bar siya dadalhin ng kaibigan niya? Kanina pa siya naririndi sa ingay at sa magkahalong amoy ng alak at usok ng sigarilyo. Bukod pa doon ay iniwan din siya ni Lyka at nagpunta sa kung saan.
Natutok ang pansin niya sa stage. May mga instrumento doon. It was her first time to go to a music bar. Ni hindi niya nga naisip na may nag-e-exist palang ganoon. Nakita niyang sumulpot si Lyka mula sa likod ng stage. Nang masalubong niya ang paningin nito ay nagmadali na ito sa paglapit sa kanya. Ngunit madalas pa rin itong mapahinto dahil sa mga pagbati ng kung sinu-sinong nadadaanan nito. Everyone seems to know her.
"Saan ka ba galing?" tanong niya nang makaupo na ito sa tabi niya.
Ngumiti ito. "Nagparamdam lang ako sa love ko," anito.
Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Nasaan ba kasi iyang bago mong boyfriend?"
Humagikhik ito. "Later," tanging sagot nito at tumingin na sa stage.
Dumilim ang paligid. Naghiyawan ang mga tao. Mula sa back stage ay may mga anino siyang nakitang lumabas sa stage. A band. Ngayon lang siya makakanood ng performance ng isang banda.
"Good evening everyone," bati ng isang lalaking nakagitara. Nagpalakpakan ang mga manonood at humiyaw. Natutok ang spotlight dito. Bahagya siyang nagulat ng makita ang isang guwapo at matangkad na lalaki. Medyo long hair ito at itim ang lahat ng suot.
Awtomatiko siyang napatingin kay Lyka na nakangiting nakatingin sa stage. Marahil ay ang lalaking iyon ang bago nitong kasintahan. Lumingon sa kanya si Lyka. Tila naman nabasa nito ang iniisip niya.
Tumawa ito. "No, silly. He's Lloyd. Hindi ko siya type. He's so... rugged for my taste," anito. Nagkibit balikat na lamang siya at itinutok ang atensyon sa baso ng juice na inorder niya. Sa totoo lang gusto na talaga niyang umuwi.
"Here we are again. And as always, makiki-jam uli ako sa bandang ito. Pero huwag kayong mag-alala, maririnig niyo pa rin ang napakagandang boses nitong si pareng Chase," tila natatawa pang sabi nito. Nakarinig din siya ng tawanan mula sa crowd. Tumikhim ang lalaki at nagsimulang tumugtog ang banda.
Maingay ang tunog at masyadong mabilis. Ngunit masasabi naman niyang maganda ang boses ng Lloyd na iyon. Nagsimulang maging wild ang crowd. Kahit si Lyka ay tumayo pa at nakisayaw. Napangiwi siya sa ginagawa ng mga tao roon. Lalo ring tumindi ang amoy ng sigarilyo at alak.
Tumayo siya at bahagyang sinulyapan si Lyka na nasa harapan na pala at nagsasayaw. Napailing siya at hinanap ang banyo.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...