Part 7

3.9K 137 7
                                    

NAKAHINGA ng maluwag si Audra nang sa wakas ay makakita siya ng isang record store. Lunch break nila sa trabaho kaya nagawa niyang lumabas sandali. Agad siyang pumasok sa shop. May mangilan-ngilang tao ang abala rin sa pamimili ng bibilhin ng mga ito. Iginala niya ang paningin sa paligid. Nahagip ng paningin niya ang isang malaking poster. Awtomatiko siyang napangiti. Poster iyon ng Wildhorn. Rockstar na rockstar talaga ang itsura ng mga ito sa larawan. Kahit si Chase na madalas na normal na jeans at t-shirt ang suot ay iba ang itsura sa poster. Punit punit ang pantalon nito at walang manggas na pang-itaas ang suot sa poster. Bigla niyang naisip na nakakatawa pa lang makita ang mga personal na kakilala sa poster.

"Anong hinahanap mo miss?" pukaw sa kanya ng tinig ng isang lalaki.

Napasinghap siya dahil pamilyar sa kanya ang tinig na iyon. Nang lumingon siya ay bahagya siyang napaatras. "Chase!" gulat na sabi niya. Anong ginagawa nito sa lugar na iyon?

Hindi tulad niya, walang bakas ng pagkabigla sa mukha nito. Ngumiti ito. "Just as I thought, it is really you Audra."

Napakurap siya. "A-anong ginagawa mo dito Chase?"

Dumeretso ito ng tayo at bahagyang iginala ang paningin sa paligid bago muling tumingin sa kanya. "I own this place."

"Oh?" What a coincidence.

Tumawa ito. "Yes. How about you? May bibilhin ka?"

Bigla siyang napayuko. Somehow, nakaramdam siya ng hiyang sabihin dito na bibili siya ng cd ng mga ito.

"Audra?"

"B-bibili sana ako ng cd niyo," mahinang sabi niya.

Nang hindi ito magsalita ay nag-angat siya ng tingin. Bahagya siyang nabigla ng makitang titig na titig ito sa kanya. Biglang kumabog ang puso niya. "Bakit?"

Malawak itong ngumiti. Lalo siyang hindi nakahuma. Hindi ba nito alam na nakakatunaw ng puso ang ngiti nito? "Hindi mo naman kailangang bumili pa. I could give you one you know."

"Naku, huwag na," tanggi niya.

Tumawa ito. "I insist. Isa lang naman," balewalang sagot nito. Nagpatiuna na ito sa paglakad. Walang magawang sumunod siya rito. Dahil nauuna ito sa kanya ay nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan ang likod nito. She realized he really has a broad body. And he really has a magnetic personality. Patunay niyon ang mga tinging ipinupukol dito ng mga babaeng nasa loob ng shop nito.

Huminto ito sa isang rack at kumuha ng isang cd ng mga ito. "Here," nakangiting sabi nito.

Inabot niya iyon. "Salamat. Babayaran ko na ito."

Saglit itong tumitig sa kanya bago tumikhim. "I told you, you don't have to. But if you really insist..." saglit itong tumigil at humawak sa batok. Napamaang na naman tuloy siya sa gesture nitong iyon. Tumingin ito sa kanya at alanganing ngumiti. "Care to have coffee with me?" tanong nito.

That question caught her off guard. Napatitig siya kay Chase.

"Well, you can say no," maagap na sabi nito.

"No, okay lang," naisagot niya bago pa siya tuluyang makapag-isip.

Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito bago malawak na ngumiti. "Great."

Napangiti na rin siya. She just could not resist him when he smiles like that. "Pero hindi ako pwedeng magtagal ha. Lunch break lang kasi kaya nakaalis ako," paliwanag niya.

"That's okay. Doon na lang tayo sa coffee shop na katabi nitong shop ko. Wait, ipapabalot ko lang iyang cd mo." Muli nitong kinuha sa kanya ang cd at nagpunta sa counter.

Tahimik lamang niya itong sinundan ng tingin. Nang bumaling sa kanya si Chase ay muli itong ngumiti. Her heart leapt again. Ah, I just can't resist him.

"ISN'T that Chase Lorenzo? Wildhorn's vocalist?"

Mula sa pagmamasid ni Audra sa likod ni Chase habang umoorder ito ng kape ay napasulyap siya sa lamesang hindi kalayuan sa kanya. May tatlong babaeng nakaupo roon na pawang mukhang mayayaman na nakatingin din sa lalaking tinitingnan niya.

"Yes, he's really Chase. I always watch them live you know. They are really great and promising. Ah, he's so handsome," komento ng isa sa mga ito.

"But isn't he going out with Lyka Oliva already? I always see her on their gig," sabi naman ng isa.

Nang marinig iyon ay bigla siyang natauhan. Bigla niyang naalala si Lyka at ang ipinangako niya rito na tutulungan niya ito para magkagusto rito si Chase. She has to tell Chase Lyka's feelings. That's all she can do for her bestfriend. But why does she feel so sad just thinking about it?

Napakurap siya nang may inilapag na kape sa harap niya. "Bakit ganyan ang itsura mo? Malelate ka na ba?" pukaw sa kanya ni Chase na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya. Umupo ito sa katapat niyang silya at mataman siyang pinagmasdan.

"Who's that girl?" narinig niya pang tanong ng isang babae sa mga kasama nito. Lalo tuloy siyang hindi nakaimik. Itinuon niya ang paningin sa kapeng binili ni Chase para sa kanya.

"Don't mind them," maagap na sabi ni Chase.

Nag-angat siya ng tingin dito at tipid na ngumiti. "It's okay. I just realized that you are really famous."

Tumawa ito. "We're not as famous as you think. Nagsisimula pa lang naman kami. Kaunti pa lang ang nakakakilala sa amin actually. Sa dami kasi ng mga banda sa pilipinas mahirap talaga sumikat. At aware kaming lahat na hindi kami yayaman sa pagbabanda," natatawa pang sabi nito.

"Kaya ba may sarili ka ring business?" curious na tanong niya.

Ngumiti ito. "Yes. Besides I am not getting any younger. Kaya dapat paghandaan na rin ang hinaharap. But I just can't give up the band. Hindi ko lang kasi sila kabanda, mga kaibigan ko sila."

Napatitig siya rito. "You're really responsible Chase. That's why... Lyka likes you so much," aniya rito.

Saglit itong tila natigilan bago ngumiti at uminom ng kape. Walang salitang ginaya niya ito. Hindi niya alam kung ano ba ang ibig sabihin ng ngiti nito.

"Ang sabi mo malapit lang dito ang pinapasukan mo?" tanong nito makalipas ang ilang sandali.

Muli siyang nagangat ng tingin at tumango. "Five minute walk lang ang kumpanyang pinapasukan ko mula rito."

"Oh? Malapit lang pala. Akalain mo iyon. Magkalapit lang ang shop ko at ang pinapasukan mo pero kailan lang tayo nagkita," komento nito.

Napangiti siya. "Oo nga eh. Usually kasi pagkatapos ng trabaho deretso bahay na ako agad. Madalas kasi may inuuwi pa akong trabaho."

"Bakit, ano bang trabaho mo?" tanong nito. Bakas ang curiousity sa mukha nito.

"Hindi kasing interesante ng ginagawa mo ang trabaho ko," nahihiyang sabi niya.

Katulad ng dati ay mataman na naman itong tumingin sa kanya bago masuyong ngumiti. Bahagya siyang napaatras sa ngiti nitong iyon. "That's not true. Because I am interested to know something about you Audra," seryosong sabi nito.

Now, how can she suppose to answer that?

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon