KATULAD ng sinabi ng manager nila ay mukhang hindi nga basta-basta lamang ang artikulong lumabas tungkol kay Cham. Nang lumabas sila ng condomium building nila ay may namataan na siyang ilang press people. Mabuti na lamang at agad silang nakasakay sa service van nila.
Maging sa entrance ng building ng Diamond Records ay may nakita silang mga press na naghihintay. Nang matanaw ng mga ito ang sasakyan nila ay nagsikilos pa ang mga ito at tinangkang pigilan ang sasakyan nila. May isa pa na kumatok sa bintana. Sa tulong ni RJ at nang ilang security guard ay nakapasok silang agad sa loob ng building na hindi nalalapitan ng mga reporters.
Agad silang dumeretso sa opisina ng presidente. Doon ay naabutan na nila si Mr. Hernandez na nakatingin sa laptop nito. Nakikinita na niya na ang tinitingnan nito ay ang website na nakita nila kanina. Sa isang panig ng lamesa nito ay ang tabloid na kanina ay binabasa nila.
Nang tumingin ito sa kanila ay seryoso ang mukha nito. Parang may humahalukay sa sikmura ni Cham. "Sit down girls," maawtoridad na utos nito sa kanila. Mabilis na tumalima sila. "Looks like I forgot to remind you to avoid doing things that will stir up intrigues," simula nito.
Mariing nakagat ni Cham ang ibabang labi. Nagi-guilty siya na kailangan pang madamay ng mga kaibigan niya sa kagagawan niya. Sobrang kahihiyan din ang nadarama niya na nahiling niyang sana ay bumuka na lamang ang kinauupuan niya at lamunin siya.
"Tatandaan niyo na kahit isa lang sa inyo ang masangkot sa eskandalo ay hindi lang pangalan ninyo ang madadawit kung hindi pati na rin ang buong grupo niyo. Nagsisimula pa lang kayo. Gusto niyo bang magkaroon ng maagang retirement?" seryoso pa ring tanong nito.
Nag-angat siya ng ulo. "I-I'm sorry po. Pero wala naman ho talaga kaming ginagawang masama ni Rick. We're just friends and –"
"Hindi mahalaga rito kung ano ang totoo at hindi Cham. Yes we could deny that article to at least estinguish the fire. But the damage has been done. Hindi na mapipigilan ng iba na kuwestuyin kayo. Kahit pa ang totoo ay pure talent ang nagdala sa inyo kung nasaan man kayo, the next time na umakyat kayo sa stage hindi imposibleng may mga nanonood na magtatanong kung totoo ang nabasa nila o hindi."
Hindi siya nakasagot. Nagbuga ito ng hangin at tumayo. Pagkuwa'y bahagya itong sumandal sa hamba ng lamesa nito at humalukipkip. "This is how harsh this business is. I want all of you to know that. Kaya sa susunod bantayan niyo ang mga kinikilos niyo. If you want to stay long in this business you all need to set your priorities. Lalo ka na Cham dahil ikaw ang vocalist ng banda ninyo. Ikaw ang unang tinitingnan ng mga tao. Ikaw ang pinakakilala. I don't want to be blunt but I need to say this, if you want to have a successful career forget about other things. Hindi ko sinasabing huwag kayong makipagkaibigan. But anything beyond that is impossible. Naiintindihan ninyo?"
Mariing itinikom ni Cham ang mga labi at bahagyang napayuko. Nakuha niya ang gusto nitong sabihin. Hindi siya maaring magkaroon ng malalim na relasyon kahit kanino. Mas lalo na kay Rick dahil magkaiba sila ng posisyon. Producer nila ito at sa hinaharap ay ito ang magiging presidente ng recording label nila. Kahit na anong gawin nila ay malabong walang mag-isip ng hindi maganda sa kanila.
She feels so helpless and awfully sad her heart is breaking. "I-I'm sorry," pigil ang pagluhang nasabi niya.
Naramdaman niya ang paghaplos ni Stephanie sa likod niya. Nagbuga ng hangin si Mr. Hernandez. "Well, treat this as a lesson learned. May schedule ba sila ngayon RJ?" baling nito sa manager nila.
"Ah, yes Sir. May show sila mamaya sa Hard Rock Café. But sir, I am afraid of a possibility that they might cancel the show kapag nakarating na sa kanila ang balitang ito," sagot ni RJ.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...