KAGAYA ng napag-usapan ni Cham at ng mga kaibigan niya, pagkatapos na pagkatapos ng set ng Wildhorn ay sama-sama silang nagtungo sa backstage. Hindi niya alam kung paano iyon nagawa ng mga kaibigan niya pero nakuntsiyaba ng mga ito ang mga kaibigan ni Rick nang hindi niya namamalayan. Dahil bigla na lamang siyang sinensyasan ni Vergel na pumasok ng dressing room.
Matapos niyang walang tinig na magpasalamat dito ay maingat niyang binuksan ang dressing room. Nakita niyang pasalampak na nakaupo si Rick sa isang silya. May tuwalyang nakatakip sa mukha nito habang nakatingala ito. Nakikita pa niyang basa ang buhok at damit nito sa pawis. Marahas pa ang paghinga nito. Bahagyang nagsikip ang dibdib niya at pinigilan ang sariling lundagin ito ng yakap. Bagkus naglakad siya ng ilang hakbang palapit dito.
"Rick," pukaw niya rito. She saw his body stiffen. Pagkuwa'y marahas nitong inalis ang tuwalyang nakatakip sa mukha nito at dumeretso ng upo. Nasalubong niya ang mga mata nito. Bahagyang kumilos ang mga kamay nito na tila ba aabutin siya. For a moment, akala niya ay hihigitin siya nito at yayakapin na gaya ng madalas nitong gawin noon kapag matagal silang hindi nagkikita. Sa halip ay ipinatong nito ang mga kamay sa tuhod nito at ikinuyom ang mga kamao. Ang mukha nito ay nawalan ng ekspresyon. Bigla pakiramdam niya ay may makapal na pader na pumagitan sa kanila.
Alanganin siyang ngumiti. "Ang tagal na nating hindi nagkikita. Sobrang busy ka ba para hindi mo ako mapadalhan kahit isang text lang?" magaan na tanong niya rito.
Nag-iwas ito ng tingin. "Yeah. Sobrang busy. Kayo rin naman hindi ba?" malamig na sagot nito.
May kumurot sa puso niya sa tono nito. There is really something wrong. Huminga siya ng malalim at pinanatili ang ngiti. "Hey, alam mo ba may pinakilala sa amin ang daddy mo na producer from Warner Music. Bibigyan daw niya kami ng kontrata. Ipoproduce niya raw ang international debut namin. Kaya kami nandito para magcelebrate. Ito ang piniling bar ni Yu para daw magkita tayo ng hindi masyadong maghihinala ang mga makakakita ng tungkol sa atin," aniya rito.
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. "Alam ko na ang tungkol diyan. Aalis kayo ilang linggo pagkatapos marelease ang collaboration album niyo ni Adolf Lawrence hindi ba? Congratulations," walang buhay na sabi nito.
"Rick ano bang problema? Hindi mo na ako kinocontact, hindi kita nakikita at ngayong nagkita tayo ganiyan ang reaksyon mo? Tell me, did I do something wrong? May gumugulo ba sa iyo?" nag-aalala nang tanong niya.
Lumapit pa siya rito at akma itong hahawakan nang magsalita ito. "Cham, let's break up," he said quietly.
Natigilan siya at napatitig dito. Nang tumingin ito sa kaniya at masalubong ng mga mata niya ang seryoso at malamig na mga mata nito ay tumigil sa pagtibok ang puso niya.
PILIT hinamig ni Cham ang sarili. Malabong tama ang narinig niya. Sinasabi ni Rick na maghiwalay na sila? Mali lang siya ng dinig sigurado siya. "A-anong sinasabi mo?" nanginginig ang mga labing tanong niya rito.
Hindi ito tuminag sa pagkakaupo. "Tapusin na natin ang kung ano mang mayroon tayo. Start a new and brighter life abroad. Afterall, this kind of relationship will not work out if we are on opposite parts of the world."
Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa matinding sakit na nararamdaman niya roon. "H-hindi ba pwede iyon? Ang mahalaga naman ay mahal natin ang isa't isa hindi ba? Pwede naman tayong magtawagan o magchat o kahit ano. Hindi natin kailangang putulin ang relasyon natin," garalgal ang tinig na sabi niya. Iniisip pa lamang niya na mawawalan na sila ng konteksyon ni Rick ay gusto na niyang umatungal ng iyak. Hindi pwede iyon. Mahal na mahal niya ito at ang alam niya ay mahal din siya nito. Bakit kailangan nilang magbreak?
Umismid ito at tumayo. Ang mukha nito ay naging malamig. "Don't be so naïve Cham. Hindi ko matatawag na relasyon ang gusto mong mangyari. Do you really expect me to wait for you here? Inaasahan mo ba na makukuntento ako sa tawag o kung ano pa man? Mali ka ng pagkakakilala sa akin kung ganoon. I don't need a relationship like that. For me, what I need for a girlfriend is someone I can go out in public, who I can kiss, touch and make love everytime and anywhere I want. Hindi ko kailangan ng girlfriend na hindi ko naman nakikita," malupit na sabi nito.
Nakagat niya ang ibabang labi. Ayaw tanggapin ng isip at puso niya ang sinasabi nito. "H-hindi ganiyan ang sinabi mo sa akin dati," mahinang sabi niya.
Sarkastiko itong ngumiti. "That's because I am a fool before. Pero hindi na ngayon. Going out with you made me realize what I really wanted for a girlfriend. Unfortunately, hindi ikaw iyon. Masyado na akong napagod sa iyo. Kaya huwag mo na akong pahirapan pa. Maghiwalay tayo, kalimutan mo ako at isipin mo na lang ang sarili mo at ang career mo. Tapos." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay nilampasan siya nito.
Nag-init ang mga mata niya sa kalamigan nito sa kaniya. Mabilis siyang humarap at kumapit sa braso nito bago pa ito makalabas. "No! Hindi ka ganiyan Rick. You are not that cold and cruel. Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan kung bakit gusto mong maghiwalay tayo. Kung may dinadala ka dadamayan kita. Dalawa nating sosolusyunan. Huwag mong solohin. Please, sabihin mo sa akin ang totoo," nakikiusap na pigil niya rito.
Lumingon ito sa kaniya. "You really want to know the truth? Fine. Ayoko sanang saktan ka pa ng husto pero makulit ka. Ang totoo, I realized I don't love you as much as I thought I do. Narealize ko na mas gusto ko ng normal na relasyon na gaya ng sa mga kaibigan ko. Iyong hindi nagtatago, iyong kaya kong ipakita sa lahat kung sino ang babaeng kasama ko. And I know deep inside you feel that way too. Hindi rin ako kasing martir na gaya ng iniisip mo. I cannot wait for you to come back after you go to the states. I don't want you to give up your career for me either. Kahit saan mo tingnan hindi magwo-work out ang kung ano mang mayroon tayo. So why not give up and go on with our lives separately? Kung hindi mo pa rin iyon matanggap problema mo na iyan. Basta ako, I'm sick of this already," mahabang sabi nito at binawi ang braso sa kaniya.
Nang mabitawan niya ito ay mabilis itong lumabas ng dressing room. Nang sumara ang pinto ay tuluyan nang nagunahang tumulo ang mga luha niya. It was over. Ayaw na nito sa kaniya. Pagod na itong mahalin siya.
Noon bumukas ang dressing room. Pumasok ang mga kaibigan niyang bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likuran ng mga ito ay nakita niyang tila may hinahabol sila Vergel. Marahil si Rick ang hinahabol ng mga ito.
"Cham," nag-aalalang tawag ng mga ito sa kaniya.
Napahikbi siya hanggang tuluyang mapahagulgol. Napaupo siya at isinubsob ang mukha sa mga palad niya. Ang sikip-sikip ng dibdib niya. Hindi niya naisip na sa ganoong paraan matatapos ang lahat sa kanila ni Rick. Dati tanggap niyang malaki ang posibilidad na iiyak siya dahil kay Rick. Hindi lamang niya inaasahang ganoon karaming luha ay iiiyak niya.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...