Part 16

4K 147 2
                                    

NAPATINGALA si Audra nang iniumang sa kanya ni Chase ang kape na nasa styrocup. Saglit siyang napatitig sa kamay nito particular sa bracelet na ibinigay niya rito noon bago inabot ang kape. "Salamat."

Umupo ito sa tabi niya at sumimsim sa kape nito. Hindi na naman niya naiwasang mapatingin sa bracelet nito.

"Audra. Bakit ba kung makatingin ka sa bracelet ko parang gusto mong bawiin?" biglang sabi nito na ikinaangat ng tingin niya sa mukha nito. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng makitang mas maaliwalas na ang mukha nito kaysa ng makita niya ito kanina.

"Hindi naman sa ganoon. Nagtataka lang ako kung... bakit suot mo parin iyan haggang ngayon," mahinang sagot niya.

"I told you before right? That I will be always wear it. Besides bagay siya sa image namin."

Napatingin siya rito. Alam niyang hindi ang tipo ni Chase ang nag-iisip ng image ng mga ito. Pero ano ba namang malay niya kung anong nabago rito sa loob ng dalawang taon. "Kumusta na nga pala sila?"

Ngumiti ito. "Ayos na ayos lang ang mga iyon. Mga walang ipinagbago."

"Ikaw? Kumusta ka naman?" hindi niya napigilang itanong.

Saglit itong natigilan bago nagkibit balikat. "I am okay. Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan."

Ngumiti siya. "I am fine now. Thank you. You made me cry my heart out to you. Ayan tuloy nabasa ko ang damit mo," aniyang sinulypan ang bahaging dibdib nito.

Napatingin din ito sa damit nito pagkuwa'y nagkibit balikat. "That's okay. At least I have of use to you. This is the only thing I can do to comfort you."

Hindi siya nakasagot sa sinabi nito. Napatitig lamang siya rito. Then she smiled. "Thank you Chase," usal niya.

Ito naman ang tila natigilan. Pagkuwa'y ngumiti ito. Umangat ang kamay nito sa mukha niya. Napasinghap siya ng haplusin nito ang pisngi niya. "I missed that smile. I missed you." Napatitig siya sa mga mata nito. Did he really miss her? Ah, she so wanted to say she missed him too.

"Audra."

Mabilis siyang dumistansya kay Chase ng marinig niya ang pagtawag na iyon ng mama niya.

Nang lumingon siya ay nakita nga niya ang kanyang ina na nakatayo sa di kalayuan. Wala ang ngiti sa mga labi nito. Tumayo siya. "Ma?"

"Uuwi na tayo. Nakapagpaalam na ako sa tito at tita mo. Alam naman nilang pagod ka sa biyahe. Halika na, hinihintay na tayo ng papa mo sa baba."

"Opo." Bumaling siya kay Chase na nakatayo na rin. "Sige, uuwi na kami Chase."

Ngumiti ito. "Okay. Dapat nga na magpahinga ka na muna." Gumanti siya ng ngiti at lumapit sa kanyang ina.

Nakababa na sila sa ground floor ng hospital ay hindi pa rin nagsasalita ang mama niya. "Ma, may problema po ba?"

Tipid lamang siya nitong tinapunan ng tingin. "Mukhang malapit kayo ni Chase."

"Hindi naman po. Kaibigan namin siya ni Lyka bago pa ako magpunta ng Japan."

Bahagyang kumunot ang noo nito. "Wala ka yatang nasabi sa akin ng tungkol sa kanya. Last year lang ipinakilala sa amin ni Lyka si Chase."

Nag-iwas siya ng tingin. "Nakaligtaan ko lang ho."

Nakalabas na sila ng ospital ng muli itong magsalita. "Kahit na sinong makakita sa inyo kanina iisiping may relasyon kayo ni Chase. Parang may iba sa inyong dalawa habang naguusap kayo."

"Ma hindi totoo iyang iniisip mo," angal niya.

Tumingin sa kanya ang mama niya. "Of course hija. Boyfriend siya ni Lyka hindi ba?"

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon