Promise Me Forever - Part 16

3.9K 141 1
                                    


KANINA pa nagsimula ang concert. Nasa gilid ng stage si Grace at nakamasid sa bandang kasalukuyang tumutugtog. Naroon siya para madali siyang makikita ng staff niya kung sakaling may mangyaring aberya. At dahil malapit na rin kasi ang set ng Wildhorn.

Napalingon siya nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya. "Rick! Bakit nandito ka? Malapit na ang set niyo ah," gulat na tanong niya.

Sumulyap ito sa kanya at alanganing ngumiti. Napakunot-noo siya. Parang may dinadamdam ito. "Can I talk to you Grace?" tanong nito.

Bahagya siyang lumapit dito upang magkarinigan sila. "Tungkol saan? Hindi ba iyan pwedeng after na lang ng concert?"

Umiling ito. "I don't think so. Hindi ako matatahimik kapag hindi ko naitanong sa iyo ngayon."

Lalo siyang nakaramdam ng pagtataka. "O-okay. What is it?"

Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Naging... kayo ba ni Vergel?" tanong nito.

Napatda siya sa tanong nito. "Why are you asking?" aniya ng makarecover na siya.

Tumikhim ito. "He told me to ask you. So is it true?"

Parang gusto niyang maawa rito. Base kasi sa ekspresyon ng mukha nito ay umaasa itong hindi totoo iyon. Pero hindi niya kayang magsinungaling dito. She sighed. "Yes it's true."

Na-guilty siya ng bumalatay ang sakit sa mukha nito. Pakiramdam niya, nakikita niya ang sarili niya rito noong panahong nakita niya si Vergel na may kasamang iba. "Rick?"

Bumuntong hininga ito. "Can-can you elaborate please?"

Napatitig siya rito bago marahang tumango. " Well, he was my first love. He was already an attention-getter back then and me, I am just a simple college student who admires him from afar. Naging classmates kami sa isang subject. And he said he liked me too. We just hit it off I guess," kwento niya.

Bigla rin siyang nakaramdam ng lungkot. Tuwing naalala niya ang mga masasayang bagay na iyon ay palaging sa paghihiwalay nila nauuwi ang isip niya. "But that's all in the past now," aniya.

Natahimik ito. Pagkuwa'y maingat na nagsalita. "Arent you planning to go back to him?"

Mapait siyang ngumiti. Pinagtatalunan din ng isip at puso niya ang tanong na iyon. "Hindi ako masokista Rick. Naniniwala ako na kapag nasaktan na ako ng isang tao ng isang beses, magagawa niya pa rin akong saktan muli. I don't want to be hurt by the same man twice. I admit that what we had was the happiest moments in my life, but it was also the most painful. Besides, how can I go back to someone na pinagsawaan na ako hindi ba? May pride naman ako," aniya sa matamlay na boses.

Saglit itong hindi nakahuma. "Pero bakit malungkot ang pagkakasabi mo?" tanong nito. Nag-angat siya ng tingin. "I get it. You don't have to say anything," anito.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng mga matas niya. it's because no matter how afraid I am to be hurt by him, I still long to be with him. Tumango na lamang siya dahil hindi niya pa kayang isatinig iyon.

Natapos ang isang kanta ng bandang tumutugtog bago ito muling nagsalita. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nagustuhan mo sa kanya?"

Napasulyap siya rito. "I told you that was all in the past," paiwas na sagot niya.

"O eh di kung anong nagustuhan mo sa kanya dati, kung gusto mong i-deny na gusto mo pa rin siya hanggang ngayon," sagot nito.

"Pero bakit?" naguguluhang tanong niya.

Tipid itong ngumiti at tumingin sa kanya. "Dahil gusto kong malaman. Baka sakaling matanggap ko na hindi mo ko magawang magustuhan kapag narinig ko kung sinong Vergel ang nakikita mo."

Bumuntong hininga siya. "Actually I really don't know. Basta, the moment I saw him, I know he's different. At napatunayan ko iyon noong naging kami. Kung tutuusin, wala namang extraordinary sa kanya, aside from his looks."

May nakawalang ngiti sa kanyang mga labi nang bigla niyang maalala ang nakaraan. "But you see, he's sweet without exerting too much effort. He tries to sing me songs kahit hindi ganoon kaganda ang boses niya. He always encourage me to eat at wala siyang pakialam kung tumaba ako..." and she started to talk about him for the next thirty minutes.

Tatawa-tawang pinigilan na siya ni Rick. "I get it, I get it. You are really in love with him."

Bigla siyang natigilan. I still love him...

Biglang sumeryoso si Rick. "Masakit sa aking sabihin ito. But if you still love him that much, bakit hindi ka makipagbalikan sa kanya? Yes, he hurt you before kahit hindi ko alam kung bakit at kung paano ka niya sinaktan, pero siya rin naman ang nakakapagpasaya sa iyo ng husto hindi ba?"

Hindi siya nakasagot at itinuon ang atensyon sa tumutugtog na banda sa stage.

"Besides, he seems to be serious when it comes to you. Kilala ko iyon eh, mapagbigay iyon, hindi nananalo ng kaibigan pagdating sa babae. Dati nga kahit sa kanya may gusto ang babae kapag may kaibigan siyang type yung babae binibigay niya." tumingin ito sa kanya. "Kaso, ayaw ka niyang ibigay sa akin."

Something warm touched her heart, bahagyang itinaboy ang takot doon. Humarap sa kanya si Rick at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "I want you to be happy Grace. Dahil kung hindi, ipipilit ko pa rin sa iyo ang sarili ko. So be happy okay?" nakangiting sabi nito.

Ngumiti siya. "Ang bait mo talaga Rick. Thank you," aniya at niyakap ito ng mahigpit.

Tumawa ito. "Ayoko ngang maging mabait eh. Teka, babalik na ako sa backstage. Kami na ang sunod diyan. Thank you Grace. Kahit papaano, I feel better now," nakangiting sabi nito at tinapik siya sa balikat bago umalis.

Sinundan niya ito ng tingin. Nahagip ng mga mata niya si Vergel na nakatayo sa isang parte ng gilid ng stage at nakamasid lamang sa kanya. Nagsalubong ang mga mata nila. Napakunot noo siya nang tila may kakaiba sa mga mata nito. Bago niya pa matanto kung ano iyon ay mabilis na itong tumalikod. Inangat nito ang isang braso at tila ipinunas sa mukha nito bago lumakad palayo.

Nagtataka man ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon. Muli niyang itinutok ang atensyon sa stage kung saan nagpapaalam na ang bandang kanina ay tumutugtog. Ang Wildhorn na ang sunod na magpeperform. Gusto niyang mapanood ang mga itong magperform sa mas malaking stage, sa harap ng mas maraming audience.

Maya-maya pa ay lumabas na ang mga ito. Hindi na napuknat-puknat ang ngiti niya lalo pa at naghiyawan ang mga nanonood. Kahit sino naman talaga ay mapapahiyaw kapag nakikita ang mga ito.

Ngunit dagli ring nawala ang pagkakangiti niya nang makitang madilim ang mukha ni Vergel. Napakunot-noo siya nang magsimulang tumugtog ang mga ito. Isa lamang ang naisip niya nang mga oras na iyon – Vergel is not himself.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon