NATAPOS ang klase na walang naintindihan si Grace. Mas natuon kasi ang atensyon niya sa katabi niya. Pero ayos lang iyon sa kanya. Mag se-self study na lang siya. Tumayo na siya. Bigla na kasing nagsilapitan ang mga classmates nila kay Vergel. Inaasahan na niya iyon pero bahagya pa rin siyang nadismaya. But well, that's life ikanga.
Nakalabas na siya ng classroom nang maramdaman niyang may humawak sa braso niya. Mabilis niya iyong nilingon. Ang nakangiting mukha ni Vergel ang nakita niya.
"Sorry. Before I knew it hinabol na kita. Time na ba talaga for your next subject?" tanong nito.
Napayuko siya dahil sa kabang nararamdaman niya. "Hindi pa naman," mahinang sagot niya.
"Great. Baka gusto mo munang mag merienda?" tanong nito na muling ikinaangat ng mukha niya. Totoo ba ang narinig niya? Niyayaya siya nitong magmerienda?
Bago pa siya makasagot ay nahagip na ng mga mata niya si Marilou. Mukhang tapos na rin ang klase nito. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Lalong kumunot ang noo nito nang mapasulyap ito sa lalaking katabi niya. Napangiwi siya. Siguradong hindi papayag ang kaibigan niyang sumama siya kay Vergel.
Tiningala niya ang lalaki. There's an expectant look on his face. Sa totoo lang ay ayaw niya itong biguin kaya lamang... "Pasensya ka na. May usapan na kasi kami ng bestfriend ko na sabay kaming magmemerienda."
Bumakas ang disappointment sa mukha nito. "Ganoon ba? Well, maybe next time would be fine?" tanong nitong tila dismayadong dismayado. Tumaba naman ang puso niya sa itsura nito. Matamis niya itong nginitian at tumango. Nagpaalam na siya rito at lumakad palapit kay Marilou na agad siyang hinatak palayo roon.
"DON'T get too near him Grasya, he's dangerous," banta ni Marilou sa kanya nang makarating na sila sa paborito nilang pwesto sa canteen.
Bahagya siyang natawa sa reaksiyon ng kaibigan niya. "He doesn't seem dangerous. Kakapanood mo lang iyan ng mga suspense thrillers eh," biro niya.
Pinandilatan siya nito, na para bang sinasabi nitong hindi ito natatawa sa biro niya. "That's not what I mean by dangerous Grace. Alam mo naman kung gaano karami ng babaeng ang pinaiyak niya at kung gaano karami na ang babaeng pinaibig niya at basta nalang iniwan pagkatapos. You knew it better than I do Grace since you're always watching him."
Nawala ang ngiti niya sa mga labi. Bigla ring naglaho ang sayang kanina lamang ay nararamdaman niya. Dahil tama ang kaibigan niya. Bumuntong hininga siya at marahang tumango.
"Since alam mo na, hindi ko naman na siguro kailangan pang sabihin sa iyo ang dahilan kung bakit ayokong lumapit ka sa kanya? It's not that I have hidden agenda or anything. I'm just worried about you. Delikado ang babae sa Vergel na iyon. Lalo ka na."
"Grabe, bakit mo naman nasabing mas lalo na ako?" defensive na tanong niya. Ganoon ba kahina ang tingin ng kaibigan niya sa kanya?
Biglang lumambong ang mga mata nito. "Because I know you love him so much na papayag ka sa lahat ng sasabihin niya, kahit na alam mong dehado ka."
Natigilan siya. Pagkuwa'y muling napayuko. It was the first time na may isa sa kanilang nagkumpirma ng nararamdaman niya para kay Vergel. As always, her best friend is right. She's in love with him. "Alam ko naman iyon Lou. Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako."
Bumuntong hininga ito. "Dapat lang no. May isa akong kakilalang naging fling ni Vergel. Taga Marketing. Luhaan siya ngayon dahil napagsawaan na siya. Ayokong mangyari sa iyo iyon."
It was her turn to sigh. "Opo."
"ANG tagal naman ng babaeng iyon," bulong ni Grace sa sarili pagkatapos tumingin sa wristwatch niya sa ika sampung pagkakataon. Kanina pa siya nakaupo sa bench at hinihintay ang kaibigan niya. May meeting daw ang organisasyon nito at hiniling na hintayin niya ito. Tutal naman ay iisa lamang ang dormitoryong tinutuluyan nila.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...