"WHOA, she's hot," komento ni Carlo na sinundan ng tingin ang masungit na babae.
Biglang nainis si Lloyd. Nasalubong niya ang tingin ni Jeff. "What?" defensive na tanong niya.
"Anong ginawa mo 'don at uminit ang ulo?" nakakunot-noong tanong nito.
Humilig siya sa lamesa at namulsa. "I didn't do anything. Masungit lang talaga siya."
Natawa ito. "Hindi masungit 'yon. She's actually a very patient and loving woman," pagtatanggol nito sa babae.
Hindi niya alam kung bakit pero lalo lang siya nainis. "Baka sayo lang siya ganyan Jeff. Kasi girlfriend mo siya. I was just trying to be kind to her."
"What?" manghang sabi ng kaibigan niya bago malakas na natawa.
"Oy pare, napapraning ka na ba?" tanong ni Carlo kay Jeff.
"Hindi. Nakakatawa kasi itong si Lloyd."
"Naaasar na ako sa 'yo Jefferson," pagbabanta niya. Ang labo talaga ng kaibigan niyang ito kahit kailan.
"Para ka kasing ewan. Hindi ko girlfriend si Janice."
"Really? So pwedeng pormahan?" tanong ni Vergel.
"Who is she then?" hindi kumbinsidong tanong ni Lloyd.
"Pinsan ko siya."
Natigilan siya. "Your cousin?"
"Yep. Siya yung nag pa-piano kanina."
Lalo siyang nagulat. Sina Vergel, Carlo at Chase naman ay muling napasulyap sa pinto bago sabay-sabay na napatingin uli kay Jeff na malapad nang nakangisi.
"Pambihira pare. Bakit hindi mo naman sinabing ganoon kaganda ang pinsan mo? Kung anu-ano pa ang pinagsasabi namin kanina?" namamanghang tanong ni Vergel.
"Mukha namang nag eenjoy kayo sa panlalait sa kanya kaya hinayaan ko na kayo." Biglang lumingon sa kaniya si Jeff. "O, bakit hindi ka na nakapagsalita Lloyd? Interesado ka ba sa pinsan ko?"
He smirked. "No." Hindi niya kinayang salubungin ang tingin nito. Nag-iwas siya ng tingin bago muling nagsalita. "I'm just curious."
"Curious, huh. Kaya lang she's off limits."
Muli siyang napatingin dito at napakunot-noo.
"Kailan ka pa naging over protective?" tanong ni Chase kay Jeff.
"I'm not over protective. Siya ang nag o-off limits sa sarili niya."
That caught his attention. Nasalubong niya ang tingin ni Jeff. "Why?" curious na tanong niya.
"Parang ngayon ka lang nacurious ng ganyan ah," komento ni Vergel.
"Bakit kayo ba hindi na cu-curious?" tanong ni Lloyd sa mga kaibigan niya.
Nagtinginan ang mga ito bago sumagot ng "No."
"Badtrip kayo ah," naiinis na sabi niya. Pinagkakaisahan na naman siya ng mga ito. Nagtawanan ang mga ito. Naiinis na tumayo siya at lumakad palabas ng kusina.
"Hey, wanna bet?" pigil ni Jeff sa kanya.
Nilingon niya ito. Napatingin din ang mga kaibigan nila rito. "What bet?"
"Let's see kung mapapalambot mo ang puso ng pinsan ko o hindi."
Napasipol si Carlo sa sinabi ni Jeff. Lalo siyang nainis. "Masyado na tayong matatanda para sa ganyang kalokohan. Hindi ka ba naaawa sa pinsan mo?"
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...