Our Song - Part 13

2.9K 114 2
                                    


ISANG cover song lang ang kailangang tugtugin para sa final screening ng papasok sa semi-finals nang "The next big name in music" contest ng Diamond Records. Mula ng makita ulit ni Cham si Rick, isa lang ang kantang naiisip niyang kantahin. Naipagpasalamat niya na nang isuggest niya ang kantang iyon ay pumayag naman sila Yu. Ire-rearrange na lamang daw nito at ni Anje ang kanta para maging style nila. Iyon ang inensayo nila hanggang kahapon.

"Medyo kinakabahan ako," nausal ni Cham habang nakatingin sa malaking lcd screen sa malawak na silid na iyon kung saan naghihintay ang lahat ng mga contestant. Sa screen ay napapanood nila ang performance ng bandang tumutugtog sa studio na katabi lamang ng silid na iyon.

"Don't worry ngayon lang iyan. Kahit noong high school at college tayo, kapag kumakanta ka sa mga programs kabado ka lang kapag nasa backstage ka pero kapag may kaharap ka ng mic nawawala na ang kaba mo," nakangiting sabi ni Yu.

Huminga siya ng malalim at ngumiti na lang rin. Tama naman kasi ito. Ilang grupo pa ang tumugtog bago tinawag ang pangalan ng banda nila. "This is it," sabi ni Stephanie. Nagtanguan sila at magkakapanabay na lumakad patungo sa studio kung saan sila magpeperform.

NAMANGHA si Cham nang pagpasok nila sa studio ay makita niyang ang isang panig niyon ay himbis na pader ay may isang malaking salaming bintana na nagse-separate sa isa pang silid. Medyo madilim doon kaya hindi niya masyadong matanaw ang mga tao roon ngunit nakikita niya ang pigura ng mga iyon. Napansin niyang sa bandang likod ay may mga nakahilerang nakaupo. Marahil ay iyon ang mga hurado.

"Cham," untag sa kaniya ni Yu.

Inalis niya ang tingin sa kabilang silid at isinukbit na niya sa balikat niya ang gitara niya. Ang mga kaibigan niya ay pumuwesto na rin. Lumapit siya sa nakagitnang mikropono at huminga ng malalim.

"You are Wildflowers?" narinig nilang sabi ng kung sino sa kabilang silid.

Tumingin siya roon. "Yes," sagot niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang may mahagip na pamilyar na mukha ang mga mata niya roon ngayong nakatayo siya sa gitna. Si Rick! Nakaupo ito sa bandang dulo ng hilera ng mga tao sa likuran. Nang masalubong niya ang mga mata nito ay nakita niyang bahagya itong ngumiti at marahang tumango.

Napahinga siya ng malalim sa biglang pagkabog ng dibdib niya. Ngunit alam niya hindi iyon dahil sa kinakabahan siya sa contest.

"What you are going to play?" muli ay tanong ng lalaki.

Lumapit siya sa mic. "Runaway by The Corrs," sagot niya. Nang sumignal ang lalaki na maari na silang magsimula ay nilingon niya ang mga kaibigan niya. Isa-isa silang nagtanguan. Nang marinig niya ang tunog ng drums ni Yu na nagbibilang ay muli siyang humarap. Pumikit siya at bahagyang ngumiti nang maalala niya ang dahilan kung bakit iyon ang nais niyang kantahin. Iyon ay dahil naalala niya si Rick kapag kinakanta niya iyon. Masaya siyang malaman na maipaparinig niya iyong muli rito - The Wildflower's own version of Runaway.

"CAUSE I have fallen in love. With you, no never have. I'm never gonna stop falling in love, with you."

Tulad noong unang marinig ni Rick ang boses ni Cham habang kumakanta ito sa bar ay hindi niya maiwasang mamangha habang pinakikinggan niya ito ngayong kasama na nito ang buong banda nito. Pareho lamang ang awiting kinakanta nito ngunit sa pagkakataong iyon ay mas powerful at upbeat ang kantang iyon. Maganda ang pagbe-blend ng mga instrumento at boses ni Cham. Her eyes looks like she's totally in love and really willing to runaway with the guy she loves.

Tuloy kahit siya ay bahagyang kumabog ang dibdib habang naririnig itong kumanta na para bang siya ang kausap nito. Ganoon kalakas ang dating ng pagkanta nito. I bet lahat ng nakakarinig sa kaniya ganito ang nararamdaman.

Kumpara sa mga nauna nang grupong pumasok sa studio, masasabi niyang ang banda nito ang mas angat. Hindi lamang magaling ang mga ito sa tenchniques, there is also something about them that is charming.

Nang masalubong niya ang tingin ni Cham at tila ngumiti ang mga mata nito habang kumakanta ay muntik na niyang mabitawan ang ballpen na hawak niya. "Close the door, lay down upon the floor. And by candlelight, make love to me through the night .Cause I have runaway. I have runaway with you."

He could almost picture her with him making love on a carpeted floor. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan niya at pagkabuhay ng isang bahagi niyon sa eksenang tumatakbo sa utak niya. Marahas niyang minura sa isip ang sarili niya na nagagawa pang mag-isip ng ganoong kalokohan. Ipinilig niya ang ulo. Alam niyang nadadala lamang siya nang mapang-akit na boses nito ngunit unfair pa rin kay Cham ang tinatakbo ng utak niya. She is his friend for God's sake!

"And I would runaway. I would runaway, yeah. I would runaway with you"

Katulad din noon una niya itong mapanood kumanta ay hindi niya magawang ialis ang tingin dito hanggang sa matapos ang mga ito.Ngunit sa pagkakataong iyon ay may munting tinig na nagsasabi sa kaniyang ang pagkatulala niya rito sa mga oras na iyon ay iba kumpara noong una. Hindi lamang niya mabigyan ng pangalan iyon ngunit sigurado siyang malaki ang kaibahan niyon.

"Oh, that's a real gem. They were all good and beautiful too. Kailangan lang ng kaunting practice at pwede ng isalang. It's really a good decision to do this contest," ani isang pamilyar na tinig na pumukaw sa kaniya.

Napasulyap siya sa hindi niya namalayang nakapasok na pala roon. "I thought you're in Singapore," kunot noong tanong niya sa kaniyang ama.

Mukhang napansin na rin ito ng mga tao doon dahil lumabas na ng studio sila Cham. Binati ng mga ito ang kaniyang ama na bahagya lamang kinawayan ang mga ito at tumingin na ulit sa kaniya. "I just got back. Sinisilip ko lang kung ano ang nangyayari dito.

"You said you will leave this project to me."

"I did. Pero bilang presidente at may-ari may karapatan pa rin akong tingnan kung ano ang ginagawa ng mga tauhan ko at makielam kung kinakailangan. If you don't want that then take charge of the whole company already. I could even prepare the transfer documents today if you want to," sagot nitong tuluyan nang nakakuha ng atensyon ng mga tao roon.

Umismid siya at inalis na ang tingin dito. "I will not fall for that," aniya rito at pinanood habang nagtotono ng instrumento ang susunod na banda. Hindi pa rin siya kumbinsido kung bakit bigla-bigla ay gusto na nitong magretiro. Pakiramdam niya ay may iba itong binabalak at ayaw niyang isuong ang sarili niya roon.

"So what made you accept this job then? Nang kausapin kita ay matindi ang pagtanggi mo pero hindi pa man natatapos ang araw ay bumalik ka sa opisina ko para sabihing gagawin mo na ang trabahong ito," untag nito.

Nagbuga siya ng hangin. "I think the project is interesting that's all," tipid na sagot niya. Kahit sa sarili niya ay iyon din ang dinadahilan niya. Naipagpasalamat niya na nagsimula ng tumugtog ang sunod na grupo dahil hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon ang kaniyang amang usyosohin pa siya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon