Our Song - Part 25

3.1K 128 6
                                    

ISANG linggo makalipas ang araw na pinabulaanan ni Rick ang tungkol sa kanila ni Cham ay unti-unti ng bumalik sa normal ang lahat. Makalipas ang isa pang linggo ay tuluyan ng natabunan ang isyung iyon ng mas mainit na balita tungkol sa isang young actor na kabit daw ng isang asawa ng politiko.

Nagpatuloy sa kasikatan ang Wildflowers at nagpaplano na nga ang Diamond Records para sa kanilang first major concert. Hindi man iyon sa Araneta o sa mas malaking open field ay sapat na sa kanila na magkaka-concert na sila. Afterall, mag-iisang taon pa lang naman sila sa industriya.

Ang nakakapagpabigat lamang ng dibdib niya sa mga nakaraang linggo ay ang katotohanang kahit madalas niyang makita si Rick dahil sa mga meeting para sa concert nila ay hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makausap ito na gaya ng dati. Tuwing susubukan niyang lumapit dito ay para bang may pader na bigla na lamang papagitan sa kanilang dalawa at nawawalan na siya ng lakas ng loob na lumapit dito. Katulad ng kinatatakutan niya ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa kaniya.

"Cham, tapos na rin ang pictorial niyo?" pukaw sa kaniya ng isang tinig ng lalaki.

Mula sa pagliligpit ng gamit niya ay lumingon siya. Nakita niya ang pop singer na si Adolf Lawrence. Nauna ito sa industriya ng tatlong taon kaysa sa kanila at sa pagkakaalam niya ay nasa ilalim din ito ng Diamond Records. Una silang nagkakilala nang bigla itong ipakilala sa kanila ng manager nila. Avid fan daw niya ito at nais siyang makilala ng personal. Ayos lang naman sa kaniya iyon kung hindi lamang ito umaastang overly familiar sa kaniya na para bang sobrang lapit nila sa isa't isa.

Hindi niya alam kung bakit, pero nitong mga nakaraang linggo ay madalas niya itong makita kung nasaan man sila. Pagkatapos ay isa rin pala ito sa magiging guest nila sa concert nila kaya mas madalas niya itong makita.

"Oo. Hinihintay ko lang matapos magbihis ang mga kabanda ko," aniyang hindi na inabala pang magkunwaring gusto niya rin itong kausap.

"Great. Baka gusto mong magkape muna? My treat," nakangiting aya nito.

Pinigilan niyang mapabuga ng hangin. Ilang beses na nitong sinabi iyon mula noong una silang magkita. Noong una ay pumapayag siya out of courtesy. Ayaw naman niyang masabihang suplada ng isang sikat na singer na gaya nito. Pero lately ay natuturete na ang tainga niya sa kakaaya nito. Minsan na rin silang naging laman ng balita dahil nga madalas silang makitang magkasama.

But the funny thing was, mukhang kinakiligan iyon ng mga tao. May gumawa pa ng fan page ng love team nilang dalawa. Malaking kaibahan kaysa noong kay Rick siya nalink. Hindi niya tuloy alam kung matatawa o maiiyak siya nang una niyang napanood sa tv ang balitang iyon.

Pilit siyang ngumiti nang makita niya sa gilid ng mga mata niya ang curious na tingin ng mga tao sa paligid. "Hindi ako pwede ngayon eh. May practice kami at dederetso na kami sa studio," aniya. Totoo naman iyon.

Himbis na madisapoint ay umaliwalas pa ang mukha nito. "Really? Wow. Can I join? Matagal ko na kayong gustong mapanood magpractice," sabi nito.

Bago pa siya makasagot ay namataan na niya ang mga kaibigan niya. Dito bumaling si Adolf at sinabing gusto nitong sumama. Hindi tulad niya ay mukhang walang problema sa mga ito iyon. Tuloy wala na siyang nagawa pa kung hindi tiisin ang pagkakatabi nila sa van at pagkausap nito sa kaniya ng walang humpay hanggang sa makarating sila sa studio.

"YOU really never fail to amaze me. Kahit sa practice ang galing galing niyo. Cham, your voice is superb," nakangiting puri ni Adolf sa kanila matapos ang ikatlong kantang ineensayo nila. Nasa loob sila ng studio na inilaan na talaga ni Carlo para sa grupo nila.

"Break muna tayo," hinihingal pang sabi ni Yu.

"Kukuha ako ng drinks sa vending machine. Anong gusto niyo?" boluntaryo niya upang makalayo kahit papaano kay Adolf. Saglit na nagtinginan ang mga kaibigan niya bago isa-isang sinabi ang gusto ng mga ito. Alam niya ang ibig sabihin ng tinginang iyon. Tuwing naroon kasi sila ay palagi siyang nagboboluntaryong lumabas sa pagbabakasakaling masilip man lang si Rick kung sakaling naroon ito. Iyon nga lang sa loob ng ilang linggo ay hindi niya ito matiyempuhan.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon