Part 3

5.7K 184 8
                                    

NAKAIDLIP si Janice. Ilang oras ang lumipas nang magising siya dahil sa baritonong boses na kumakanta sa kabilang bahay. It was then she realized that Jeff's party had already begun. Nanatili siyang nakahiga sa kama. Hindi niya maiwasang pakinggan ang magandang boses ng lalaki. Sa kabila ng mabilis at malakas na tugtog ay nararamdaman niya ang emosyon nito habang kumakanta. In fairness, he's interpreting the song very well.

Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Bumangon siya at mabilis na sinuklay ang buhok. Hinayaan niya iyong nakalugay. Hindi na rin niya pinalitan ang black shorts at puting long sleeved shirt na suot niya. Lumabas siya ng bahay at tinahak ang daan patawid sa bahay ng pinsan niya.

"Pupunta ako dahil nagugutom ako at hindi dahil sa kung ano pa man," mahinang kausap ni Janice sa sarili.

Madali siyang nakapasok sa bahay nila Jeff. Walang tao. Mukhang lahat ay nasa likod-bahay kung saan ginaganap ang party nito. Dumeretso siya sa kusina. Agad na nahagip ng mga mata niya ang ina. Lumapit siya rito. Agad naman siya nitong napansin.

"O hija, bakit ngayon ka lang?"

Humalik siya sa pisngi nito bago sumagot. "Nakatulog po ako mommy."

"Kumain ka."

"Thanks 'My. Gutom na nga po ako." Umupo si Janice at sumubo ng pagkain sa platong inabot ng ina.

"Doon mo na sa labas kainin yan. Maki join ka sa party."

Umiling siya. "Dito na lang ako kakain. I don't like parties."

"Janice, that's your cousin's party. Kanina ka pa nga niya hinahanap. Silipin mo man lang ang pinsan mo," pangongonsensiya nito.

Bumuntong hininga siya. "Okay, sisilip lang ako." Bitbit ang pagkain ay tumungo siya sa likod bahay. Malakas ang tugtog doon lalo pa at malapit sa stage ang nalabasan niya. She was mortified with what she saw. Everyone is going wild. Hindi na niya madistinguish kung sino ang lalaki at babae sa mga katawang naroroon. Mas pinili na lang niyang itutok ang paningin sa stage.

Agad niyang nakita si Jeff. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha nito. She tried to focus all her attention to her cousin. Pero natagpuan niya ang sariling napatingin sa lalaking kumakanta. Itim na itim ang suot nito. Sira-sira ang pantalon. Nakalugay ang itim na itim at may kahabaang buhok nito na bahagyang tumatakip sa mukha nito tuwing gumagalaw. Maganda ang pangangatawan nito at kahit may nakasabit na gitara ay hindi pa rin nawala ang tindig nito. Kitang kitang guwapo ito sa kabila ng liwanag ng spotlight na nakatutok dito. Nakikita rin ang emosyon sa mukha nito habang kumakanta.

Yes, he's handsome but not her taste. Tatalikod na siya nang bigla itong mapabaling sa direksyon niya. Their eyes met. At kahit anong gawin niya, hindi siya nakagalaw.

GUSTONG MAINIS ni Janice sa sarili. Paano ay natapos na ang isang kanta ay hindi pa rin niya naialis ang tingin sa kumakanta. At ang lalaking iyon naman ay hindi rin nag-iwas ng tingin. Nang sa wakas ay naigalaw na niya ang katawan ay mabilis siyang tumalikod at bumalik sa kusina.

Wala ng katao-tao roon. Inilapag niya ang plato sa lamesa at mabilis na umupo. Huminga siya ng malalim. Anong nangyari sa kanya? Nalilitong napatitig siya sa pinggan. Pilit niyang iwinaksi ang isipin at pinagpatuloy ang pagkain. Nagtaka siya nang mag-iba ang kumakanta. She felt a sudden surge of disappointment. Bagay na agad niyang inignora.

Susubo na lamang siya nang mapasulyap siya sa pinto ng kusina. Biglang kumabog ang dibdib niya. Nakatayo roon ang lalaking kanina lamang ay nasa stage. Pawis na pawis ito at bahagya pang hinihingal. He looks bigger and more handsome. And not your type, remember that.

"Hi." bati nito.

Tinanguan niya ito bago niya muling niyuko ang pagkain. Hindi niya matagalang tingnan ito. Naramdaman niya ang paglakad nito patungo sa refrigerator. "I'll just get something to.drink" paalam nito sa kanya.

Hindi siya sumagot at pinilit ang sariling kumain. Hindi na rin ito nagsalita. Maya-maya ay hindi siya nakatiis. Sinulyapan niya ito. Her eyes met his gaze once again. Paano'y nakatitig ito sa kanya habang umiinom sa bote ng mineral water.

Bigla siyang nailang. "What are you looking at?" may bahid ng inis na tanong niya rito.

Huminto ito sa pag-inom at malawak na ngumiti. Bakit bigla itong nagmukhang anghel? "I'm trying to make you look up. Effective naman diba?"

Napaawang ang mga labi niya. She doesn't know what to say. Naalarma siya nang magsimula itong lumakad palapit sa kanya.

"Bakit naman kumakain ka ng mag-isa dito? Dapat maki-join ka sa labas." sabi nito.

"Masyadong magulo doon. And I need a table to eat properly." mailap na sagot niya.

"Hmm... akala ko pa naman nag-eenjoy ka. Hindi mo kasi maialis ang tingin mo sa akin."

Nag-init ang mukha niya sa sinabi nito. Hindi naman niya kasalanan iyon. It was not on purpose. "I'm not looking at you." mariing tanggi niya.

"So nakatulala ka lang?"

Napatayo siya. Naiinis na siya rito. This guy is no angel. "Ano ba ang gusto mong palabasin?"

Tila nagulat ito. "Wala. I'm just asking you know."

"Well, It's none of your business so stop asking." Bahagya siyang nagulat sa naging reaksiyon niya. Mahaba ang pasensya niya. Pero pagdating dito ay mabilis na nauubos ang pasensya niya.

"Hey, I'm just kidding. Ikaw naman hindi ka na mabiro." natatawang bawi nito.

"Wala ako sa mood makipagbiruan. Iba na lang ang guluhin mo." sagot niya rito. Nadistract siya nang maging hiphop ang tunog.

"Mukhang mag be-break na sila. Gutom na ang mga iyon." komento nito.

Mabilis niyang kinuha ang plato niya at nagsimulang lumakad palabas ng kusina.

"Hey, where are you going?" pigil nito.

"Uuwi na ko." sagot niya.

"Wait."

Frustrated na nilingon niya ito. "Look, I'm not interested to talk to you or to anyone. I'm just hungry kaya ako pumunta dito.

Natawa ito. "Nagpunta ka lang dito para kumain?"

Bahagya na namang nag-init ang mukha niya. Bago pa siya makaisip ng sasabihin ay nakarinig na siya ng mga yabag. Saglit lamang ay sumulpot na sa kusina ang pinsan niya at tatlo pang kalalakihan. Lahat ng mga ito ay makikisig at nag-gugwapuhan sa kabila ng pagtagaktak ng pawis ng mga ito.

Nagliwanag ang mukha ni Jeff nang makita siya. "Janice! Buti naman pumunta ka." masayang bati nito at niyakap siya. Iniiwas niya ang plato niya.

"Jeff, pawis na pawis ka." saway niya rito.

Natatawang kumalas na ito. "Sorry, sorry. O Lloyd pare anong ginagawa mo dyan? 'Langya, huwag mong sabihing pinopormahan mo to ah." baling nito sa lalaking nang-iinis sa kanya.

Sinulyapan niya ito. Wala na ang ngiti sa mga labi nito. Iniwas niya ang tingin at ibinalik sa pinsan niya. "O siya, uuwi na ako" paalam niya rito.

"Why? It's too early. Teka – barkada ko pala. Si Carlo, Vergel, Chase and that guy over there is Lloyd, o magkakilala na ba kayo?" naghihinalang tiningnan nito ang kaibigan nito.

"No." sagot niya. Isa-isa niyang tiningnan ang mga kaibigan nito. Lahat ay nakangiti sa kanya. Mukha namang mababait ang mga ito. Tinanguan niya ang mga ito. "Enjoy the night. But I really have to go." paalam niya sa mga ito.

"Ang KJ mo naman." komento ni Lloyd.

Naiinis na tiningnan niya ito. "Wala kang pakielam." pagkuwa'y binalingan niya ang pinsan niya. "Pagsabihan mo yang kaibigan mo ha." Iyon lamang at dere-deretso na siyang lumabas ng kusina.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon