1999...
"RITZI, pupunta ka na sa basketball practice?" tanong ng mga kaklase ni Ritzi nang pagkatapos ng klase ay agad na niyang binitibit ang bag niya at lumakad patungo sa pintuan ng classroom.
Nakangiting nilingon niya ang mga ito. "Yep. We have to win this time!" energetic na sabi niya.
Natawa ang mga ito sa reaksiyon niya. "Good luck. Sana manalo kayo sa next game!" halos sabay-sabay na sabi ng mga ito sa kaniya.
Natawa siya. "Ano ba sinosoportahan niyo ba ako o inaasar?" pabirong sabi niya. Nagtawanan ang mga ito. Muli na siyang nagpaalam sa mga ito at tuluyang lumabas ng classroom.
Nakasalubong niya ang class secretary nila na si Janice. May kipkip-kipkip itong maraming papel. Nginitian niya ito. "Hi Janice!"
Tipid itong ngumiti at dumukot sa hawak nito at inabot sa kanya. "These are the handouts for the upcoming exam. Alam ko na nagpeprepare ka sa game niyo pero kailangan mo ring mag review."
Ngingiti-ngiting inabot niya iyon. "Thank you." Tumango ito at tuluyan ng pumasok sa classroom nila. Siya naman ay mabilis nang lumakad patungo sa club room nila.
Siya ang team captain ng girl's basketball team ng paaralan nila. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa larong iyon. At dahil nabiyayaan siya ng height ay hindi siya nagdalawang isip na sumali sa basketball team. In two year's time she became the team's star player. At nang tumuntong siya sa ikaapat na taon ay ipinagkatiwala sa kanya ng coach nila ang team. She became the team captain.
Para sa kanya ay walang kasing saya ang pagiging basketball player. Pakiramdam niya ang powerful niyang babae kapag nasa court siya at nagdi-dribol o kaya ay nagsho-shoot ng bola. The only downside of being a basketball player is the fact that there are lots of people who thinks she's not straight. Dinadaan na lang niya sa tawa at madalas ay binabalewala ang mga taong nagsasabi niyon sa kanya. What is important to her is not their opinion but the fact that she enjoys playing the game.
Sa araw na iyon ay pupunta siya ng gymnasium ng mas maaga. Gusto niyang makapagpractice ng shooting niya bago ang actual na practice ng team nila. Mahalaga sa kanila ang susunod nilang game dahil doon malalaman kung sino ang makakasali sa Regional Meet.
Nakarating na siya sa club room nila at papasok na sana roon nang makarinig siya ng mga boses. Napahinto siya. Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng iba pero parang may pumigil sa paa niyang gumalaw. Napalingon siya sa bandang gilid ng club room kung saan sa pagkakaalam niya ay may vegetable garden na salitang minimentain ng mga assigned na estudyante.
"Ano ang gusto mong sabihin at pinuntahan mo talaga ako rito?" sabi ng boses ng lalaki.
Tuluyan na siyang nakaramdam ng curiousity. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon.
"Uhm, ano kasi... ang totoo, nang una akong pumasok dito, ikaw ang una kong napansin. Palagi akong nanonood ng practice niyo. Sayang nga hindi ako nakakanood ng actual game niyo kasi may klase. Uhm, ang galing mo talaga," tila kinakabahang sabi naman ng babae.
Bago pa siya makapagpigil ay maingat na siyang lumakad patungo sa pinanggagalingan ng mga tinig. Sumilip siya roon. I knew it! Muntik na siyang mapapitik nang makitang ang lalaking nagsasalita ay walang iba kung hindi si Jefferson Cardenas, ang team captain ng boy's basketball team ng school nila, ang pinakapopular na lalaki sa campus at pinsan ng kaklase niyang si Janice. Bukod doon ay sa iisang subdivision lamang din ang tirahan nilang tatlo kaya kahit wala sa ekswelahan ay nakikita niya ang mga ito paminsan-minsan.
Kampante lamang itong nakatayo roon habang nakatingin sa babaeng estudyanteng sa hula niya ay third year. Mukhang magtatapat ang babae ng damdamin kay Jeff.
"Salamat," sabi nito na may simpleng ngiti sa mga labi. Halatang sanay na sanay ito sa ganoong sitwasyon. Pagkuwa'y namulsa ito. "Do you have anything else to say?" tanong nito.
Mukhang lalo namang nailang ang babae. Bigla siyang naawa rito. Parang alam na niya kung ano ang kahahantungan nito. Matutulad ito sa lahat ng babaeng napabalitang nagtapat kay Jeff.
"Uhm, ang totoo. Gusto kong malaman mo na... I-I like you Jeff," mahinang sabi nito.
Napaderetso siya ng tayo. Hindi na niya alintana kung maaari na siyang makita ng mga ito sa kinatatayuan niya. Dahil biglang nais niya ring marinig ang isasagot nito.
"Okay. Thank you," tipid na sagot ni Jeff.
Iyon lang? Halatang naghihintay pa ang babae ng isasagot nito. Bumuntong hininga si Jeff at mabait na nginitian ang babae. "Iyon lang ang kaya kong isagot sa iyo," malumanay na sabi nito.
"Ah na-naiintindihan ko. Si-sige," sabi ng babae at mabilis na tumalikod. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin na mabilis na lumayo roon.
Walang salitang sinundan niya ito ng tingin. Napakurap siya nang makarinig siya ng pagtikhim. Awtomatiko siyang napatingin kay Jeff. Nakatingin na ito sa kanya at naglalakad na palapit sa kanya. Hindi siya tuminag at nanatiling nakatingin dito.
"Hindi ko alam na nakikinig ka pala sa usapan ng may usapan captain," sabi nito sa kaswal na tinig.
Nagkibit balikat siya. "Napadaan lang ako actually. Sige," paalam niya rito at tinalikuran na ito.
"Ritzi," biglang tawag niya rito nang bubuksan na niya ang pinto ng club room nila.
Takang nilingon niya ito. Nakatayo lamang ito roon at nakatitig sa kanya na para bang marami itong gustong sabihin sa kanya. "Bakit?" tanong niya.
Humakbang ito palapit sa kanya ngunit dagli ring huminto. Tumikhim ito. "Nothing. Good luck on your game."
Ngumiti siya. "Salamat. Good luck din sa game niyo."
Ngumiti ito at nagpaalam na sa kanya. Sinundan niya ito nang tingin hanggang sa lumiko na ito sa parteng hindi na niya ito makita.
Sa totoo lang ay hindi naman talaga sila malapit ni Jefferson sa isa't isa. Nagkataon lang na halos sabay silang naging member ng basketball team noong unang taon nila sa sekondarya. At dahil madalas gumawa ng training camp ang mga coach nila na magkasama upang makatipid ay madalas niya itong nakakalaro. Kaswal silang nakakapag-usap ngunit hindi rin naman niya masasabing magkaibigan sila.
Bukod doon ay pinsan nga ito ni Janice. At madalas itong pumupunta sa classroom nila upang dalawin ang pinsan nito, sa labis na tuwa ng mga kaklase niyang babae.
Coincidentaly, madalas niya rin itong makasalubong kapag naglalakad siya sa campus, o kaya ay kapag pumupunta siya sa canteen para kumain. Sa tuwina ay nagtatanguan lamang sila upang rekognisyon sa isa't isa. Ganoon lang. But he always has that weird expression on his face everytime they meet. Na para bang may gusto itong sabihin sa kanya na hindi nito masabi. Hindi naman niya maisip kung ano iyon.
Nagkibit balikat siya at tuluyang pumasok sa club room. May mas mahalagang bagay siyang kailangang isipin ngayon. At hindi si Jeff iyon. Although there is a part of her that couldn't help but think of him.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...