"VERGEL, may pinaiyak ka bang babae?" tanong ni Carlo.
Mula sa pagtotono niya ng gitara ay tiningnan niya ito. Nasa studio siya ni Carlo kasama ito at si Chase at nagpapraktis. Bukod kasi sa regular gig nila sa mga bar ay naanyayahan silang sumali sa gaganaping Rockfest na sponsored ng isang liquor company, sa tulong na rin ng drummer nilang si Rick.
"Ano?" tanong niya.
"Ang sabi ko kung may pinaiyak ka na namang babae?"
"Malay ko. Kung may nagpapaiyak ng babae dito ikaw iyon Carlo," sagot na lang niya. Kung sinasabihan man siyang pabling ay di hamak na mas pabling naman ang kaibigan niyang ito. Noong kolehiyo sila ay may contest pa silang tatlo ng kaibigan din nilang si Jeff kung sino ang may pinakamaraming babae taon taon. Sa loob ng tatlong taon ay palagi silang nagpapalitan ni Carlo sa second at third place. Pero pagdating ng fourth year ay nakulelat siya ng mga ito. Land slide ang pagkatalo niya.
Tumawa ito. "Wala naman akong sinabing hindi. Ikaw ang tinatanong ko."
"At bakit ka naman nagtatanong?"
"Dahil puno ng 'I hate you Vergel' mails ang mga social network pages natin," si Chase na ang sumagot.
Napakunot noo siya. Pagkuwa'y naalala niya si Tessa, ang huling babaeng nakasama niya – in the eyes of many atleast. Nakilala niya ito sa isang gig nila. Mula nang ipakilala siya rito ng may-ari ng bar ay hindi na siya tinantanan nito.
He admits he flirted with her. He even tried to bed her. But he failed. Parang may pumipigil sa kanya na hindi naman niya mawari. Sinabi niya ritong hindi talaga niya ito magagawang bigyan ng relasyong gusto nito. Katulad ng lahat ng babaeng sinusubukan niyang papasukin sa buhay niya pero hindi siya nagtagumpay.
Base sa labis na obsession nito sa kanya ay malamang na ito ang may pakana ng mga hate mails na iyon. Napailing siya.
"Base sa ekspresyon mo, mukhang kilala mo na kung sino ang may pakana," komento ni Carlo.
Nagkibit balikat siya. "Huwag niyong pansinin iyon. Si Tessa lang iyon. Alam niyo namang praning ang babaeng iyon," balewalang sagot niya.
"Yun na nga eh. Alam mo nang praning pinatulan mo pa," komento ni Chase.
Muli siyang nagkibit balikat. "Hayaan niyo na iyon," natatawang komento niya at nagsimulang tumugtog ng gitara.
People all know him as a player kahit noon pa. Pero hindi naman siya tulad ng iba na mahilig magbitaw ng mga kung anu-anong pangako. Bago naman niya patulan ang isang babae ay nililinaw niyang hindi niya maipapangako ang hinahangad ng lahat ng babae na happily ever after. Kung tatagal sila eh di maganda, kung hindi, wala na siyang magagawa pa roon. Ganoon lang naman iyon. Wala naman kasi talagang permanenteng bagay sa mundo. Kahit feelings nagbabago. So to avoid problems, mas mabuti ng umpisa pa lang ay magkakalinawan sila.
Yun nga lang, may mga pagkakataon lang talaga na nakakakuha siya ng babeng katulad ni Tessa. Papayag sa mga sinabi niya, sasabihing okay lang dito na wala siyang maipangakong kahit ano, pero sa huli ay magiging clingy din at aawayin pa siya.
"Kapag ganyan ka ng ganyan, wala ng magmamahal sa iyo ng totoo," naiiling na komento ni Chase.
Nawala ang ngiti niya. May kung ano siyang naalala, isang parte ng kanyang nakaraan. Itinutok niya ang pansin sa gitara niya. Once in his younger days, he found that someone. Someone who loved him so much. Isang taong binali ang lahat ng paniniwala niya sa relasyon. Isang taong willing siyang pagalayan ng habambuhay. But he let her go. He has long realized that that was the most stupid thing he had done in his life. Kung mabibigyan lang sana siya ng pagkakataong maayos ang lahat. Pero malabo ng mangyari iyon. It has been so long.
"Hoy, natahimik ka diyan," komento ni Carlo.
"Teka, nasaan ba si Rick?" himbis na sumagot ay tanong niya. Hinding-hindi niya aaminin sa mga kaibigan niyang binabagbag siya ng mga alaalang pilit niyang kinakalimutan.
"Nasa meeting para dun sa rockfest," sagot naman ni Carlo.
Hindi nila original na kabanda si Rick. Pero madalas na niya itong katugtugan noong high school siya. Pagkagraduate kasi nila noong kolehiyo ay panandalian silang na disband. Mas pinili na kasi ni Jeff na maging full time athlete at si Lloyd naman ay mas pinili na lamang magtayo ng negosyo. Ayon kasi dito ay aatakihin daw sa puso ang mga magulang nitong sikat na mga pianista kapag itinuloy pa nito ang pagbabanda hanggang pag-graduate nila.
Kaya nagdesisyon siya, si Chase at si Carlo na kumuha na lang ng drummer at ituloy ang pagtugtog. Si Rick nga ang na-contact niya. Hindi na nila pinalitan ang pangalan nila dahil may mga supporters na sila. Wala naman iyong problema kina Jeff. Si Lloyd naman ay paminsan-minsan namang nakikijamming sa kanila.
Napalingon silang lahat nang pumasok sa studio si Rick, maliwanag ang mukha nito at nakangising aso pa.
"Oy bakit ganyan ka makangiti ha?" nagtatakang tanong ni Carlo.
Sumulyap lang ito sa kanila at umupo sa harapan ng drum set. "Wala naman. Tara, practice na tayo," anitong ipinukpok na ang drum sticks nito.
Nagkatinginan silang tatlo. "Parang masyado ka yatang masaya Rick?" tanong niya.
Tumawa si Rick. "Obvious ba mga pare? Tara na nga lang magpractice na tayo. May kailangan akong pasikatan eh," nakangising sagot nito.
Natawa siya ng mahulaan ang ikinagaganoon nito. "Ah alam ko na yan. May babae kang pinopormahan no?"
"Oo. Kaya tulungan ninyo akong magpasikat," anito.
"Oo ba. Walang problema iyon," sagot niya. Kilala niya si Rick, di tulad niya, kapag nagkagusto ito sa babae napapanindigan talaga. Hindi ito katulad niyang tanga. Masuwerte ang babaeng nagustuhan nito.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...