Promise Me Forever - Part 3

4.1K 151 5
                                    

"NEA, ready na ba ang schedule natin for today?" tanong ni Grace sa assistant niya.

Ngumiti ito at lumapit sa kanya. Binuklat nito ang isang organizer. "Yes Ma'am. May meeting po kayo with the bosses ng ten, lunch meeting with other sponsors ng twelve, ocular inspection sa venue natin ng two, then iche-check natin sandali ang ilang bandang magpeperform," dere-deretsong basa nito.

Napabuntong hininga siya. Tumingin siya sa wristwatch niya. Malapit ng mag ten. Hindi pa siya nakakapag-almusal pero kailangan niyang unahin ang mga dapat niyang gawin. Tumayo na siya at kinuha ang folder ng mga papeles at reports para sa Rockfest. "Let's go."

NAPANGIWI si Grace nang maramdaman ang biglang pagkirot ng sikmura niya. Mabuti na lamang at naka stop ang traffic light kung hindi ay baka mabangga niya ang sasakyan niya.

"Bakit po Ma'am?" nag-aalalang tanong ni Nea. Nakaupo ito sa passenger seat at siya naman ang nagmamaneho.

"Medyo sumasakit lang ang sikmura ko," sagot niya at pinilit hamigin ang sarili. Pero para pa ring may asidong tumutunaw sa sikmura niya.

"Naku Ma'am, nalipasan po kasi kayo ng gutom. Hindi po kayo nakapagalmusal hindi ba? Tapos hindi rin naman po kayo nakakain kanina sa lunch meeting natin. Gusto po ba ninyong huminto muna tayo? Kumain muna po kayo."

Umiling siya. "Hindi na. Masisira lang ang schedule natin. Kailangan pa nating i-check ang mga bandang tutugtog. Kailangan nating siguruhing magiging maayos ang performance nila. Marami tayong sponsors. May media coverage pa tayo. Kaya dapat maging maayos ang kalabasan nito," sagot niya sa nahihirapang tinig. Muli na niyang pinaandar ang sasakyan.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa address na sinabi sa kanya ni Nea. Hindi na siya nag-abala pang tanungin ito kung sino ang pupuntahan nila. Masyado kasing marami ang mga banda at hindi niya rin matatandaan lahat ang mga ito. Hindi niya pa rin natitingnan ang listahang ginawa ni Nea. Ipinagkatiwala na niya iyon sa assistant niya. Nakahinga rin siya ng maluwag nang hindi na masyadong masakit ang sikmura niya.

Papunta na sila sa studio kung saan nagpa-practice ang banda nang bumukas iyon. Napangiti siya nang makita ang lalaking lumabas doon. Maging ito ay malawak ring napangiti.

"Hi Ms. Grace," anito sa nanunudyong tinig.

Natawa siya. "I told you to call me Grace. Hindi ko alam na banda mo pala ang bibisitahin namin ngayon Rick," aniya rito nang makalapit sa kanya.

Dahil lang rin sa Rockfest na iyon kaya niya nakilala si Rick. Representative ito ng banda nito. Matapos ang unang meeting nila ay nilapitan siya nito at sinimulang kausapin ng kausapin. Mabait ito sa kanya at magaan naman ang loob niya rito. Mula noon ay naging magkaibigan na sila.

Yun nga lang, hindi niya talaga matandaan ang pangalan ng banda nito. Hindi na lamang niya sinasabi iyon dahil nahihiya siyang malaman nitong hindi niya kilala ang banda nito.

Tumawa ito. "Okay. Grace. Hi Nea!" bati nito sa assistant niya na ngumiti lang. Pagkuwa'y muli nitong ibinalik ang atensyon sa kanya. "Tara, ipapakilala ko kayo sa mga kabanda ko. Break muna kami eh, alam mo na maghapon kaming nageensayo," anito.

Pabiro niya itong tinaasan ng kilay. "Hindi ka naman nagpapasikat niyan?"

Natawa siya nang makitang bahagyang namula ito. "Medyo lang," sagot nito.

Napailing siya. Sa totoo lang ay aware siya na may gusto ito sa kanya. Pero binabalewala niya iyon. Ayaw niya kasing masayang ang pagkakaibigan nila. It was the first time she had a guy friend. Yung masasabi niyang kaibigan niya talaga at hindi niya lang naging kaibigan dahil sa ibang tao.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon