Part 10

4.5K 167 4
                                    

SABAY silang napatingin ni Mariel sa bukana ng pinto nang marinig nila ang pagparada ng sasakyan. Hindi nakatiis na naglakad siya palabas. Bahagya siyang nadismaya nang makitang ang yaya ni Mark ang kasama nito.

"Hi teacher." bati ni Mark na sinuklian niya rin ng bati. Mabilis itong tumakbo papasok at binati naman si Mariel. Pinagmasdan niya ang mga ito. Ilang beses pa lamang silang nag-aaral na magkasama ay nagkasundo na agad ang mga ito.

"Ma'am Janice." pukaw ng yaya ni Mark.

"Bakit?" baling niya rito.

"Pasensya na daw po sabi ni Sir kung hindi niya nasamahan si Mark. May kailangan daw po kasi siyang asikasuhin." anito. May kakaibang ekspresyon sa mukha nito.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking iyon? "Hindi mo naman kailangang ipaalam sa akin yan. Wala akong kinalaman kung may gagawin man siya o wala."

Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. Naiiling na tinapik niya ito sa balikat bago lumapit sa mga estudyante niya.

NAPABALING si Lloyd sa mga kaibigan ng may bumato sa kanya ng unan. "Sino yon ha?" tanong niya.

"Ako. Kanina ka pa silip ng silip sa bintana. Minsan mo na nga lang ako dalawin." sabi ni Jeff na nakasalampak sa carpeted floor nito.

"Oo nga Lloyd. Parang wala ka sa sarili. Nag da-drugs ka ba?" biro ni Carlo.

"Ewan ko sa inyo." balewalang sagot niya at muling sinilip ang kabilang bahay. Gusto man niyang samahan ang pamangkin niya ay mas pinili niyang huwag na lang. Hindi niya gustong istorbohin si Janice sa klase nito.

"Teka pare, yung katapat na bahay ang sinisilip mo no? Akala ko pa naman ako ang ipinunta mo dito, pinsan ko pala." nang-aasar na sabi ni Jeff.

Ibinalik niya ang atensyon sa mga ito. Tuluyan siyang lumayo sa bintana at tumabi kay Chase. Kinuha niya ang beer in can niya.

"O bakit umalis ka na don? Hindi naman kita pinipigilan." biro pa ni Jeff.

"Mamaya na lang." wala sa loob sa sagot niya. Biglang tumahimik ang mga ito.

"Mukhang tinamaan si Lloyd. Paano ba yan Jeff." biglang sabi ni Vergel.

He uncomfortably laughed. "C'mon."

"See? Walang masabi." susog pa ni Carlo.

Napailing na lamang siya. Dahil tama ito. Wala siyang masabi dahil hindi naman niya alam kung anong sasabihin.

Malakas na tumawa si Jeff. "E di panalo ako sa pustahan pag nagkataon. Pero alam niyo bilib ako dito kay Lloyd mga pare. Ang bilis dumiskarte. Inenroll pa ang pamangkin niya sa music school nila Janice." anito.

Nakaramdam na naman siya ng pagkaasar ditto. Kahit noon sigurado siya na kung hindi niya ito naging matalik na kaibigan ay siguradong matinding kaaway niya ito. "Wala ka talagang konsiyensya Jeff."

"Oy, meron naman no." pabirong pagtatanggol nito sa sarili.

"Ow? Ayaw mong magpatalo ah. Maganda yan." baling sa kanya ni Carlo.

Muli siyang umaldok ng beer. Ang totoo, aksidente lang na sa Prodigal School of Music niya naenroll ang pamangkin niya. Ang kapatid niya – na siyang ina ni Mark ang nagsabi sa kanya na doon niya ipasok ang bata. Wala siyang ideya na pag-aari iyon nila Janice. Pero hinding hindi niya sasabihin iyon sa mga ito. No way.

"Tigilan niyo nga si Lloyd." pagtatanggol sa kanya ni Chase.

"Masyado ka talagang mabait Chase. Paano kita nagging kaibigan." asar ni Jeff.

Naiiling na lamang siya sa asaran ng mga ito.

"Siya nga pala Lloyd, may gig kami sa Hard Rock bukas ng gabi. Gusto mong maki jamming?" aya ni Vergel.

Biglang may pumasok na ideya sa isip niya. Napangiti siya. "Oo ba."

"Bakit naman parang masyado kang excited ngayon?" nagtatakang tanong nito.

Nagkibit balikat siya at muling tumayo. Muli tiyang tinanaw ang bahay nila Janice.

"Sigurado na ko pare. Malala ang tama niyan." narinig niyang sabi ni Vergel. Hindi niya pinansin ang komento nito.

ILANG minuto nang nakakaalis sina Mariel at Mark nang tumunog ang doorbell. At dahil abala sa kusina si Manang at ang Mommy niya ay siya na ang nagboluntaryong tingnan ang bisita.

Saglit siyang hindi nakahuma nang makita si Lloyd na nakatayo sa harap ng gate nila. Mabilis niya itong nilapitan. "Lloyd? Anong ginagawa mo rito? Kanina pa nakaalis sila Mark a."

Bahagya itong tumawa at humawak sa batok. "Pwede bang pumasok?"

"O-oo." Binuksan niya ang gate at sabay silang pumasok sa loob. Na hindi niya alam kung pagsisisihan niya o hindi dahil nakita niyang pababa sa hagdan ang daddy niya. Nakatingin ito sa kanila ni Lloyd.

"May bisita ka pala hija." anito nang makalapit sa kanila.

"Good evening sir." magalang na bati ni Llyod.

"Dad, si Lloyd po, kaibigan po siya ni Jeff." naiilang na pakilala niya rito.

Pinasadahan nito ng tingin si Lloyd bago bumaling sa kanya. "Mabuti pa ay tulungan mo muna si manang at ang mommy mo." utos nito sa kanya.

"Daddy." angal niya.

"O, huwag mong masyadong ipahalata sa kanya na hindi ka masyadong marunong sa kusina." biro ng daddy niya para mapaalis siya. She caught Lloyd's silent laughter. Tiningnan niya muna ito ng masama bago sinunod ang daddy niya.

"SINO?" tanong ng mommy niya nang makarating siya sa kusina.

"Si Lloyd po." sagot niya at umupo. Tinapunan niya ng tingin ang bukana ng kusina. Knowing her father, siguradong kung anu-ano na ang itinatanong nito kay Lloyd. Ginawa na nito iyon dati at naging dahilan iyon ng isang linggong tampuhan nila ni Daniel.

"Ay ma'am siya yung sinasabi ko sa inyo." sabi ni Manang sa mommy niya.

"Ow, really?" nagkaroon ng excitement sa tono nito.

Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Pinag-uusapan niyo siya?"

"Of course not." sagot ng mommy niya ngunit mabilis namang kumilos upang silipin ang 'bisita' niya.

"Mommy." saway niya rito.

"Naku Janice, seryoso siyang kinakausap ng Daddy mo." seryosong sabi nito pero nakangiti naman itong bumalik sa niluluto.

Maya-maya pa ay umalingaw-ngaw ang malakas na halakhak ng daddy niya na sinundan naman ng pamilyar na tawa ni Lloyd. Manghang nagkatinginan silang tatlo. Her father never laughed with Daniel.

Hindi siya nakatiis. Tumayo siya upang silipin ang mga ito.

"Tama. May kasungitan nga si Janice. Pero sweet naman ang anak ko. Bihira nga lang." natatawang sabi ng daddy niya.

"Sinabi niyo pa." nailing na komento ni Lloyd.

Nag-init ang mukha niya. Siya ang pinag-uusapan ng mga ito. At hindi lang iyon, pinagtatawanan pa siya ng mga ito.

"But don't worry sir. Kaya ko namang itolerate si Janice."

"C'mon, don't call me Sir. Hindi naman ako teacher. Pwede mo na kong tawaging tito. O kaya daddy."

"Daddy!" hindi niya napigilang sigaw dito. Kung anu-ano na kasi ang sinasabi ng mga ito. Napatingin ang mga ito sa kanya bago sabay na tumawa.


WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon