SHIT, shit shit! Paulit-ulit na mura ni Rick sa sarili niya habang nakasalampak siya sa sofa ng unit niya. Marahas niyang kinuha ang isang throw pillow at mariin iyong ipinatong sa mukha niya habang nakatingala siya sa kisame. Pinalipad niya ang kotse niya pauwi at hindi pinansin ang malakas na tawag ng mga barkada niya nang lumabas siya ng dressing room. Gusto niyang saktan ang sarili niya sa labis na pagsisikip ng dibdib niya. Gusto niyang sumigaw, magmura at magwala. Nanginginig ang mga kalamnan niya sa halo-halong emosyong nararamdaman niya.
Sa gabing iyon niya isinakatuparan ang pinakamasakit na desisyong ginawa niya sa buong buhay niya. Pormal siyang nakipaghiwalay kay Cham. Sa kabila ng paninikip ng dibdib niya ay umakto siyang hindi apektado sa pakikipaghiwalay niya rito. Pinaghandaan niya ang araw na iyon. Ilang araw niyang sinadyang huwag itong kontakin at makita. Oo at nabigla siyang makita ito sa araw na iyon. Ang plano niya kasi ay sa araw pagkatapos ng album launch pa ng mga ito niya kakausapin ito. Ngunit dahil naroon na ito ay naisip niyang bakit hindi pa niya tapusin sa gabing iyon ang paghihirap nilang dalawa?
Pero mali ang mentalidad na iyon. Kanina, nang makita niya ang namumutlang mukha nito at nagbabadyang luha sa gilid ng mga mata nito ay muntik na niya itong yakapin. Muntik na niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya. Mabuti na lamang at nagawa niyang makalayo rito nang hindi gumagaralgal ang boses niya.
Biglang tumunog ang doorbell niya. Hindi siya kumilos at nanatiling mariing nakapikit. Alam niyang mga kaibigan niya ang nasa pinto. Nagpatuloy ang pagtunog ng doorbell at pabilis iyon ng pabilis. He groaned and stood up. Pabalang niyang binuksan ang pinto. Tama siya ng hinala na mga barkada niya nga ang nasa pinto. Naroon din si Jeff at Lloyd na mukhang binulabog pa nila Vergel at isinama patungo sa bahay niya.
"Akala namin naglaslas ka na," walang halong biro na sabi ni Jeff. Inangat pa nito ang malaking plastic bag na puno ng beer in can. "Just in case wala kang alcohol diyan sa loob ng bahay mo."
Nagbuga siya ng hangin at niluwagan ang pinto. Muli siyang bumalik sa sofa at sumalampak ng upo. Kinuha niya ulit ang throw pillow at bumalik sa pwesto niya bago dumating ang mga ito.
"She was crying so hard on the dressing room you know," pukaw sa kaniya ni Chase.
Kumirot ang dibdib niya sa sinabi nito. Lumitaw na naman ang naiiyak na mukha nito sa isip niya. Naramdaman niyang bahagyang nag-init ang gilid ng mga mata niya. Diniinan niya ang unan sa mukha niya upang mapigilan ang sarili niyang maging kahiya-hiya sa barkada niya. "I expect that," aniya.
"Pare pwede mo naman kasi siyang hiwalayan ng mas maayos. Hindi ganiyan. Akala ko ba mahal mo? Bakit mo siya sinaktan ng ganoon?" tanong naman ni Vergel.
Huminga siya ng malalim. "It is because I love her too much that I have to hurt her like that. Kung naging mabait ako sa kaniya hanggang sa huli hindi niya ako makakalimutan."
"Gusto mo bang kalimutan ka niya?" narinig niyang tanong naman ni Lloyd.
No he doesn't want that. "She has to. Dapat magfocus lang siya sa career niya. Dream come true sa kanila ang oportunidad na ito. Hindi siya pwedeng madistract. Kaya kailangan niya akong alisin sa sistema niya," mapait na sabi niya.
Walang nagsalita sa mga ito. Maya-mya ay may narinig siyang tumikhim at tunog ng binubusang lata. "Tara, iinom natin iyan," sabi ni Jeff.
Nagbuga siya ng hangin at umayos ng upo. Inalis niya ang unan sa mukha niya at bumaba sa sahig. Kumuha siya ng isang beer in can at binuksan iyon. Napatitig siya roon nang maaalala ang unang beses na nagkasama sila ni Cham. Pagkatapos ay parang pang-asar na narinig niya sa likod ng utak niya ang boses nito.
The song of one fateful night, when my dream came true, when you smiled at me, when you held my hand, when you sat next to me under the sky...
Inisang lagok niya ang lata ng beer.
The song of when we first met, the song that rocked you to sleep, I will sing it again, this is our song...
Nag-init na naman ang mga mata niya. Hanggang sa may nakawalang butil ng luha mula roon. Nalapag niya ang beer in can na hawak niya at tinakpan ng palad ang mukha niya. Which is a wrong move. Dahil sa ginawa niyang iyon ay naalala niya ang mainit na kamay ni Cham na tumakip sa mga mata niya noong umuulan. Lalong tumindi ang pagdaloy ng mainit na likido sa mga mata niya.
He groaned. "I'm in a really deep shit."
SA kabila nang lahat ng nangyari ay nagpatuloy ang mahigpit na schedule nila Cham. Kahit patuloy na kumikirot ang puso niya sa nangyari sa kanila ni Rick ay pinipilit niya pa ring ngumiti sa harap ng camera at ng press. Matagumpay na nairelease ang joint album nila ni Adolf. Isang linggo lamang ay nasold out na ang unang batch niyon sa market. Agad na naglabas ng libo-libo pang kopya ang Diamond Records. Kasabay niyon ay inannounce sa press ang nakatakdang international debut ng Wildflowers. Lalo silang naging matunog na usapan sa lahat na yata ng showbiz shows at columns.
Mabilis na lumipas ang mga araw na parang nakikisabay lamang si Cham sa agos. Namalayan na lamang niya na araw na ng pag-alis nila ng bansa. At kahit isang beses ay hindi niya nakita si Rick.
"Mag-ingat ka doon. Huwag mong kakalimutang tumawag ha?" paulit-ulit na bilin ng mga magulang ni Cham nang nasa airport na sila. Isang linggo bago ang araw ng pag-alis nila ay lumuwas ang mga ito sa maynila. Nagbonding silang pamilya. Natuwa siya na sa wakas ay bilib na ang mga ito sa pagkanta niya at sa banda nila.
"Yu, ikaw ng bahala kay Cham," baling ng mama niya sa kaibigan niya. Napangiti siya dahil hindi na rin galit ang mga ito kay Yu. Nagsorry din ang mga ito sa kaibigan niya tungkol sa mga masasakit na salitang sinabi ng mga ito. Napatawad naman ni Yu ang mga ito.
Bukod sa mga malalapit nilang kapamilya ay marami ring press people ang nasa airport upang ihatid silang lahat. Habang hinihintay ang oras ng pag-alis nila ay pumayag silang magpainterview. Nang sa wakas ay tawagin na ang flight number nila ay nakaramdam ng panlalamig si Cham. Iginala niya ang paningin sa paligid sa pagbabakasakaling makita si Rick.
Tumalon ang puso niya nang may mahagip ang mga mata niyang sa tingin niya ay nakatalikod na bulto ni Rick. Nakaitim na jacket at baseball cap iyon. Bago pa niya mapigilan ang sarili niya ay napatakbo siya patungo sa lugar na nakita niyang lumakad iyon palayo.
"Cham?! Saan ka pupunta kailangan niyo nang pumasok sa departure area," tawag ni Stephanie sa kaniya.
Hindi siya lumingon at binilisan pa ang pagtakbo. Nagpalinga-linga siya. Nang mahagip ng mga mata niyang lumiko ang nakaitim na jacket ay mabilis siyang sumunod. Ngunit nang makarating siya roon ay hindi na niya ito nakita. Kahit anong gawin niyang linga ay nawala na ito ng tuluyan sa paningin niya.
Nag-init ang mga mata niya. Ano iyon? Talagang kahit sa kahuli-hulihang sandali ay hindi ito nagpakita sa kaniya?
"Cham!" narinig niyang tawag sa kaniya ni Yu.
Nilingon niya ito at lulugo-lugong lumapit dito. "He didn't even bother to come and see me off," mahinang usal niya nang makalapit na siya kay Yu.
Bumakas ang simpatya sa mukha nito at inakay siya pabalik sa mga kaibigan nila. "For sure, nahihirapan din siya Cham. Malamang kaya hindi siya nagpakita sa iyo ay dahil natatakot siya na baka pigilan ka niya. Tingin ko sinadya niyang umakto ng ganoon kasama sa iyo noong nakipaghiwalay siya sa iyo dahil gusto niyang makamove on ka kaagad. Base sa pagkakakilala ko kay Rick, lahat ng desisyong ginagawa niya, ikaw ang iniisip niya," seryosong sabi nito.
Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil umiyak. "Alam ko. Kaya nga mas nasasaktan ako. Dahil alam kong nasasaktan din siya."
Tinapik siya ni Yu. Nagpaalam sila sa mga taong naghatid sa kanila sa huling pagkakataon. Pinilit niyang ngumiti upang walang mag-alala sa kaniya. Nang nakatalikdo na siya ay napalis na ang ngiti niya. Goodbye Rick.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...