At Last A Love To Last - Part 18

4.8K 162 1
                                    

NAKANGITI si Gemma habang inihahanda ang mga gagamitin niya sa pagluluto sa kusina. Biglang gustong kumain ng kare-kare ni Carlo. At dahil wala naman silang mga sangkap ay lumabas ito at ang anak nila upang mamili sa palengke. Gusto niya sanang sumama sa mga ito, ngunit ang sabi ng mga ito ay maiwan na lamang siya roon. Ayaw daw ng mga itong mapagod pa siya. Kaya hinayaan na lamang niya ang mga ito.

Maya-maya ay nakarinig siya ng katok. Awtomatiko siyang napangiti at maagap na lumabas ng kusina.

"Ang bilis naman ninyo," nakangiting sabi niya pagkabukas niya ng pinto. Nawala ang ngiti niya nang makitang hindi ang kanyang mag-ama ang nakatayo roon. "D-doña Amparo," mahinang tawag niya rito.

Hindi nagsasalitang tumitig ito sa kanya, na para bang inaassess nito ang naging itsura niya makalipas ang mahabang panahon. Hindi niya rin naiwasang pagmasdan ito. Hindi niya akalain na tatanda ito ng ganoon. Palagi niyang naiisip na habambuhay itong glamorosa. Pero ngayon ay pumayat na ito at kumulubot ang balat. May puti na rin ang buhok nito. Ngunit naroon pa rin ang mataray na aura at seryosong mukha nito. Pero katakataka na hindi na siya nakakaramdam ng takot dito.

Bago niya pa ito maalok na pumasok ay nilampasan na siya nito. Iginala nito ang paningin sa paligid. "Ang sikip naman dito. Kasing laki lang ito ng silid ni Carlo," komento nito habang iginagala ang paningin sa paligid.

Napabuntong hininga siya. "A-alam ko po. Gusto niyo po ba ng maiinom?" malumanay na tanong niya.

Humarap ito sa kanya. "Hindi na. I just came here to talk to you. Dahil ang anak ko ay hindi na nakikinig sa akin kaya sa iyo ko na lamang sasabihin ang sirkumstansya ng pagpili niya sa iyo kaysa sa akin," sabi nito sa katakatakang malumanay na tinig.

Hindi niya alam kung anong isasagot dito. "Alam mo naman siguro na si Carlo ang nag-iisang tagapagmana ng mga kumpanya ng pamilya De Chavez at Rigonan. He is worth billions of pesos. Maraming taong umaasang siya ang magiging amo nila in the near future. But he's throwing it all away because of you. At ano, titira siya sa ganito kaliit na bahay? Really I don't get it kung bakit nagrerebelde siya sa akin para lang sa iyo."

Matatag niyang tiningnan ito. "Hindi lang naman po pera ang mahalaga sa lahat ng tao. Sa amin ni Carlo... mas mahalaga sa amin na magkasama kami kaysa sa marangyang buhay."

Tumalim ang tingin nito at sarkastikong tumawa. "Really?" hindi naniniwalang sabi nito.

Nakuha niya ng nais nitong sabihin. Bumuntong hininga siya. "Hindi pera ang kailangan ko kay Carlo. Kaya kami magkasama ngayon at kaya kami nagkaanak ay dahil mahal namin ang isa't-isa."

Bumakas ang inis sa mukha nito. "Shut up! I don't believe you. At sa totoo lang ay hindi ako naniniwalang anak ng anak ko ang anak mo. Ewan ko ba kung ano ang ipinakain mo sa anak ko at nagagawa mo siyang paniwalain sa mga sinasabi mo!" tumaas na ang tinig nito.

Tumaas ang noo niya. "Sabihin niyo na kung ano ang gusto niyong sabihin sa akin. Pero nakikiusap ho ako sa inyo, huwag niyong idamay ang anak namin," matatag na sagot niya.

Tumingin ito sa kanya at umismid. "Ina ka na rin ngayon. Siguro naman ay naiintindihan mo na ako ngayon na wala akong ibang gusto kung hindi ang kabutihan ng anak ko. Lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko. At habang nasa tabi ka niya, tatalikuran at tatalikuran niya ang magandang kinabukasan niya bilang tagapagmana namin ng asawa ko. Kaya --"

"Mama!" biglang sigaw ni Carlo na nakauwi na pala. Sabay silang lumingon dito. Bakas ang galit sa mukha nito. "I told you never to interefere with our lives again! Bakit nandito kayo? Hindi pa rin ba kayo nagsasawa sa pangingielam sa amin?"

"Carlo," tawag niya rito.

Nang mapasulyap siya kay Doña Amparo ay nakita niya ang pamumutla nito. "Talaga bang sasagot-sagutin mo na ako ng dahil lang sa kanya hijo? I am your mother, I just want the best for you," sagot nito na mas malambot na ang boses.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon