"KINAKABAHAN na naman ako. Sana matanggap tayo," nausal ni Cham habang nakaupo sila at naghihintay ng resulta. Tapos nang tumugtog ang lahat ng grupo at sinabi ng isang staff doon na maghintay lamang sila sandali sa announcement ng papasok sa finals. Nang hindi magreact ang mga kaibigan niya ay huminto siya sa paglalakad at tiningnan ang mga ito. "Hindi ba kayo kinakabahan?"
Huminto ang mga ito at sabay-sabay pang tumingin sa kaniya. Nakangiti ang mga ito. "No," magkapanabay ding sagot ng mga ito.
"Cham, hindi mo ba narinig kanina ang sarili mo habang kumakanta ka?" tanong ni Anje.
"Narinig."
"Kung narinig mo ang sarili mo dapat hindi ka kinakabahan. You were great," sagot ni Ginny.
"It was in fact your best performance. Para ka talagang in love na in love at willing sumama sa lalaking iyon kahit saan. And that part when you were singing you want him to make love to you, nakakablush ang paraan ng pagkanta mo," ani Stephanie.
"At dahil doon kaya pati kami ginanahan tumugtog. I was really satisfied. Napanood mo naman iyong ibang kasali hindi ba? Kung oo wala kang dapat ipag-alala. We're gonna make it," nakangiting sabi ni Yu.
Nawala ang kaba niya at natawa. "Ang tindi ng confidence niyo," aniya sa mga ito. Nagtatawanan sila nang mapalingon siya sa isang pintong biglang bumukas. Sumikdo ang dibdib niya nang iluwa niyon si Rick kasama ang ilang lalaking nakita niyang nakaupo kahilera nito kanina at isang may edad na kamukha nito.
"We are now going to announce the ten groups that will make it to the finals," anunsyo ng isang lalaki. Tumahimik ang paligid. Hindi inalis ni Cham ang tingin kay Rick. Hindi ito lumilingon sa panig nila. Nakaramdam siya ng disappointment kahit alam niyang nagpapakapropesyunal lang ito. Nang tawagin ang pangalan ng isang grupo at magsisigaw ang mga iyon sa tuwa ay nawala ang atensyon niya kay Rick at napalingon sa grupong masayang nagyayakapan. Bumalik ang kaba niya.
Habang sunod-sunod na tinatawag ang mga grupong kasali at paingay ng paingay sa paligid ay patindi ng patindi ang kaba niya. Hindi tumitingin sa kaniya si Rick. Ibig bang sabihin niyon ay hindi sila nakapasok at ayaw nitong mahuli niya sa mga mata nito ang simpatya nito sa kanila? Nang sulyapan niya sila Yu ay seryoso na rin ang mukha ng mga ito.
"And the last group that made it to the finals is..." tinig iyon ni Rick. Napatingin siya rito. Nakatutok ang tingin nito sa papel na binabasa nito. Pagkuwa'y bigla itong nag-angat ng tingin at nasalubong niya ang mga mata nito. "Wildflowers," nakangiting anunsyo nito.
Nanlaki ang mga mata niya at narinig niyang nagalak ang mga kaibigan niya. "See Cham, we got in!" masayang sabi ni Ginny na niyakap pa siya. Natawa na rin siya at gumanti ng yakap. Muli siyang tumingin kay Rick na nakangiting nakatingin sa kaniya at bahagyang tumango. Her stomach fluttered.
Saglit pa ay lumabas na ang grupong hindi nakapasok. Nang sampung grupo na lamang ang naroon ay nagsimulang magsalita ang lalaking nagaasiste rin sa kanila kanina. "Before we orient you on what will happen I would like all of you to meet these important people that will change your life in case you won," anitong bumaling sa panig ni Rick at ang matandang lalaking kamukha nito.
"This is Mr. Rick Hernandez, the head of this project. Of course I know most of you know him as a member of the popular band Wildhorn. Nagmamanage din siya ng independent bands. He will be the producer of the winning group," pakilala nito kay Rick.
Bahagyang napaawang ang mga labi ni Cham. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Rick noong nagkape sila. Na magkikita pa raw sila sa hinaharap. Kung ganoon ay iyon ang tinutukoy nito. Napahinga siya ng malalim sa pagkasabik na bigla niyang naramdaman.
"And the man next to him is Mr. Romano Hernandez, the president and owner of Diamond Records," pakilala naman nito sa matandang lalaki. Agad niyang narealize na ito ang ama ni Rick. Nakikita na niya ang magiging itsura ni Rick kapag nagkaedad na ito. Tiyan na ubod pa rin ito ng guwapo.
"Congratulations in making it to the finals. Among hundreds of hopefuls only the ten of you will have the opportunity to be seen on national television. I want all of you to give it your best shot. Hindi man kayo manalo, television exposure will give you other opportunities in the future. Good luck to all of you," sabi ng presidente.
Sa loob ng mga sumunod na minuto ay inorient na sila sa magiging mechanics at schedule ng contest. Bawat isang grupo ay magkakaroon ng isang episode kung saan tutugtog ang grupo ng isang set at sasagot ng interview. Pagkatapos ay boboto ang mga manonood through text at internet kung anong grupo ang gusto ng mga ito. Ang may pinakamaraming text at online votes ang mananalo at pipirma ng kontrata sa Diamond Records.
Matapos ibigay ang schedule ng mga susunod na activity ay dinismiss na rin sila. Nang lumabas sila ng silid na iyon ay nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi man lang sila nakapag-usap ni Rick kahit sandali lang.
"We need to celebrate!" masayang sabi ni Ginny. "Treat ko!"
"Wow! Galante ka talaga Ginny. Tara kain tayo," masayang sabi ni Stephanie. Napapangiti na lang siya dahil hindi naman mahirap kay Ginny ang manlibre. Mula kasi ito sa mayamang pamilya. Ganoon din ang pinsan nitong si Anje.
Lalakad na sila palayo nang mapalingon siya sa bumukas na pinto. Napahinto siya nang makita niya si Rick. Tila may humalukay sa sikmura niya na nang tumingin ito sa kaniya ay ngumiti ito. "Hey."
Naramdaman niyang napahinto rin ang mga kaibigan niya sa tangkang pag-alis. Ngunit nawala na sa mga ito ang atensyon niya. Gumanti siya ng ngiti kay Rick at tuluyang humarap dito. "Hi."
Lumakad ito palapit sa kaniya. Pasimple siyang napahigit ng hininga nang maamoy niya ang mabangong amoy nito. "That was a nice set. You sing a lot better when you're accompanied by your band," puri nito.
Nag-init ang mukha niya. "Salamat. Hindi mo sinabi na part ka pala ng project na ito noong huli tayong nag-usap. Kaya ba nandito ka noong huli kaming magpunta rito?" tanong niya rito.
Tila natigilan ito at humawak sa batok na tila nag-iisip. "Well yeah," nakangiting sagot nito. "I didn't tell you about it when I call you to surprise you. Pero ako ang nasorpresa sa galing niyo," dugtong nito. Tumingin pa ito sa mga kaibigan niya ang malawak na ngumiti. "You were all great."
Natulala ang mga kaibigan niya rito at mahinang nagpasalamat. Pinigilan niya ang matawa sa reaksyon ng mga ito. Kung ganoon hindi lamang pala siya ang natutulala kapag ngumingiti si Rick. Nang muling bumaling sa kaniya si Rick ay napatamis tuloy ang ngiti niya rito. Saglit na napatitig lamang ito sa kaniya bago gumanti ng ngiti at bahagyang tinapik ang ulo niya.
"Well, see you on our concert next week okay," anito. Tumango siya. Noon naman lumabas ang iba pang staff. Saglit na lumingon sa mga iyon si Rick bago muling tumingin sa kaniya. "I have to go." Ngumiti siya at tumango. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalayo na ang mga ito. Napabuntong hininga siya.
"Muntik nang huminto ang tibok ng puso ko sa ngiti niya," komento ni Stephanie. Napalingon siya rito. Tumawa ito. "Wala akong balak agawin siya sa iyo huwag kang mag-alala. Ang pinakamahirap na sitwasyon sa lahat ay kapag magkaribal ang magkaibigan sa pag-ibig. Banda pa naman tayo kaya mas komplikado iyon," pabirong sabi nito.
Natawa siya. "Alam ko naman na hindi mga tipo ni Rick ang type mo Steph," ganting biro niya.
"Tara na nga kumain na tayo. We're supposed to celebrate right?" pukaw ni Yu sa kanila.
Muling bumalik ang sigla nilang lahat. Nagtatawanang lumakad na sila palabas ng Diamond Records.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...