"AUDRA! Ang sabi ni tita mag-a-abroad ka daw? Is that true?" malakas na tanong ni Lyka na hindi kumakatok na binuksan ang pinto ng kuwarto niya.
Mahina siyang tumawa ng muntik pa itong mabuwal dahil marahil sa pagmamadali. "You don't have to shout you know," aniya rito at ipinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit niya.
Noong isang linggo pa niya sinabi sa mga magulang niya ang desisyon niya. Noong una ay hindi pabor ang mama niya sa desisyon niya. Masyado raw malayo ang Japan sa kanila at hindi raw nito kakayaning mapalayo siya rito. Mabuti na lamang at pumayag ang papa niya at magkasama nilang kinumbinsi ang mama niya. sa huli ay pumayag rin ito. Kaya naman buong linggo siyang abala sa pag-aasikaso ng mga papeles niya. Mabuti na lamang at may passport na siya.
"But... it is so sudden," sabi pa nito at lumapit sa kanya.
Huminto siya sa ginagawa at bumaling dito. "Oo nga eh. But this is a very rare opportunity to me. Chance ko na rin ito para matuto naming maging independent hindi ba?"
Tumitig ito sa kanya pagkuwa'y yumakap sa kanya. "Ma-mi-miss kita eh."
Gumanti siya ng yakap. "Ako rin naman. But I have to do this. Ano ka ba, four years lang naman eh." Besides, I no longer want to betray you Lyka.
"Mag-iingat ka doon."
Tumango tango siya. Marami pa itong sinabing mga paalala na ang iba ay tinawanan niya lang. Ngunit ang huli nitong sinabi ang hindi niya nagawang idaan sa tawa.
"I wish you could find a man you will love there. Someone who will be always there for you and will always take care of you. If you do I will really be happy for you Audra," seryosong sabi nito.
Bumuntong hininga siya upang pawiin ang biglang pagkudlit ng kung anong kirot sa dibdib niya. Pinilit niyang ngumiti. "Yeah, I wish."
NOONG unang pumasok sa bar si Audra, aminado siya na nairita siya. Subalit ngayong naroon na siyang muli ay komportable na siya. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya iniwan ni Lyka. Nanatili lamang ito sa tabi niya habang hinihintay nila ang set nila Chase.
Napilit siya nitong manood ng gig ng Wildhorn. Bago man lang daw siya umalis. Pinagbigyan na niya ito sa pagkakataong iyon. At pagbibigyan na rin niya ang sarili niyang mapanood muling tumugtog at kumanta si Chase. Besides, it will be the last time she will see him perform live.
"Audra," pukaw sa kanya ni Lyka.
Sinulyapan niya ito. "Bakit?"
"I really can't believe na aalis ka. Sa ating dalawa, ikaw ang malaki ang pagpapahalaga sa closeness ng pamilya. So why did you really decided to go abroad?" seryosong tanong nito.
Saglit siyang hindi nakahuma. Pagkuwa'y pinilit niyang ngumiti. "There are really times that something will come up that can change our minds Lyka. Besides, this will do me good. So don't worry."
Hindi na ito nagsalita. May dumaang kung anong emosyon sa mukha nito. Was it guilt? No, it's impossible. Siya ang dapat na maguilty sa kanilang dalawa.
Maya-maya pa ay naghiyawan na ang mga tao. Magkapanabay silang tumingin sa stage. Lumabas na ang Wildhorn. Agad na lumipad ang tingin niya kay Chase. Lumapit na ito sa mic at bumati sa mga tao. Then, he flashed that angelic smile of his before the band began to play.
Huminga siya ng malalim. This is the last time that she will see him like this. She wished that when she came back, wala na ang damdamin niya para dito. Ngunit habang nakatitig siya rito, hindi niya mapigilan ang pag-iinit ng magkabilang gilid ng mga mata niya. But she doesn't want to cry in front of her bestfriend.
Natigilan siya ng nang humawak sa mic si Chase ay nahagip ng mga mata niya ang bracelet na ibinigay niya rito. He is wearing it. Oo nga pala, ang sabi nito sa kanya, isusuot na nito iyon palagi. Napayuko siya at bahagyang tumalikod kay Lyka. Pasimple niyang pinunasan ang luha niya.
"That bracelet." Natigilan siya at mabilis na napabaling kay Lyka. Sa stage pa rin ito nakatingin. "You gave it to him right?" tanong nito. Hindi siya nakasagot. Nang lumingon ito sa kanya ay simple itong ngumiti. "Nakita ko kasing suot niya iyon kinaumagahan noong birthday niya. Hindi naman siya nagsusuot ng bracelet. Isa pa, ugali mong magbigay ng regalo kahit sino ang may birthday na pupuntahan natin hindi ba?"
"O-oo." Muli niyang ibinaling ang atensyon sa stage. Pakiramdam na naman niya, nakakahalata si Lyka sa nararamdaman niya. O marahil nagiging paranoid lang siya. Ah, kailangan na talaga niyang makaalis.
MAG-AABROAD ka? Ang lungkot naman niyan. Bago pa lang tayong magkakakilala eh," reklamo ni Carlo nang sabihin ni Lyka ang balitang iyon sa mga ito.
Tapos na ang set ng mga ito at sumali na ang mga ito sa lamesa nila ni Lyka. Ngumiti na lamang siya sa komentong iyon ni Carlo. Kahit naman kasi siya, nanghihinayang sa pagkakaibigang nabuo niya sa mga ito.
"Ewan ko ba diyan. Biglang naisipang umalis," komento naman ni Lyka. Lahat na ng mga ito ay nagkomento ng kung anu-ano na idinadaan niya lang sa ngiti at tawa. Nang mapasulyap si Audra kay Chase ay nakita niyang tahimik lamang itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung anong iniisip nito.
"Why are you leaving?" biglang tanong nito na ikinatahimik ng mga kaibigan nito.
Saglit siyang hindi nakahuma bago pilit na ngumiti. "I want to try being successful on my own. It is also my chance tio be independent kahit ilang taon lang."
Marahan itong tumango. "I see," tanging sagot nito. Hindi iyon ang gusto niyang reaksiyong makita mula rito. Pero sino ba siya upang umasa ng kung anu-ano?
Pagkatapos ng maiksing usapan na iyon ay wala ng nagsalita sa kanila ni Chase. ngunit sa tuwina ay madalas na magkasalubong ang mga paningin nila. Pero hanggang doon lang iyon. Hanggang sa magdesisyon na silang maghiwahiwalay.
"So, this is goodbye for now Audra. Dapat man lang pala nagpadespedida party tayo," sabi ni Vergel.
Ngumiti siya. "Okay lang iyan." Nang sumulyap siya kay Chase ay seryoso pa rin ang mukha nito. Pagkuwa'y tumango ito bilang pamamaalam.
Yes, that's how pathetic their last meeting ends. But maybe it is better that way. Ngunit nahiling niya, na sana man lang ngumiti ito. Para man lang sana nabaon niya ang ngiti nito. But then, not all wishes come true.
Goodbye Chase.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...