"YOU?" gilalas na tanong niya rito.
Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. "Yes me. No, actually itong pamangkin ko ang nangangailangan ng pambihirang talento mo." anito sabay akbay sa batang kasama nito. Kabaligtaran nito ay nakabusangot ang pamangkin nito.
"This guy here is Mark. Mark, say hi to your piano teacher." susog nito sa bata.
"Hi teaher." tila napipilitang sabi nito.
Bahagya siyang yumuko at nginitian si Mark. "Hello Mark." bati niya rito.
"Wow, marunong ka naman palang ngumiti Janice." komento ni Lloyd.
Dumeretso siya ng tayo. Pinalis niya ang ngiti ng tingnan ito. "Kausapin mo na lang si Bianca tungkol sa mga dapat pag-usapan sa pagpasok dito ni Mark." dere-deretso niyang sabi dito.
"Bakit hindi na lang tayo ang mag-usap? Tutal magkakilala naman tayo."
"May klase ako." paiwas na sagot niya. Bakit ba napa ka deretso nito magsalita? Hindi ba nito alam na nakakailang ang mga sinasabi nito? Bumaling siya kay Mark. "Let's go Mark." aya niya rito.
Lumingon ito sa tito nito. "Sige na Mark." bahagya nitong tinapik ang balikat ng bata. Lumapit naman si Mark sa kanya. Inakbayan niya ito.
Nang tingnan niya si Lloyd ay nakangiti na naman ito. It seems like he knows his asset.
"Bianca." tawag niya sa kaibigan niya. Lumapit naman ito ngunit bakas pa rin sa mukha ang nangangarap nitong ngiti. "Ikaw na ang bahala sa kanya." bilin niya.
"Sure sure." nakangiting sagot ni Bianca.
Inakay na niya si Mark papasok. "See you later." habol ng tiyuhin nito. Hindi niya ito pinansin. Hindi kasi siya sigurado kung para ba iyon kay Mark o para sa kanya.
"SIS, I'm super sure. He likes you."
Naiiling na ipinagpatuloy ni Janice ang pagliligpit. Hindi na niya matandaan kung ilang beses na iyong sinabi nina Elena at Bianca. At ilang beses na niyang sinabing mali sila ng iniisip.
"Sayang. I like him so much pa naman. He has the most angelic face I have ever seen. At napaka disente." komento ni Bianca.
Napailing siya. Napansin nga niyang normal ang suot nito. Nakamaong pants ito at simpleng t-shirt kanina. Maayos din ang pagkakatali ng buhok nito. Ibang-iba noong una niya itong makita.
"Ang kulit niyo." tanging nasabi niya.
"Teka, saan mo ba nakilala ang ubod ng gwapong lalaking iyon? Tuwing tinatanong ko siya kanina ngumingiti lang siya. Nakalimutan ko tuloy ang tanong ko." nilangkapan ni Bianca ng tawa ang sinabi.
Napangiti siya sa sinabi nito. "Luka luka."
"Pero saan mo nga siya nakilala?" pangungulit ni Elena.
Nagbuga siya ng hangin bago sumagot. "Kaibigan siya ni Jeff."
Napa oh ang mga ito. "Sabagay mukha naman talaga siyang kaibigan ng pinsan mo. Sana lang ay hindi sila parehong maloko" ani Bianca.
Nagkibit balikat siya at naghanda na sa pag-uwi.
"Janice, hindi mo ba talaga siya gusto?" tanong ni Elena.
"No."
"As in kahit konti lang?"
Napaisip siya. She then remembered that one moment when their eyes met. Napailing siya upang palisin ang alaalang iyon. "No."
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...