Part 6

3.8K 146 12
                                    

ALAS nuwebe na ng ma-i-park ni Audra ang sasakyan niya sa tapat ng building kung nasaan ang radio station na pinapasukan ni Lyka. Kahit pa kasi sinabi nito na ayos lamang na maghintay siya roon ng matagal ay hindi naman iyon ayos sa kanya. Kaya nag-overtime na lamang siya. Tutal ay may pinagawa rin sa kanya ang boss niya. May mga pinasagutan itong mga papeles sa kanya na may kinalaman daw sa trabaho niya.

Wala ng masyadong tao sa building na iyon kaya mag-isa lamang siyang naglakad sa hallway at sumakay ng elevator. Ngunit pagdating niya sa floor ng radio station ay bahagyang maingay doon.

Lumapit siya sa tila receptionist na nakasilip sa kung saan. "Excuse me?" pukaw niya rito.

Hindi ito lumingon sa kanya at humagikhik pa. Marahil ay dahil sa kung ano mang tinitingnan nito.

Tumikhim siya. "Excuse me?" aniya sa mas malakas na tinig.

Noon ito tumingin sa kanya. May malawak na ngiti pa rin sa mga labi nito. "Sorry miss. Pasok ka na," sabi nito at muling bumalik sa tinitingnan.

Napakunot noo siya ngunit hindi na nagreklamo. Hindi man lamang nito itinanong kung anong kailangan niya. Walang salitang pumasok na siya ng studio. Saglit niyang iginala ang paningin sa paligid. Natigilan siya nang huminto ang paningin niya sa isang parte ng studio. Ngayon ay alam na niya ang dahilan ng pagngisi ng receptionist. Naroon pala ang Wildhorn. Nakaumpok ang mga ito at nakaupo sa mga mono blocks. Awtomatikong hinanap ng paningin niya si Chase. And when she found him, she suddenly felt warm inside. Matagal siyang nanatili sa kinatatayuan at pinagmasdan ito habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito.

Compared to his friends, he has a quiet way of smiling. Mukhang ito rin ang pinaka-mature mag-isip at umakto sa mga ito. Hindi na naman tuloy niya naiwasang mapangiti. He just has that effect on her. Dati kasi kahit anong patawa ang gawin ng mga tao sa paligid niya hindi siya napapangiti ng mga ito. Ngunit ngayon, tingnan niya lamang ito ay parang gusto pa niyang humalakhak sa labis na saya.

Napakurap siya nang bigla itong lumingon sa kanya. Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito nang magsalubong ang mga paningin nila. Alanganin niya itong nginitian at lumapit sa mga ito. Her heart leapt when he smiled at her.

"Uy, Audra. Nandito ka rin pala," gulat na sabi ni Carlo.

Binalingan niya ito at nginitian. Kataka-takang hindi na siya nakakaramdam ng pagkailang sa mga ito. Kung tutuusin ay isang beses pa lang naman niyang nakakasama ang mga ito. "Susunduin ko si Lyka. Wala siyang dalang sasakyan eh."

"Ang bait mo namang kaibigan," nakangiting komento ni Vergel.

"Hindi naman. Magkapitbahay din naman kasi kami kaya iisa lang ang way namin," dahilan niya.

Napasulyap siya sa DJ Booth. Tanaw niya mula sa kinatatayuan niya si Lyka at masayang nagsasalita. Nang mapatingin ito sa kanya ay ngumisi pa ito at kumaway. It was then she realized this was all Lyka's plan. Nagpapatulong nga pala ito sa kanya para magustuhan ito ni Chase.

Ibinaling niya ang tingin kay Chase. Tumayo ito at inilapit sa kanya ang inupuan nito. "Sit down. Mamaya pa ang tapos ng shift ni Lyka," nakangiting sabi nito.

Saglit siyang napatitig dito. "T-thank you," simpleng sagot niya at umupo.

"Ang bait niyang si Chase no?" singit ni Rick.

Ngumiti siya. "Oo nga."

"Responsible pa iyan," dugtong ni Vergel.

"At hindi lang basta singer yan, negosyante pa," sabad ni Carlo.

"Shut up guys," saway ni Chase sa mga ito.

Natawa siya. "Ang kukulit ninyo. Bakit nga pala kayo nandito?"

"Mag po-promote kami ng single namin," sagot ni Carlo.

"Ah," tumango-tango siya.

Ngumisi si Vergel. "Kakanta si Chase mamaya."

Awtomatiko niyang tiningala si Chase. Nakatayo lamang ito sa tabi niya at tahimik lamang na nakikinig sa mga kaibigan nito. Nang sumulyap ito sa kanya ay nginitian niya ito. "I wish I can hear it. Kaso mukhang hindi naman maririnig dito sa labas."

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto ng DJ Booth. "Pwede na po kayong pumasok."

Tumayo na ang mga ito. Muli siyang napatingala ng maramdaman niya ang palad ni Chase sa balikat niya. "Let's go," aya nito.

"Huh?"

Ngumiti ito. "You want to hear us right? Si Lyka naman ang DJ kaya ayos lang iyan."

Nang hindi pa rin siya humuma ay hinawakan na siya nito sa braso at inalalayang tumayo. Bahagya siyang napaatras. His nearness is too much for comfort. Yet, deep inside her, she wants to stay near him forever. "Let's go," muling aya nito.

Ngumiti siya at umagapay na rito. Nang mapatingin siya sa mga kabanda nito ay nakangiti ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Pagkuwa'y halos sabay-sabay ring nag-iwas ng tingin at nagunahang pumasok sa booth.

"Mga loko talaga itong mga 'to," narinig niyang bulong ni Chase. Marahil ay sarili lamang nito ang kinakausap nito. Nang sulyapan niya ito ay may kakaiba na namang ekspresyon ang mukha nito. Ah, she couldn't believe there is a man as adorable as him.

TAHIMIK na tumatawa si Audra habang nakikinig sa interview nila Chase. Bukod kasi sa lumalabas ang pagiging palabiro ni Lyka na siyang nag-iinterview sa mga ito ay talagang nakakatawa rin ang mga sagot ng mga ito. Lalo na sina Carlo at Vergel. Si Chase naman ay palaging matino ang sagot.

Ilang beses ding sinabi ng mga ito on air ang presensya niya sa loob ng booth. Noong una ay nahihiya siya. Ang istasyong iyon ay isa sa mga sikat na istasyon ng radyo sa bansa kaya siguradong maraming nakikinig sa kanila. She was not used to it. Ngunit sa kalaunan ay hindi na siya nakaramdam ng pagkailang. Hanggang sa nag-eenjoy na rin siya sa biruan ng mga ito.

Habang nakikinig siya sa usapan ng mga ito ay may mga nalaman siya tungkol sa mga ito. Nalaman niya na kolehiyo pa lamang pala ang mga ito ay magkakaibigan na ang mga ito maliban kay Rick na naging kabanda lamang ng mga ito noong tapos ng mag-aral ang mga ito. Si Rick din pala ang tumatayong manager ng mga ito. May kaibigan pa ang mga ito na binati ng mga ito, ang isa ay si Lloyd at ang isa ay nagngangalang Jeff. Ang mga iyon pala ang orihinal na kabanda ng mga ito. At mukhang walang isa man sa mga ito ang may nobya. Kaya marahil maraming babaeng tagahanga ang mga ito.

Maya-maya pa ay kinakanta na ni Chase ang single ng mga ito na may title na "I'll be around." Natatandaan niya na iyon din ang awiting kinakanta nito noong una niya itong makita.

"When I see your eyes. I become seventeen. Find no reason why. It's the only way I feel. So alive..."

Hindi niya maintindihan kung bakit, pero nagiging paborito talaga niya ang linyang iyon ng kanta ng mga ito. Maybe because when she first heard it, Chase was intently looking at her eyes. Or maybe, because whenever she looks at his eyes, she feels like she's seventeen.

"That was a wonderful performance Chase! So guys what are all you waiting for? Grab your copy of Wildhorn's album on record stores near you!" bulalas ni Lyka nang matapos ang kanta.

Napangiti siya. I will surely grab a copy. She was never into rock music, but she feels like she will be drawn to it from now on.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon