DALAWAMPUNG minuto lang ay nasa bahay na sila. Nang bumaba siya ng sasakyan ay bumaba rin ito.
"Thank you. Pasok ka muna." alok niya bago pa niya mapag-isipan ang sinabi.
Ngumiti ito. "Hindi ko tatanggihan yang alok mo."
"Hindi ko naman sinasabing tanggihan mo."
"Baka kasi nagiging polite ka lang." dahilan nito.
She sighed. "Papasok ka ba o hindi?"
Ngumisi ito. "Papasok."
Sa loob ay agad niyang inilapag ang mga dala sa sofa. Nahiling niya na sana ay kasalukuyang nagpipinta ang kanyang ama.Kapag kasi ganoon ay hindi ito nagiging aware sa paligid nito.
"Upo ka muna. Ikukuha kita ng kape." Day-off ni Manang Selia kaya walang katao-tao sa parteng iyon ng bahay nila.
Nakangiti naman itong umupo. Mabilis siyang nagtungo sa kusina. Hinahalo na lamang niya ang kape nito nang marinig niya ang tunog ng piano. May tumitiklada niyon na para bang sinusubok lamang iyon. Pagkuway tuluyang tumugtog ang Canon in D. Hindi siya kaagad nakagalaw at pinakinggan lamang iyon. Nang maalalang si Lloyd lamang ang tao sa sala ay mabilis siyang lumakad at sumilip.
There she saw him. Sitting infront of her grand piano. Skillfully playing her favorite piece. Napatitig siya rito. He seems to be a different person yet the same. At tila hindi ito aware na pinagmamasdan niya ito. Naikuyom niya ang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. Hindi na naman kasi niya makontrol ang mabilis na pagtibok niyon. Hinayaan niya lang itong tumugtog. Hindi niya naisip kahit na sandali na marunong itong mag-piano. Na magaling itong mag-piano.
When she recognize that the piece is about to end, she silently went back to the kitchen. Hinamig niya ang sarili bago niya inilagay sa tray ang kape nito saka lumabas.
Pagkalabas niya ay siya namang pagtatapos ng pagtugtog nito. Nag-angat ito ng tingin. Their eyes met. And she felt the same emotion she felt the first time their eyes connected. Hindi nagsasalitang ibinaba nito ang takip ng piano keys at tumayo. Siya naman ay inilapag sa center table ang kape nito.
"I never thought you know how to play the piano." pagbasag niya sa katahimikan.
Nagkibit balikat ito. "Yeah. Pinilit ako ng parents kong mag-aral noong bata pa ko. Since they are famous pianist."
Ikinagulat niya ang impormasyong iyon. "Really? Anong pangalan ng parents mo?"
"Jayson and Blessilda Alcaraz."
"Wow." tanging nasabi niya. Ang mga magulang nito ang pinakahinahangaang mga pianist hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa buong mundo.
"But I didn't like it."
Napakunot-noo siya. "Why?"
"Maybe I'm not for their kind of music. "
Which also means he's not for my kind of music too. So our feelings about our music are mutual. Pero bakit parang hindi niya matanggap na mayroon itong ayaw na gustong gusto niya?
"Hindi mo ba talaga gusto ang mga piano piece?" hindi niya napigilang itanong.
Ilang segundo muna ang lumipas bago ito tumingin sa kanya ng deretso bago sumagot. "Medyo. Dati. Pero ngayon, gusting-gusto ko na."
Nakaramdam siya ng relief sa sinabi nito. Ngunit agad ding nawala ng makita ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Na para bang may gusto itong ipakahulugan sa binitiwan nitong salita. "Mabuti naman kung ganoon. Inumin mo na ang kape mo bago lumamig." baling niya sa kape.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...