"Bye, teacher Janice!" hindi sabay-sabay na pagpapaalam ng mga estudyante ng Prodigal School of Music.
Isang matamis na ngiti ang iginanti ni Janice. "Bye, kids. Practice at home okay."
"Yes, teacher."
Pinagmasdan niya ang mga ito habang nagtatakbo ang mga ito sa kani-kanilang mga sundo. Nang mawala sa kanyang paningin ang mga bata ay muli siyang bumalik sa loob ng unit na inookupa ng music school nilang magkakaibigan. Napatingin siya sa wristwatch na suot pagkuwa'y bitbit ang bag na lumabas ng silid.
"Hey, going home already?" salubong ni Elena, kaibigan at kasosyo niya sa music school na iyon. Nginitian niya ito.
"Yeah, may estudyante ako ng 2pm, si Bianca?" tukoy niya sa isa pa nilang kaibigan.
"Hay naku, nauna na. May ka blind date." nilangkapan nito ng tawa ang sinabi.
"Wala talagang kadala-dala ang babaeng iyon. Ilang beses ng nasaktan sige pa rin ng sige. Siya, mauna na ko." naiiling na wika niya. She walked to her friend and kissed her on the cheek. Pilit niyang inignora ang biglang pagkapalis ng ngiti sa mga labi nito.
"You're still hurting because of him, huh," mahinang bulong nito.
Nag-iwas siya ng tingin dahil sa sinabi nito.
"That bastard."
"Please Lena, let's not talk about that."
Bumuntong hininga ito. "Fine. Sige na. Baka anong oras ka pa makarating sa inyo kapag hindi ka pa umalis."
"Oo nga pala. Bye." Pagkatapos magpaalam ay nagmamadali na siyang sumakay sa kotse niya para umuwi.
NANG matanaw ang kanilang bahay ay kumambiyo si Janice. Bumusina siya at hinintay na magbukas ang gate. Ilang minuto na siyang naghihintay ay wala pa ring nagbubukas. Muli siyang bumusina. Lumabas na siya ng sasakyan nang wala pa ring lumalabas sa may kalakihan nilang bahay. Lumapit siya sa gate at binuksan iyon. Napakunot-noo siya nang mapansing tila walang katao-tao sa bahay nila. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng gate at muling bumalik sa kotse niya. Papasok na siya ng driver's seat nang mamataan niya ang pinsan niyang si Jefferson na lumabas sa gate ng katapat nilang bahay. Sumenyas ito at patakbong lumapit sa kanya.
"Hi cousin kong maganda."
Tipid niya itong nginitian. "Hi yourself gorgeous."
Isa ito sa mga sought after bachelor sa subdivision nila. Ito ang dahilan kung bakit dumami ang mga babaeng nag ja-jogging sa lugar nila. Atleta kasi ito at ugaling tumakbo tuwing umaga.
"Ang aga mo yata ngayon."
Tumingin siya sa wristwatch niya. 1pm. "May estudyante kasi ako ng 2pm."
"Ah. Pinsan, hiniram ko nga pala si tita at saka si Manang ha." Nakangiti ito at may expectant na ekspresyon. Parang may hinihintay itong marinig mula sa kanya.
Bahagyang umangat ang kilay niya sa pagtataka. "Ah, kaya pala walang katao-tao sa bahay namin. Bakit naman?"
Natigilan ito. "Hindi mo alam? Ang sakit naman couz," birong totoo nito.
"Ang alin?" tanong niya. She's totally unaware of what he's talking about.
"Seryoso ka? Nakalimutan mo?" bakas pa rin ang pagkamangha sa guwapo nitong mukha.
Kumunot ang noo ni Janice. Pinipilit niyang tandaan kung anong nakalimutan niya. Biglang pumasok sa isip niya ang petsa. Noon siya naliwanagan. "Ah! Birthday mo nga pala ngayon!"
Natawa na nailing naman ito. "Grabe, nakalimutan mo nga."
"Sus, nagtampo pa. Sorry na. Ang dami ko lang kasing iniisip lately." Niyakap niya ito. "Happy birthday Jeff."
Gumanti ito ng yakap. "Kung iba ba naman ang kinakalimutan mo mas masaya sana," mahinang sabi nito.
"Anong sabi mo?"
"Ang sabi ko, pasalamat ka at ikaw ang favorite cousin ko." Kumalas siya dito at natawa sa narinig.
"Basta Janice, punta ka sa bahay mamaya. Hindi nagluto sila tita dyan. Sa amin sila nagluto."
"Simpleng handaan ba iyan? Nakakapanibago ka naman yata Jeff." Palaging engrande mag-celebrate ng birthday ang pinsan niya.
Nagkibit-balikat ito at ngumisi. "It's a rave dance party. I invited everyone by the way. Basta punta ka mamayang gabi ha."
"Alam mong hindi ako mahilig sa ganiyan." She's not into loud music.
Lalong lumapad ang ngisi nito. "I know. That's the reason why I made a party like this. It's time to let your hair down, my beautiful cousin. See yah!" paalam nito. Pagkatapos patakbo itong bumalik sa kabilang bahay.
Naiiling na sumakay na rin si Janice sa kotse niya at tuluyang pumasok sa garahe. Muli niyang isinara ang gate at pumasok sa loob ng bahay.
Simple lang ang bahay nila kumpara sa ibang bahay sa subdivision na iyon. Ang unang mabubungaran ay ang sala at ang grand piano niya sa kanang bahagi. Nasa bandang dulo ang dining hall at ang kusina. Isa lang ang kuwarto sa ibaba para kay Manang Selia. May restroom sa gilid ng kusina para sa bisita. Sa second floor may apat na kuwarto. Isa sa parents niya, isa sa kanya, isang guestroom at ang isa ay ang paborito niyang silid; ang library/gallery nila.
Her parents are artists. Her father is a painter and her mother is an interior designer. They owned an interior design firm. Maraming tao ang nagsasabing magiging artist din siya. They were right of course. But she was more into music that in visual arts. She fell in love with the sound of the piano since she was three. She has the talent and love for music.
Pero imbes na maging propesyunal mas pinili niyang ipakalat ang classical music through teaching. Kaya naman sa tulong ng mga kaibigan niya sa music conservatory kung saan siya nagtapos ay naitayo nila ang Prodigal School of Music para sa mga bata. Dalawang oras lang kada araw ang session nila pero sapat na iyon para maturuan niya ang mga ito. Siya ang nagtuturo ng piano. Ang kaibigan niyang si Elena sa violin at si Bianca naman sa wind instruments.
Lumapit siya sa piano at magaan iyong pinaraanan ng palad. Biglang sumagi sa isip niya ang pahaging ng pinsan. Siguro tama ito. Na dapat na niyang kalimutan ang dapat kalimutan. But that's easier said than done. She was inlove. Madly and deeply in love. And she was deeply hurt too. She was hurt because of the person who made her feel love. Hindi na niya gusto pang maranasan ang sakit na naramdaman niya dahil sa pag-ibig. Hindi na niya gustong magmahal pa.
She sighed. Bigla na naman siyang nalungkot. "Daniel, why do you have to leave me?" malungkot niyang bulong sa sarili habang nakatitig sa piano. They shared almost all their precious moments in front of the piano. It's actually one of the things they have in common. It was late when she realized it was the only thing they have in common.
Pinaglinaw niya ang isip at umakyat sa kanyang silid. Agad siyang nagbihis at saka pabagsak na humiga sa kama. Tumingin siya sa wristwatch niya. May thirty minutes pa siya bago dumating ang estudyante niya. Tumayo siya at dumeretso sa baba. Tutugtog muna siya habang hinihintay ang estudyante niya. She sat in front of the piano for a while. Then like in some kind of a trance, she started to play one of her favorite piano piece, Pachelbel's Canon in D.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...