NAGNGISIAN ang mga kaibigan nito sa sagot nito pagkuwa'y parang mga timang na naghalakhakan. Nag-iwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa paginom ng juice. Bakit kailangan pa nitong tumingin ng ganoon sa kanya bago sumagot? Ang bilis tuloy ng tibok ng puso niya.
"Siyempre, because I'm with him. Right Chase?" biglang sabi ni Lyka. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakakapit na si Lyka rito. Pupungay pungay pa ang mga mata nito habang nakatingin kay Chase. Napangiwi siya. Mukhang lasing na ang kaibigan niya.
Saglit na tila may nakakailang na katahimikan ang bumalot sa kanila bago tumikhim si Jeff. "O, inom pa tayo, sayang 'to kapag hindi naubos. Hindi naman 'to iinumin ni Chase," basag nito sa katahimikan at muling nagsalin sa baso. Sumangayon naman ang mga ito.
Mula ng sabihin iyon ni Lyka ay hindi na siya bumaling sa direksiyon ng mga ito. Natatakot siya sa kung ano ang maari niyang makita.
Madaling araw na ng sumuko ang mga ito sa kalasingan. Nagsipaghigaan na lamang sa sahig ang mga ito na tila walang pakielam kung mananakit ang mga katawan ng mga ito paggising. Mabuti na lamang at may carpet ang sala ni Chase. Maging si Lyka ay nakayukyok na ang ulo sa sofa. Nagkatinginan sila ni Chase at tahimik na nagkatawanan.
Tumayo na ito at iiling-iling na tiningnan ang mga kaibigan nito. "Sinasabi ko na nga ba at sa ganito mauuwi ang mga ito," komento nito.
Napangiti siya at sinubukang tumayo. "Aray, nangalay yata ang mga binti ko," mahinang sabi niya.
Maagap namang lumapit sa kanya si Chase. "Kanina ka pa kasi nakaupo diyan." Natigilan siya ng iabot nito ang kamay sa kanya. Hindi siya nagdalawang-isip na abutin ang kamay nito. His hand is as warm and firm as she remembered it to be. Just by having to hold his hand like this, make her feel secure.
Walang kahirap-hirap na naitayo siya nito. Napakapit siya sa braso nito ng kumirot na naman ang mga binti niya. Napasinghap siya ng lumapat ang kamay nito sa baywang niya marahil ay upang alalayan siya. "Hey," bulalas nito. Hindi niya alam kung gaano katagal na nakasandig lamang siya rito. Huminga siya ng malalim ng unti-unti ng mawala ang sakit ng binti niya. "Okay ka na?" tanong nito.
Kinilabutan siya ng maramdaman ang hininga nito sa ulo niya. "O-oo," mabilis niyang sagot kasabay ng pagtingala rito. Bagay na hindi niya alam kung pagsisisihan niya o hindi. Because she realized that his face is only a few inches away from hers. Tila natigilan rin ito. Lalong sumasal ang tibok ng puso niya. It was an awkward situation, but why does her body lost its will to move she wonders.
Nakita niya ang paggalaw ng Adam's apple nito, pagkuwa'y bumaba ang paningin nito sa mga labi niya. Napalunok siya. Unti-unti na nitong ibinababa ang mukha nito sa kanya nang may biglang gumalaw sa mga kaibigan nito.
Napakurap siya at mabilis na lumayo rito. Her face is burning. Nang sulyapan naman niya ang mga natutulog ay mukhang wala naming gising sa mga ito. It was only Jeff who shifted his position. Hindi niya matingnan si Chase. What happened was so embarrassing! Kung hindi gumalaw si Jeff ay saan mapupunta ang eksenang iyon? Pakiramdam niya ay lalong tumindi ang pag-iinit ng mukha niya.
Tumikhim si Chase. "Ikukuha ko lang ng kumot at unan ang ito. I-I'll also get something for Lyka," sabi nito bago umakyat ng hagdan patungo sa second floor.
Noon siya tila natauhan. Awtomatiko siyang napatingin kay Lyka na mukhang malalim na ang tulog. She felt that stab of guilt again. Huminga siya ng malalim upang pakalamhin ang mga emosyong nagsasalimbayan sa puso niya.
Inabala na lamang niya ang sarili sa pagliligpit ng mga maruruming plato at basong nasa lamesa. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang kusina ni Chase. Napansin niyang masinop ito sa gamit. Maayos ang lahat ng bagay sa kusina nito ngunit halatang nagagamit. Naayos na niya ang lamesa ng bumaba si Chase.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...