Promise Me Forever - Part 4

4.1K 142 2
                                    


"MABUTI na lang po pala at nakapagmerienda tayo," sabi ni Nea.

Nag-U-turn muna siya bago sumagot. "Oo nga eh. Ginabi na tayo masyado."

Pagkatapos ng merienda ay nagpumilit pa ang mga ito na panoorin nila ang practice ng mga ito kahit sandali lang. Napapayag naman sila dahil sadyang mahirap tanggihan ang mga ito. Mabuti na lamang at hindi naman masyadong nagkakamali ang mga ito. Gusto niya rin kasing makaalis hanggat maaari.

Kahit kasi ayaw ng isip niya ay hindi niya pa rin naiiwasan ang sariling pagmasdan si Vergel habang tumutugtog ito ng gitara. At tuwing gumigiti ang pawis nito ay parang nangangati ang mga paa niyang lapitan ito at punasan na gaya ng dati. Ipinilig niya ang ulo. May nakatakas na namang alaala. Nagsisimula na siyang makaramdam ng inis.

"Ma'am, pwede ho bang magtanong?"

"Ano iyon?" walang buhay na sagot niya rito. Natanaw na niya ang street kung saan ito hihinto. On the way ang lugar na tinitirhan nito papunta sa unit na inookupa niya kaya hinahatid niya ito lalo pa kapag gaya ng mga araw na ganoon na ginagabi silang magkasama.

"Hindi po kayo magagalit?" paniniguro nito.

"Kailan ba ako nagalit sa iyo?" Totoo iyon. Kahit kailan ay hindi pa siya nagalit dito. Isang taon lamang kasi ang tanda niya rito at sadyang kasundo niya ito sa maraming bagay.

"May past po ba kayo noong si Vergel?" walang gatol na tanong nito.

Bigla siyang napapreno. Mabuti na lamang at naka-seat belt sila. Saglit siyang huminga ng malalim bago ito hinarap. Manghang nakamasid lamang ito sa kanya. "At bakit mo naman naitanong iyan?"

"Walang lang po. Napansin ko lang ho kasi kanina na parang may kakaiba sa inyong dalawa. Parang masyado kayong pamilyar sa isa't isa."

Natigilan siya. Ganoon ba sila kanina? Nasalubong niya ang naghihintay na tingin nito. Napailing siya. Hindi pa siya handang sabihin dito ang ilang bagay tungkol sa kanyang nakaraan. "Wala no. Naku, umuwi ka na nga. Nandito na tayo sa street mo."

Tumango naman ito. At least, hindi makulit ang assistant niya. Bumaba ito at bahagya pang kumaway bago niya muling pinaandar ang sasakyan niya.

PAGAL ang katawang ibinagsak ni Grace ang sarili sa kama. Hindi niya inalintana kung naka pang opisina pa rin siya. Pumikit siya sandali. Pagkuwa'y bumangon at naghanda sa pagtulog.

Matagal na siyang naninirahang mag-isa. Mula nang magkatrabaho siya at sa tingin naman niya ay kaya na niya ang kanyang sarili ay kumuha siya ng isang condo unit na rent to own. At ngayon nga ay pag-aari na niya iyon. Ang kanyang mga magulang naman ay hinayaan niya sa probinsiya dahil mas gusto ng mga ito roon. Nagpapadala na lamang siya ng pera at kung may panahon ay nagbabakasyon.

Habang inililibot niya ang paningin sa unit niya ay narealize niya na matagal na panahon na pala siyang nag-iisa. Literal na nag-iisa dahil pitong taon na rin siyang single. Ang mga kaibigan niya ay kaibigan niya sa opisina at hanggang doon lang iyon. Si Marilou naman ay ngayon lamang umuwi ng Pilipinas. Bigla niya tuloy naitanong sa sarili kung sa mahabang panahong iyon ba ay nakaramdam siya ng lungkot o nalulunod niya iyon sa pagtatrabaho at pagod?

Bumuntong hininga siya at humiga na sa kama. Napatitig siya sa kisame. Wala siyang matandaang nakaramdam siya ng lungkot sa loob ng mahabang panahon. But it is exactly how she is feeling at that moment. Marahil ay dahil sa mahabang panahon, ngayon lang uli nagkaroon ng pagkakataon ang mga alaala niyang lumabas at magparamdam sa kanya. At dahil makalipas ang pitong mahahabang taon ay nakita at nakausap niyang muli ang lalaking dahilan kung bakit pilit niyang kinakalimutan ang mga iyon.

Bumuntong hininga siya at pumikit. Sa unang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, hinayaan niyang dumaloy ang mga alaala.

TAHIMIK lamang na nakaupo si Grace nang magpunta siya sa klase niya para sa oras na iyon. Hindi sila magkaklase ni Marilou sa subject na iyon pero ayos lang naman iyon dahil sabay rin namang matatapos ang kani-kanilang mga klase. Pero ang dahilan ng ikinatatahimik niya ay ang nakakahiya pa rin niyang nagawa sa canteen. Kung bakit ba naman kasi tingin pa rin siya ng tingin kay Vergel kahit sinabihan na siya ng kaibigan niya?

Maya-maya pa ay dumating na ang kanilang propesor. Nakatutok ang atensyon niya rito kaya hindi na lamang niya pinansin ang kung sino mang tumabi sa kanan niya kahit gusto niya itong pagalitan. First day ng klase ay late na ito agad.

Saglit lamang na nagpakilala ang propesor nila at nagsimula na agad itong maglecture sa kabila ng reklamo ng mga estudyante. Sa kanya ay wala namang kaso iyon. Naniniwala siya na dapat naman talagang magklase kapag oras ng klase para hindi sayang sa oras at sa tuition na rin. Hindi rin naman biro ang binabayaran nila sa eskuwelahang iyon.

Naramdaman niya ang paggalaw ng katabi niya. "Sheesh, he doesn't even want us to have time to get to know our classmates. Ano ba naman klaseng professor iyan? Masyadong strict," mahinang komento nito. Bahagyang kumabog ang dibdib niya sa boses nito. Para kasing pamilyar iyon na hindi niya maintindihan.

Nang tumalikod ang prof nila para magsulat sa board ay mabilis niyang nilingon ang katabi niya. Ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang makilala kung sino iyon. Biglang bumilis ang pagpintig ng puso niya. Si Vergel!

Lumingon din ito sa kanya at malawak na ngumiti. "Don't you think so?" pabulong na tanong nito na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya. Marahil ay upang marinig niya ang sinabi nito. Saglit siyang hindi nakakilos dahil sa nangungusap nitong mga mata at sa ngiti nitong matagal niyang inasam na sana ay nakalaan para sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "Miss? Okay ka lang?" tanong nito.

Napakurap siya at mabilis na itinutok ang atensyon sa harapan.Gusto na naman niyang tuktukin ang sarili dahil ipinahiya na naman niya ang sarili dito. Masyado siyang nabigla at natulala na makitang nasa tabi niya ito.

"Hindi mo na sinagot ang tanong ko," muling bulong nito.

"A-ano bang tanong mo?" bulong rin niya na hindi tumitingin dito.

"If you agree that first days should be spent getting to know your classmates."

Saglit siyang hindi sumagot. Dapat ay sabihin niya rito na sangayon siya rito para maging magkaibigan sila. Pero hindi niya yata kayang magpakaplastic ng ganoon. Huminga siya ng malalim. "I don't agree. Classes are for classes. Sayang naman ang tuition at oras kung gagamitin ang oras ng klase sa ibang bagay," mahinang sagot niya.

Hindi ito nagsalita. Gusto na tuloy niyang pagsisihan na sinabi sabi niya pa iyon. Makalipas ang ilang sandali ay hindi niya natiis na hindi ito sinulyapan. Bahagya siyang nagulat nang makitang mataman itong nakatingin sa kanya. May ngiting naglalaro sa mga labi nito.

"Bakit?" kabadong tanong niya.

Lalong lumawak ang pagkakangiti nito. Maging ang mga mata nito ay tila nakangiti rin. "Wala naman. Ikaw pa lang ang naringgan ko niyan kaya naamaze pa rin ako. I'm Vergel by the way. And you are?"

Saglit siyang napamata rito bago muling tumingin sa propesor nilang abala sa pagkausap sa pisara. "I'm Grace," bulong niyang hindi tumitingin dito.

"Grace. Nice name," komento nito. Tumango na lamang siya at tinitigan ang board dahil hindi niya alam kung paano pa pipigilan ang sayang nararamdaman niya kung muli na naman siyang titingin ditto at makukumpirmang hindi pangarap lang ang lahat. Totoong katabi niya sa upuan ang lalaking tanging hinangaan niya sa buong buhay niya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon