Our Song - Part 3

3.3K 126 5
                                    

AKALA ni Cham kung ano na ang ibig sabihin ni Rick nang sabihin nito sa kaniyang samahan niya ito ng gabing iyon. Sinulyapan niya ito habang abala ito sa paghampas sa palstik na drums sa Game Arcade kung nasaan sila. Ni hindi nga niya akalaing may bukas pa palang Game Arcade sa oras na iyon. Kanina pa sila naroon at halos lahat yata ng games doon ay nalaro na nito. Inalok din siya nitong maglaro pero tumanggi siya dahil hindi naman siya marunog maglaro ng ganoon. Isa pa ay mas gusto niya itong titigan.

Ang totoo, hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ito. Ni hindi niya naimagine na naglalaro ito sa Game Arcade. Pero kahit mukhang nageenjoy ito sa mga nilalaro nito ay hindi pa rin niya maiwasang mabahala tuwing napapatitig siya sa mukha nito. Tulad kasi kaninang tumutugtog ang mga ito, para pa rin itong may tinatakasan base sa ekspresyon ng mukha nito.

Nakatitig pa rin siya rito nang bigla itong lumingon sa kaniya. Bahagya siyang napaatras at nag-init ang mukha niya dahil sigurado siyang nahuli siya nitong nakatitig dito. "Hey, ayaw mo ba talaga maglaro?" tanong nito. Noon lamang niya napansing tapos na ang nilalaro nito.

Umiling siya. "Hindi ako marunong," aniya rito.

Tila nag-isip ito at tumayo. "Tuturuan kita. Ano bang madali?" kausap nito sa sarili at nagpalinga-linga. Nang tila may nakita ay tumingin ito ulit sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Alam ko na. Tara," aya nito. Her stomach fluttered when he suddenly grabbed her hand. Muntik na yatang kumawala sa ribcage niya ang puso niya nang madama niya ang mainit at malaking kamay nito sa kaniya.

Hinatak siya nito patungo sa car racing game at pinaupo siya sa harap ng manibela. Pagkatapos ay pumuwesto ito sa bandang likuran niya pagkatapos nitong maghulog ng token.

"Teka hindi ko alam 'to," reklamo niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa pagkataranta at sa nerbiyos dahil sa paghawak nito sa kamay niya kani-kanina lang at sa sobrang lapit nito. Halos nadadama pa niya ang init ng katawan nito sa likuran niya.

"Tuturuan kita," confident na sabi nito. Dahil ang ulo nito ay nasa tuktok ng ulo niya ay naramdaman niya ang pagdampi ng hininga nito roon. Tila siya nakuryente dahil doon. At nang hawakan nito ang mga kamay niya at ipuwesto sa manibela at simulan siya nitong turuan ay halos magwala ang puso niya. Masyado itong malapit sa kaniya at kung magtatagal pa silang ganoon ay baka atakehin na siya sa puso.

Maya-maya pa ay naglalaro na siya habang ang mga kamay nito ay nakapatong sa mga kamay niya at ginaguide siya. His hands were firmly holding hers. Dahil masyado siyang aware dito ay hindi naman niya magawang magconcentrate sa laro kaya halos ito lang din ang naglaro niyon habang hawak ang kamay niya. Pigil niya ang paghinga at paminsan minsan ay mariing napapapikit. Lord kung panaginip lang talaga ito huwag muna sana akong magising!

"MUKHANG uulan," wala sa loob na naiusal ni Rick habang nakatingala sa walang bituing kalangitan. Pagkatapos ay uminom siya sa beer in can na hawak niya.

"Oo nga," sagot ng babaeng kasama niya.

Nilingon niya ito. Nakatingala rin ito sa langit. Nakaupo sila sa gilid ng kalsada sa labas lamang ng arcade kung saan sila naroon kanina. Nalaro na nila lahat kaya nag-aya na siyang lumabas. Sa pagkakatanda niya high school pa siya nang huli siyang pumasok ng Arcade. Nahinto iyon noong nagsimula siyang ma-hook sa drums. Mula noon ay sa studio na ang laging tambayan niya.

Dumaan sila sa malapit na seven eleven at bumili ng isang dosenang beer in can kahit nagrereklamo ito sa dami niyon. Dahil may ilang tao roon na nakakilala sa kaniya ay mabilis na niya itong hinatak palabas. Nakadikit pa rin kasi sa salaming pader ng convenience store ang malaking poster ng nagaganap na Rock Festival kung saan ang larawan nilang banda ang pinakamalaki.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon