Our Song - Part 9

2.9K 120 3
                                    

"SO, ANO iyong gusto mong sabihin sa akin dad? It has been years since you last asked me to come and talk to you," bungad ni Rick sa kaniyang ama nang dumating siya sa opisina nito sa Diamond Records.

Prente itong nakaupo sa likod ng malaking lamesa nito at mukhang hinihintay na talaga ang pagdating niya. Ang itsura nito ay tulad pa rin ng kung paano niya ito huling nakita noon. He still dresses so flashily as he did when he was younger. Ni hindi mapaghahalataang lampas singkuwenta na ang edad nito. Kahit sino hindi magdadalawang isip na ito ang presidente at may-ari ng pinakamalaki at pinakamatandang Record Label sa bansa.

Nagmula ang kaniyang amang si Romano Hernandez sa isang mayamang pamilya. Noong kabataan nito ay nahilig ito sa entertainment business ngunit walang talento sa musika o pag-arte. At dahil nga mayaman ito ay nagtayo nagdesisyon itong magtayo ng isang Recording label - ang Diamond Records.

Bukod doon ay kilala rin ito noon na magaling na handler ng mga artista at singer na talaga namang nagsipagsikat ng husto. Mabilis ring nakilala at lumaki ng husto ang kumpanya nito. Kung wala kasi itong talent sa entertainment ay henyo ito pagdating sa negosyo at promotions. Halos lahat ng mga aspiring artists ay nais mapunta sa kamay nito dahil alam ng mga ito na sigurado ang pagsikat ng mga ito.

Isa ang kaniyang ina na si Angeline Laroya sa naging pioneer artist ng Diamond Records. Tinaguriang may Angel's voice hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa Asya noong eigthies, kilala ang kaniyang ina bilang ang sikat na mangaawit na si Angela. Naging manager nito ang kaniyang ama at ayon sa mga mga taong nakapaligid sa mga ito ay nauwi sa malalim na pagtitinginan ang propesyunal na relasyon ng mga ito at sa kalaunan ay nagpakasal. Nang mabuntis ang kaniyang ina sa kaniya ay tuluyan na nitong iniwan ang industriya at dinedicate na lamang ang panahon sa kaniya at sa asawa nito. Iyon ay ayon sa mga narinig niya dahil kahit kailan ay walang nagkuwento isa man sa mga magulang niya nang tungkol sa buhay ng mga ito noon. Tuwing sinusubukan niyang tanungin ang kaniyang ina dati ay ang pareho lang palagi an g sinasagot nito.

"It was a relationship bound to fail even before we got married. Mahirap panatilihin ang isang relasyon kung nagsimula sa propesyunal na samahan lalo na sa industriyang ginagalawan namin. We always need to choose between relationship and carreer. Bago kami magpakasal napakarami pa naming dinaanang hirap to the point that I thought we will end up breaking up. Kaya nang magpakasal kami akala ko okay na ang lahat. I choose to leave the industry and live peacefully. I thought the days to come will be perfect.

"Pero minsan dahil palaging kayo lang ang magkasama you think the concern you have for the other person and vise versa is love. Pero hindi iyon ganoon. I realized it whenever I see him care for his other talents too. Simply caring and wanting to be close to a person doesn't mean its love, at least on his part."

Sa tuwing sinusubukan niyang magtanong pa ay hindi na ito sasagot at mag-iiba na ng usapan o kaya ay magsasabing may gagawin pa ito. Hanggang sa mga oras na iyon ay nakatanim pa rin sa isip niya ang mga salitang iyon. At habambuhay na yatang hindi iyon mawawala.

"I just think it's about time to convince you again to seriously take over the company. I'm not getting any younger and I think it's about time for me to retire," panimula nito na nagpabalik sa lumilipad niyang isip.

Hindi niya napigilan ang mapait na ngiti. "Why? Tired of playing around already?" malamig na tanong niya rito.

Saglit na hindi ito nakasagot at bahagyang napahawak sa batok. Bahagya siyang nakaramdam ng inis na saglit niyang nakita ang sarili niya rito. As much as he hates it, he has the exact physical features as his father. Pati mannerisms niya kung minsan gaya ng mga oras na iyon ay nakikita niya rito. "I could not believe my own son believes in gossips," naiiling na sabi nito.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon