A Love Bloomed In SY '99 - Part 10

3.1K 134 1
                                    

TARANTANG lumabas ng kuwarto niya si Ritzi bitbit ang school bag niya. Mabilisan din siyang naligo at nagayos. Tinanghali siya ng gising. Paano naman kasi ay halos umaga na siya nakatulog. Paulit-ulit kasing nagpe-play sa isip niya ang nangyari ng nakaraang araw, at si Jeff. Pagkatapos nilang panoorin ang sunset ay magkahawak kamay pa silang naglakad-lakad doon bago sila umuwi. Hinatid pa siya nito sa tapat ng bahay nila. Bigla na naman tuloy siyang napangiti kahit malelate na siya anumang oras.

Patakbo siyang bumaba ng hagdan. "Mommy! Aalis na po ako!" malakas na paalam niya habang isinusuot ang sapataos niya.

"Ritzi, hindi ka ba muna mag-aalmusal?" tanong nitong lumabas mula sa kusina. Naka puting uniform na ito. Nurse ang mommy niya.

"Hindi na po baka malate ako kapag kumain pa po ako," sabi niya. lumapit na siya rito at humalik sa pinsgi nito. "Say to daddy I love him bye!" aniya at lumabas nang bahay nila.

Natiglan siya nang paglabas niya ay may makita siyang nakatayo sa labas ng gate nila. Si Jeff. Sumasal ang tibok ng puso niya at lumakad palapit doon. Nang marahil ay maramdaman nito ang presensya niya ay lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"Good morning," bati nito.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya kasabay ng paglabas niya sa gate.

Nagkibit balikat ito. "Hindi naman masyado. Let's go," nakangiting sabi nito.

Bigla naman siyang nakonsiyensya. Madadamay pa ito sa pagiging late niya. Sa eskuwelahan nila ay nakakahiya kapag na late ang estudyante. Paano kasi ay walking distance lang mula sa mga tinitirhan nila ang paaralan nila. Ang ibang estudyante ay inihahatid pa ng mga sasakyan ng mga ito. Siya ay hindi nagpapahatid. Magandang training kasi ang paglalakad para sa kanya. At mukhang ganoon din si Jeff.

"Hindi mo na sana ako hinintay. Tingnan mo nga malelate na ako. Malelate ka rin," sabi pa niya rito.

"Mas gusto ko ng malate na kasama ka kaysa pumasok ng maaga na hindi," tila walang anumang sabi nito. Pagkatapos ay bigla nitong ginagap ang kamay niya at nakangiting tumingin sa kanya. "Besides, hindi naman tayo malelate. Tatakbo tayo," sabi nito at bigla siyang hinatak patakbo.

Natawa siya. "Praning ka!" pasigaw na sabi niya ngunit nakitakbo naman. Malakas itong tumawa na parang aliw na aliw. Nangingiting napatingin siya sa likod nito, pagkuwa'y sa kamay nitong hindi bumibitaw sa kamay niya. Her heart swell. Iyon na yata ang pinakamasayang pagpasok niya sa school.

PAREHO pang hinihingal si Ritzi at Jeff nang makapasok sila sa gate ng eskuwelahan nila. Hindi sila nalate. Katunayan ay may limang minuto pa bago isasara ang gate sa mga estudyanteng malelate.

"Ang bilis mong tumakbo!" hinihingal pa ring bulalas ni Jeff.

Nakangiting nilingon niya ito. "Talaga," proud na sagot niya. Paano, ang kanilang pagtakbo ay nauwi sa karera. At habang tumatakbo sila kanina ay tawa sila ng tawa. Tuloy halos kapusin na sila ng hininga nang makarating doon.

Dumeretso na ito ng tayo at lumapit sa kanya. "Matatalo rin kita sa susunod," sabi nito.

Tumawa siya. "Tingnan natin," aniyang nagsimula ng lumakad. Nangingiting umagapay ito sa kanya.

Hindi pa sila nakakalayo at nakarinig na sila ng malakas na sipol kasabay ng pagtawag sa pangalan nilang dalawa. Nang mapalingon sila ay nakita nila ang mga teammates nito na nakatambay sa ilalim ng flagpole. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin sa kanila. Parang alam na niya ang sasabihin ng mga ito.

Tumingin sa kanya si Jeff. "Nasabi ko ba sa iyong malakas silang mangasar?" mahinang tanong nito.

Tipid siyang ngumiti. "Hindi. Pero alam ko naman. Remember magkakasama tayo nag tetraining?"

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon