A Love Bloomed In SY '99 - Part 18

2.9K 125 3
                                    

KANINA pa palinga-linga si Ritzi sa paligid. Iyon ang araw ng surfing competition. Mas marami nang tao sa beach kumpara kahapon. Maraming naggagandahan at nag guguwapuhang lalaki ang nagkalat roon. ngunit wala sa mga ito ang atensyon niya. Abala siya sa paghanap kay Jeff na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya nakikita.

"Parang hindi ko pa yata nakikita si Cardenas," puna ni Ernest na nasa tabi niya.

Nilingon niya ito. "Oo nga eh. Bakit kaya? Kasali siya sa competition pero wala pa siya," nag-aalalang sabi niya. Nasaan na kaya si Jeff? Hindi kaya tinanghali ito ng gising?

"Why don't you call his cell?"

Natigilan siya. Come to think of it, she doesn't know his cellphone number! But then, it never crossed her mind that she would need his number. Alam kasi niya na magkikita sila kinabukasan. Besides, he never asked for hers too.

"So? Call him already at nahihilo ako sa paglingon lingon mo," untag sa kanya ni Ernest.

Huminga siya ng malalim. Mas makabubuti kung hindi na lamang niya sasabihin kay Ernest ang tungkol doon. It would be awkward. Kaninang madaling araw lang ay binibuild up niya si Jeff dito at ngayon ay sasabihin niya iyon?

Nakangiting umiling na lamang siya. "No need. Siguradong darating na rin yon maya-maya. O baka naharang ng press o ng kung sino kaya hindi ko siya makita. Teka, sabi mo ipapakilala mo sa akin ang mga member ng fitness Center mo hindi ba?" pag-iiba niya sa usapan.

"Oh right. Let's go. Marami rito ang member natin. At yung mga hindi pa we'll make sure na magiging member sila," sabi nito na hinawakan na siya sa braso at inilibot sa paligid.

Ngunit kahit na may mga kausap sila ni Ernest ay hindi niya pa rin maiwasang igala ang paningin sa paligid. Nagbabakasakaling makita niya si Jeff.

"Ritzi, I am starting to get irritated with what you are doing," puna ni Ernest sa kanya nang makalayo ang mga kausap nila.

Tiningala niya ito. Nakakunot na ang noo nito. Apologetic na ngumiti siya. "Sorry."

Bumuntong hininga ito. "Well, since ngayon lang kita nakitang nagkaganyan dahil sa isang lalaki ay pagbibigyan kita. But remember that we are already working now Ritzi."

Tumango siya. "I understand. Sor –" Naputol ang akmang paghingi niya ng paumanhin nang lumampas ang tingin niya rito at makita niya ang kanina niya pa hinahanap – si Jeff.

Ngunit tila may bumikig sa lalamunan niya nang makitang may akbay akbay itong maganda at napaka sexying babae. And he was laughing with her. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang braso nitong nakaakbay sa babae sa baywang ng huli. Then he leaned close to her ears and whispered something.

Parang may kung anong tumarak sa dibdib niya sa ginawi nito. What was that about? Hindi ba kagabi lamang ay magkasama sila? She tought they were already okay. Na magsisimula na silang muli? So why? Why is he with someone else now?

"Hey Ritzi. What's happening to you? Namumutla ka," pukaw sa kanya ni Ernest na bahagya pa siyang niyugyog. Saglit lamang niya itong sinulyapan bago muling tumingin kay Jeff at sa babaeng kasama nito. Naramdaman niya ang paglingon ni Ernest sa tinitingnan niya at ang marahas na pagmumura nito. "What the hell is that bastard doing?" he angrily hissed.

"I... don't know," mahinang sagot niya habang nakatitig pa rin kay Jeff. bahagyang tumalon ang puso niya nang bigla itong bumaling sa gawi nila ni Ernest. Their eyes met. Inaasahan niya na magugulat ito na makita siya at mabilis na lalayo sa babaeng nakadikit dito. but he didn't even flinched. He just stared back at her with disgust on his face. Ni hindi nito inabala ang sariling ialis ang kamay sa baywang ng babae. It was as if he was intending to make her see it.

Bago pa siya makahuma ay inalis na nito ang tingin sa kanila at nagsimulang lumakad kaagapay ang babae. Napakurap siya. "Wait Jeff!" hindi niya napigilang tawag rito. But he didn't even bother to look her way. And it was painful. Gusto niyang itanong rito kung ano ang nangyari. Ngunit tila nawala ang boses niya nang hindi ito lumingon sa kanya. Bigla pakiramdam niya ay ipinako siya sa kanyang kinatatayuan.

Muling nagmura si Ernest. "Malilintikan sa akin ang lalaking iyon," sabi nito at nagsimulang lumakad pasunod kay Jeff.

Noon siya natauhan. "No Ernest," saway niya rito kasabay nang paghawak niya sa braso nito.

Bakas ang galit sa mukha nito nang lingunin siya nito. "What do you mean no? He was flirting with another woman! You are not a masochist are you?" galit na sabi nito.

Bumuntong hininga siya upang kahit papaano ay kalmahin ang sarili niya. "No, of course not. Pero maraming tao rito. it might affect your business kung gagawa tayo ng eksena."

Marahas itong nagbuga ng hangin. "You should not be thinking about that at this time Ritzi. Be a little aggressive. Claim what is yours okay? Geez when did you became like that?" frustrated na sabi nito.

Bumuntong hininga siya. "I- I'll talk to him after the competition. I just don't want to drag you in this. I'll ask for an explanation later," sabi na lamang niya.

Ngunit ang totoo ay gusto lang muna niyang umipon ng lakas ng loob upang komprontahin si Jeff. Ayaw man niya, ngunit nakakaramdam siya ng kaba sa maaring isagot nito sa kanya.

Napatingala siya kay Ernest nang maramdaman ang pagtapik nito sa braso niya. "Fine. I respect your independence on that matter. Pero kapag hindi ako nakapagpigil ay ako na ang haharap sa lalaking iyon."

"Ernest," angal niya.

He sighed. "I get it. Let's go," anitong hinatak na siya patungo sa parte ng beach kung saan gaganapin ang competition.

She tried her best to act as if she was okay. Ngunit hindi niya mapigilang pasimpleng igala ang paningin sa paligid. At sa tuwina ay palagi niyang nakikita si Jeff na may kasamang babae. Minsan ay mga babae pa. All the time she keeps on trying to met his gaze. But he never looked at her again.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon