"MAY pinaiyak na naman ang estudyante mo?" tanong ni Bianca.
Tumango siya.
"Mukhang heartbreaker yan paglaki." natatawang komento nito.
"I think it's a serious matter Biancs. Tuwing sinusubukan siyang kaibiganin ng classmates niya lalo na kapag babae pinapaiyak niya," naiiling na kwento niya.
"Baka naman hindi pa kasi siya sanay."
"Nakaka limang meetings na kami na kasama siya. Imposible namang hindi pa siya sanay."
"Anong plano mo?" muling tanong ni Bianca.
Napabuntong hininga siya. "I'll talk to his uncle as soon as possible."
"hmm.."
Nilingon niya ito. "Anong 'hmm'?"
Pilya itong ngumiti. "If ever kasi ngayon palang uli kayo magkakaharap ni Lloyd. Ikaw kasi tuwing siya ang naghahatid o nagsusundo kay Mark nagtatago ka dito sa office."
Nag-iwas siya ng tingin. "Palagi lang akong may ginagawa. Besides, hindi naman big deal kung magkita kami o hindi."
"Okay." anito na nakatingin pa rin.
"JANICE, ang tagal na kitang hindi nakikitang ganyan." pukaw sa kanya Elena.
"What do you mean?" hindi tumitinging tanong niya rito.
"You look so disappointed."
Hindi siya nakasagot. Ipinagpatuloy niya ang pagtanaw kay Mark habang inaalalayan ng yaya nito sa pagsakay sa sasakyan ng mga ito.
"Hinihintay niya kasi ang makisig na tiyuhin ni Mark. E hindi dumating." sagot ni Bianca.
"Ow?" nag-iba ang tono ng boses ni Elena.
"Kailangan ko lang siyang kausapin dahil kay Mark." aniya.
"You don't have to sound so defensive." may panunudyo na naman sa boses ni Bianca.
"I'm not defensive." sabi niya at pumasok na sa loob upang makaiwas sa pangbubuyo ng mga ito. At ano naman kasi ang inaasahan niya? Na palaging si Lloyd ang susundo sa pamangkin nito? Sigurado namang abala rin ito sa ibang bagay. Yet, deep inside, she feels disappointed.
Nakahanda na siya para sa pag-uwi ng lapitan siya nina Bianca at Elena. "Bakit?" tanong niya.
"Huwag ka munang umuwi. Samahan mo muna kami." aya ni Bianca.
"Saan?"
"Bibilhan ko kasi ng violin yung pamangkin ko. Yun ang birthday wish e."ani Elena.
Saglit siyang nag-isip. "Sige na nga. Saan ba?"
"Sa Alcaraz Instruments. Malapit lang iyon dito e. let's go!"
SA mga violin kaagad sila dumeretsong magkakaibigan. Mas malaki sa karaniwan ang Music Shop na iyon. May tatlo ring empleyado. Maraming nakadisplay na instrument. Mga iba-ibang klase ng gitara, drum sets, violin. Flute at maging key boards.
Pinagsalikop ni Janice ang mga braso sa harap ng dibdib habang pinapanood sina Bianca at Elena sa pagpili ng violin.
"Ang ganda nito." anas ni Elena. Kinuha nito ang isang violin at sinipat. Kahit siya ay napalapit. Agad nahagip ng mga mata niya ang tagprice.
"Ang mahal niyan." angal niya.
"Ay oo nga. Hindi kaya ng konsiyensya kong bumili ng ganito ka mahal."
Isa sa mga pagkakapareho nilang magkakaibigan ay matipid sila sa pera. Mas masasabing kuripot sila. Kahit noon hindi sila gumagaya sa ibang may pera na laging sunod sa uso.
"I can give you a discount."
Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Nahigit ni Janice ang hininga. Sabay na bumungisngis si Elena at Bianca kasabay ng pagbati sa binata. Siya naman ay hindi alam kung paano mag-rereact. Bakit ba tuwing nakikita niya si Lloyd ay laging hindi siya handa? Pero teka, bakit kailangan niyang maging handa?
"Hi. What a coincidence. Dito niyo pa naisipang bumili. At dahil mababait kayo at magaganda bibigyan ko kayo ng magandang discount. Hi Janice." baling nito sa kanya.
"Anong ginagawa mo rito." tanging nasabi niya.
"I own this place." simpleng sagot nito.
"You mean, lahat ng Alcaraz Instruments?" tanong ni Bianca.
"Yes."
"Wow." sabay na komento ni Elena at Bianca.
Ngumiti si Lloyd pagkuwa'y muling bumaling sa kanya. "Kamusta? Ang tagal nating hindi nagkita a."
Hindi siya nakasagot.
"Ay oo nga pala. May gusto kang sabihin kay Lloyd diba?" tanong ni Bianca sa kanya.
Bigla niyang naalala si Mark. "Oo." Bumaling siya kay Lloyd na nakangiti pa rin. Naramdaman niya ang paglayo ng mga kaibigan niya. Gusto niyang pagalitan ang mga ito.
"Anong gusto mong sabihin sa akin?" nakangiting tanong ni Lloyd.
She tried to focus all her attention to him but when she saw his wide smile she realized she can't. Palihim siyang huminga ng malalim bago nagsalita. "It's about Mark. Palagi kasi siyang may inaaway na classmate niya especially girls." imporma niya.
"A. huwag mong masyadong problemahin iyon Janice." balewalang sagot nito.
Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Bakit hindi ko poproblemahin? I'm his teacher."
"Alam ko naman iyon Janice. But don't worry. Hindi talaga bayolente ang pamangkin ko. Mapili lang talaga iyon sa taong kasama lalo na sa babae. Mana sa akin iyon e." natatawa pang sabi nito.
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. Malawak na naman itong ngumiti. "Pwede mo naman akong tanungin kung anong ibig kong sabihin. Sasagutin ko naman lahat ng tanong mo."
Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi naman halata." hindi niya napigilang ibulalas.
"Hindi halata na ano? Na mana sa akin ang pamangkin ko?"
"Na mapili ka sa babae." sinalubong niya ang tingin nito.
Saglit itong natigilan bago natatawang umiling. "Bakit naman ganyan ang tingin mo sa akin?"
Bigla naman siyang nahiyang sagutin ito. Ngunit nagkalakas loob din siya. "Kung mapili ka talaga sa babae bakit ganyan ka makitungo sa akin? Babae ako."
Bahagyang nawala ang ngiti nito. Bigla tuloy siyang kinabahan. Matagal itong tumitig sa kanya bago ito nagsalita. "Gusto mo ba talagang sagutin ko yan?"
Hindi na naman niya nakayang salubungin ang tingin nito. Bakit ba siya kinakabahan kapag nasa paligid ito? Hindi niya iyon naramdaman kahit kailan. Kahit kay Daniel. Teka, hindi niya dapat kinukumpara si Daniel dito.
"Janice?" tawag nito sa kanya.
"You don't have to answer my question. Sige, mauna na ko, mukhang tapos ng bumili ang mga kaibigan ko." paalam niya. Bago pa ito sumagot ay tumalikod na siya at mabilis na lumabas ng shop.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...