Part 2

3.8K 130 5
                                    

HINILAMUSAN ni Audra ang mukha niya. Kanina pa kasi sumasakit ang mga mata niya. Naipagpasalamat niyang dinig man ang tumutugtog sa banyo ay hindi na iyon kalakasan. Kasi naman, malapit masyado sa stage ang piniling lamesa ni Lyka.

Napatitig siya sa repleksyon niya. Narealize niya na hindi na pala maayos ang pagkakapusod ng alun-alon niyang buhok. Napabuntong hininga siya at tuluyan na iyong inilugay. Natigilan siya nang mapansin naman niya ang suot nya. Hindi talaga siya bagay sa lugar na iyon na lahat ay tulad ni Lyka na mapoporma. Sana lang ay maipakilala na agad ni Lyka ang kasintahan nito para makauwi na siya. Tinapunan niya ng tingin ang sarili bago tumalikod sa salamin.

Bubuksan na niya ang pinto nang matigilan siya. Iba na ang tinutugtog ng banda.

"I've been waiting for so long. To get to know and see you. I didn't know what went wrong. Black sky turned to blue. As you set me free..." awit ng malamig ngunit buong-buong boses na iyon.

Lalo siyang napako sa kinatatayuan niya nang marealize niya na iba na ang kumakanta. Her heart contracted and started to beat faster. What's happening to her? Litong napahawak siya sa dibdib niya. Awtomatikong tila mas tumalas ang pandinig niya.

"I wanna feel everything. Though they disturbed my mind. I wanna see everything. Till I go out of sight. Till I can not breathe..."

The man's voice is cold and somewhat sensual. Sensual? It was the first time she used that term to anything, especially to someone's voice. Kung tutuusin ay parehong maganda ang boses nito at ni Lloyd. Ngunit bakit ang lalaking ito ay nagagawang pabilisin ang tibok ng puso niya?

Mabilis siyang lumabas ng banyo at tumingin sa stage. Kahit sa layong iyon ay naaaninag niyang matangkad na lalaki ang kumakanta. Mas maiksi ng di hamak ang buhok nito kaysa kay Lloyd ngunit bahagya rin iyong magulo. Ngunit kataka-takang hindi iyon pangit tingnan. Normal na maong pants at t-shirt lamang din ang suot nito, di tulad ni Lloyd na itim ang lahat ng suot. Ngunit sa kabila ng kasimplehang iyon ay naroon pa rin ang aura nitong hindi maipagkakaila. He really looks like a rockstar.

Bahagyang naningkit ang mga mata niya dahil hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. She slowly walked closer while her eyes are still fixed on him and her ears intently listening to his song.

"I'll be around. Wherever you go. I'll be around. When the time comes. If there's no one there for you. I'll be around" patuloy nito sa pag-awit.

Nang makabalik na siya sa lamesang inookupa nila ay nahigit niya ang hininga. Dahil sa pwestong iyon ay malinaw niyang nakikita ang mukha nito. He looks like an angel. It was then she realized that he is not just good looking, he's gorgeous.

Ang buhok nito ay bahagyang alun-alon, kaya pala sa malayo ay mukha iyong magulo. Matangos din ang ilong nito at manipis ang mga labi. Makapal ang mga kilay nito na pinaresan ng mga matang manaka-nakang pumipikit habang kumakanta. Wala ring hindi magsasabing may lahi itong banyaga. Masyado itong mukhang mestizo para para maging purong Pilipino.

Para tuloy siyang timang na nakamaang lamang habang nakatingin dito. It was the first time she felt like it. It's as if all her senses failed to function because of the fast beating of her heart. She doesn't believe in love at first sight. But now she knew... it really happens.

Bahagya siyang napaatras nang bigla itong bumaling sa panig niya. Her eyes met the gaze of the most beautiful and expressive eyes she had ever seen in her life. Then, time stood still for her.

KUNG kanina ay natutulala siya sa pagkakatitig sa lalaki, ngayon ay nakakaramdaman na ng inis at pagkapahiya si Audra. Dahil mula ng magsalubong ang kanilang paningin ay tila hindi na nito inalis sa kaniya ang tingin nito. Kung minsan man na inililihis nito ang tingin ay muli rin iyong bumabalik sa panig niya. It was so embarrassing.

Nahihiyang mabilis siyang napaupo at napayuko. Ano ba kasing nangyayari sa kanya at kung makatitig siya rito ay parang ngayon lang siya nakakita ng lalaki? This is so not you Audra. Kastigo niya sa sarili. Marahil iniisip nito na nagpapahiwatig siya rito at easy to get siya kaya ganoon na lamang ito makatingin.

Pasimple niya itong muling tiningnan. Her heart leapt. The man is still staring at her! Bakit ba ito ganoon? Oo nga at siya ang unang tumingin dito ngunit hindi ba nito naiisip na baka may audience na makapansin sa tinitingnan nito? Sa naisip ay pasimple niyang iginala ang paningin sa paligid. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang tila wala namang ibang nakatingin sa kanya. Maliban sa lalaking iyon.

Teka, paano kung hindi naman siya ang tinitingnan nito? Baka may kakilala ito sa likuran niya at ang mga ito ang tinitingnan nito at aksidente lamang ang pagkakasalubong ng mga mata nila kanina. Imposible naman kasi talagang siya ang tinitingnan nito. Dahil hindi tulad ng matalik niyang kaibigan, ang itsura niya ay hindi naman talaga makatawag pansin.

Malabong ang katulad nitong lalaking mukhang anghel sa kaguwapuhan ay pagtutuunan siya ng pansin. Ngunit himbis na makahinga ng maluwag ay tila nanlumo pa siya sa naisip. Dahil alam niya, iyon ang katotohanan.

Nang muli siyang mag-angat ng tingin ay nakatingin pa rin ito sa kaniya. Then, he captured her gaze as he sang the bridge of the song. "When I see your eyes. I become seventeen. Find no reason why. It's the only way I feel. So alive."

Pagkuwa'y tila ngumiti ang mga mata nito na tila may nakikita itong katawa-tawa. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. Sigurado siyang pinagtatawanan siya nito. Marahil nababasa nito ang iniisip niya na siya ang tinitingnan nito kahit hindi naman. Kaya pinagtitripan siya nito ng ganoon.

Napayuko siya. Huwag ka kasing masyadong ambisyosa Audra. Yeah sure you have the brains, but that's it. It would be too much to think that he's dedicating that line to her isn't it? Hanggang sa matapos ang set ng banda ay hindi na siya nag-angat pa ng tingin. But her heart is still racing.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon