A Love Bloomed In SY '99 - Part 5

3.3K 140 5
                                    


"'LANGYA naman Jefferson, bakit ako ang kailangan mong isama rito? Sana inaya mo na lang sila Chase para hindi lang pagtugtog ang alam ng mga iyon," reklamo ni Lloyd kay Jeff habang inaayos nito ang sintas ng running shoes nito.

Hindi siya tumigil sa pagwa-warm up at nakangising tumingin sa kaibigan niya. Inaya niya ito sa isang marathon for a cause na sponsored ng sport's clothing line na kailan lang niya sinimulang iindorso. Kasama sa kontrata na dumalo siya sa mga events na sponsored iyon. Wala namang problema sa kanya iyon. He's an athlete afterall. And he loves running.

"Sunod-sunod ang mga magiging gig nila at kailangan nilang magrehearse ngayon. Besides, just think of this as our bonding moment cousin in law," nang-iinis na sagot niya rito.

Umismid ito at tumayo. Nagsimula na rin itong magstretching. "Not that I don't want to run for the sake of street children, kaso may date dapat kami ni Janice ngayon eh," pareklamo pa ring sabi nito.

Napailing siya. "Pare, kalalabas niyo lang noong isang araw hindi ba? Maghiwalay naman kayo kahit ngayon lang," buska niya rito. Natigilan ito na parang may naalala. Napakunot noo siya sa reaksyion nito. "O bakit?"

Umiling ito at ngumisi. Nakalolokong tumingin ito sa kanya. "Wala."

Lalo lang napakunot ang noo niya. Parang may laman kasi ang sinabi nito. Tatanungin pa sana niya ito nang may mahagip ang mga mata niya sa bandang likuran ni Lloyd. Awtomatiko siyang napahakbang patungo sa direksyon na iyon upang siguruhin kung sino ang nakita niya. Ngunit mabilis itong nawala na parang isa lamang aparisyon. Yet he could not shrug it off just like that. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ito.

Napaigtad siya nang may kamay na biglang tumapik sa braso niya. "Huy Jeff, anong nangyari sa iyo? May nakita ka na namang babaeng maganda at sexy no?" pukaw sa kanya ni Lloyd.

Nilingon niya ito. Pilit na ngumisi siya. "Yeah. Kaso nawala eh," sabi na lamang niya.

Pumalatak ito. "Ikaw talaga. May naghahanap sa iyo. Ewan ko kung taga anong channel. I-interviewhin ka daw. Naka naman sikat ka na 'pre," buska nito sa kanya.

Inumbagan niya ito. "Shut up," sabi niya at iniwan na ito. Namataan niya ang television crew na tinutukoy nito. Lumakad siya patungo roon.

Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa si Lloyd kung sino ang nakita niya. It would be hard for him to tell lies this time. Mapait siyang napangiti. Why is he being worked up like that anyways? Why does he suddenly have the urge to run to that direction to make sure it's not just a mere work of his imagination?

Isa pa ay malaki ang posibilidad na ibang tao nga iyon. There is no way it's her. She's on the other part of the globe in the first place. Besides, even if it was her, why would he care?

WOW, ang daming tao. Marami pala talagang mahilig tumakbo rito," manghang usal ni Ritzi habang inililibot ang paningin sa paligid habang nag i-stretching. Marami nang taong iba-ibang edad ang kasalukuyan ring nag i-stretching na gaya niya.

"Yep. And this is for a cause too," sagot ni Ernest na nasa tabi niya at kasalukuyang nag wa-warm up.

Napangiti siya. Kaya pala siya nito sinabihang dapat may running shoes siya. Iyon pala ay aayain siya nito sa marathon for a cause. Wala namang problema iyon sa kanya. She loves running. Bata pa lamang siya ay gustong gusto na niyang tumatakbo.

"Ang tagal na ng huli akong sumali sa ganito," komento niya.

"And many more to go. Dahil sa akin ka na magtatrabaho ay irerequire kitang samahan ako sa mga ganitong lakad," sagot nito.

Natatawang nilingon niya ito. "Next time girlfriend mo ang ayain mo sa mga ganito."

Nagkibit ang balikat nito. "Relationship like that is just a bother. Puwede ko namang makuha ang gusto ko sa babae ng hindi kailangan ng label na ganyan, Besides the reason why I love joining these types of events is because I want to relax. At hindi ako makakapagrelax kung may kasama akong babaeng masyadong clingy," balewalang sabi nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Sinusumpong na naman kasi ito ng machismo nito. Noon tuwing nararating nila ang ganoong usapan ay magdedebate na sila. May pagka feminist kasi siya. Minsan tuloy hindi niya alam kung paano sila naging magkaibigan.

Sasagot pa sana siya nang may mahagip ang mga mata niya. Biglang kumabog ang dibdib niya. Nanlalaki ang mga matang lumakad siya palapit sa direksiyon kung saan niya ito nakita. Ngunit nawala na ito. Nagpalingalinga siya sa pagbabakasakaling makita uli ito, but she failed. She painfully sighed. It must be just her imagination. But it is also possible that it was him. She knows he loves running too.

Naramdaman niya ang paghawak ni Ernest sa braso niya. "Ritzi, may problema ba?" kunot noong tanong nito.

Hinarap niya ito at pinilit na ngumiti. "I'm okay. I just thought I saw someone I know."

"Oh? Pero sa dami ng tao maliit ang posibilidad na magkita kayo."

Bumuntong hininga siya. "I know. Never mind," sabi na lamang niya upang matapos ang usapan.

Tumango naman ito. "Let's go. The race is about to begin," anito at hinatak na siya patungo sa track.

KANINA pa nagsimula ang marathon. Ilang kilometro na rin ang natatakbo ni Ritzi. At kanina pa rin siya palinga-linga, nagbabakasakali na makita uli ang nakita niya kanina.

"Hey, bakit kanina ka pa palinga-linga diyan? Come on Ritzi get serious," pukaw sa kanya ni Ernest na hindi umalis sa tabi niya habang tumatakbo sila. Pawisan na ito na gaya niya at bahagya na ring hinihingal.

"I'm looking for that someone I thought I saw a while ago," hinihingal na rin na sabi niya.

Kumunot ang noo nito. So, nakita mo ba?"

Nakangiting umiling siya. "Hindi nga eh. So it must be my imagination," kaswal na sagot niya. iniwas na lamang niya ang tingin dito at tumingin sa harapan niya.

She focused on the track ahead of her and ignored all there is around her. Dapat nga na magfocus na lamang siya sa race. Nagbuga siya ng hangin at bahagyang binilisan ang pagtakbo. Nang kalahating kilometro na lamang siya sa finish line ay itinodo na niya ang bilis niya. Itinutok niyang mga mata niya sa finish. Until she reached it.

"There goes the first place!" sigaw ng tao sa finish line.

Napabungisngis siya sa kabila ng pagkahingal. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang tuhod at hinabol ang hininga.

"There's the second place!" sigaw uli nito.

Napangiti siya. Siguradong si Ernest iyon. Nang huli siyang lumingon kanina ay ito ang kasunod niya. Dumeretso siya ng tayo at masayang nilingon ito. "I wo –" bumara sa lalamunan niya ang sasabihin niya nang makitang hindi si Ernest ang pumangalawa sa kanya.

Napatitig siya sa lalaking hinihingal pang nakatukod ang mga kamay sa mga tuhod. Tinitigan niya ito upang siguruhing hindi siya namamalikmata. Bigla itong dumeretso ng tayo at napabaling sa kanya. Tila natigilan rin ito nang makita siya.

Kung ganoon ay hindi nga siya namamalikmata. He really is Jefferson Cardenas, in flesh. And he was staring back at her. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Would he talk to her? Or would he ignore her?

Before she could decide what he will do, he started to walk towards her.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon