"ANO bang magandang panoorin?" tanong niya habang nakatingin sa listahan ng mga palabas. Tapos na ang finals week nila kaya pinagbigyan na niya si Vergel sa hiling nitong sine.
"Okay lang kahit ano," sagot naman nito. Bitbit na nito ang popcorn at softdrinks nila. Sa huli ay nagdesisyon siyang manood ng isang light drama na pelikula.
Nang nasa loob na sila ay parang nais niyang magsisi na iyon ang palabas na napili niya. Noon niya lang narealize na third week na nga pala ang pelikula. Wala na tuloy gaanong tao sa loob ng sinehan.
Pasimple niyang sinulyapan si Vergel. Tila naman walang anuman dito ang lahat. Inalalayan pa siya nitong umupo sa pwestong napili nila. Hindi pa man nagsisimula ang palabas ay nilantakan na nito ang popcorn. Nawala na tuloy ang pagkailang niya at natawa na lamang sa ginagawa nito.
"Hoy inuubos mo na iyan," saway niya rito.
Ngumisi lang ito. "Eto lang naman ang gusto ko sa sinehan. Kuha ka na," alok nito. Nahawa naman siya sa gana nito. Tuloy kalahati pa lang ng palabas ay ubos na nila iyon.
Hindi na lamang niya ito pinansin. Lamigin siya kaya pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng dibdib niya at itinutok ang atensyon sa palabas. Nadadala na kasi siya sa mga eksena. Tahimik lang din naman si Vergel sa tabi niya. Ang hula niya ay abala rin ito sa panonood.
"Grace." Maya-maya ay pabulong na tawag nito sa kanya.
Nilingon niya ito. Nakatingin lang ito sa kanya. "Ano?"
"Hindi mo man lang ba hahawakan ang kamay ko? Nilalamig na ako."
Bumaba ang tingin niya sa nakapatong na braso nito sa armrest na nasa gitna nila. Napansin niyang kalahati lamang ng armrest ang inokupa nito. Napangiti siya. Marahil ay kanina pa nito hinihintay na ipatong niya ang braso niya roon.
Pilit niyang inaninag ang mukha nito sa kabila ng dilim sa sinehan. Naaninag niya ang matamang pagtingin pa rin nito sa kanya. Nginitian niya ito at ipinatong ang braso katabi ng braso nito at hinawakan ang kamay nito. "O ayan na," aniya at muling ibinalik ang atensyon sa screen.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Pagkuwa'y naramdaman niyang inayos nito ang pagkakalingkis ng mga kamay nila at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.
Makalipas ang ilang minuto ay muli siya nitong tinawag. "Ano na naman?" Hindi tumitinging tanong niya. Hindi ito sumagot. Nilingon niya ito.
Napasinghap siya nang bigla na lamang siya nitong halikan. Hindi siya nakagalaw sa pagkabigla. Nang pakawalan nito ang mga labi niya ay natakpan pa niya ng palad niyang hindi nito hawak ang bibig niya at manghang napatitig dito. Ngumisi ito. "Ano ka ba?" pabulong na saway niya rito.
Mahina itong tumawa. "Ang boring naman kasi ng palabas. Ano ba namang klaseng monthsary yan?"
Inalis niya ang kamay sa bibig at hinampas ito. Hinuli nito ang kamay niya at muli siyang hinalikan. Hindi siya makapalag dahil hawak nito ang dalawa niyang kamay. Sa kalaunan ay hindi niya rin napigilang tugunin ang halik nito. Ngumiti ito habang nakalapat pa rin ang mga labi sa kanyang bibig. Napangiti na rin siya. Puro talaga kalokohan ang nasa utak nito. Ngayon ay alam na niya kung bakit inubos nito agad ang popcorn nila.
Muli siya nitong hinalikan. Gumanti rin siya ng halik dito. Hindi na niya naintindihan ang pinapanood nila.
GABI na nang maihatid siya nito sa dormitoryo niya. Tahimik nitong hininto ang sasakyan nito. "Babye na. Good night," paalam niya rito at tinangka ng buksan ang pinto.
Nang hindi niya iyon magawang mabuksan ay kunot noong nilingon niya ito. "Huy, bababa na ako, buksan mo na ang pinto," aniya rito.
Pinatay nito ang makina ng sasakyan at humarap sa kanya. May pilyong ngiti sa mga labi. "Wala ba akong good night kiss?"
Natawa siya. "Ang dami mo na ngang halik ngayong araw humihirit ka pa ng good night kiss?"
"Siyempre iba ang good night kiss. Mas special," nakangisi pa ring sabi nito.
Napailing siya. "Hay sige na nga. O, halik na bilis malapit na ang curfew namin," aniya at iniumang ang mukha rito.
Lumapit naman ito sa kanya at hinalikan siya. Buong puso niya iyong tinugon. Nagitla siya ng biglang naging mapusok ang halik nito. Lumapit pa ito ng husto sa kanya at hinawakan ang braso niya at bahagyang hinaplos. She gasped when she felt the tiny volts rushed through her veins. Sinabayan niya ang kapusukan nito.
Maya-maya pa ay bumaba sa tagiliran niya ang mga kamay nito. Pakiramdam niya tumayo ang mga balahibo niya sa haplos nito. Hanggang sa unti-unti iyong umakyat sa dibdib niya. Napadilat siya ng maramdaman ang marahang pagpisil nito sa kanang dibdib niya. Bigla siyang naalarma at nakaramdam ng takot. Naitukod niya ang dalawang kamay sa dibdib nito. "Vergel," saway niya rito at inilayo ang mukha rito.
Natigilan naman ito. Bahagya pa itong hinihingal at matiim na nakatitig sa mukha niya. Lalong sumidhi ang takot na nadarama niya. Napakurap ito. "Natatakot ka ba sa akin?" tanong nito ng marahil ay makita sa mukha niya ang nadarama niya.
Huminga siya ng malalim. "Hi-hindi. But I am not yet ready for this," garalgal na sagot niya.
Natigilan ito at bumuntong hininga. Lumayo ito sa kanya at umayos ng upo sa driver's seat. "I'm sorry. Hindi ko gustong takutin ka," seryosong sabi nito. Noon niya lamang ito nakitang ganoon kaseryoso.
"It's okay."
Muli itong bumuntong hininga at hindi tumitingin sa kanyang i-nan-lock nito ang pinto. "Sige na, bumaba ka na."
"O-okay," aniya at binuksan ang pinto. Nang makababa siya ay muli niya itong sinilip. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. "O-oo nga pala. Sembreak na. Kailan tayo uli magkikita?" tanong niya rito.
"Tatawagan na lang kita," anito at binuhay na ang makina ng sasakyan nito. Nang isara niya ang pinto ay pinaandar na nito ang kotse nito. Hinatid niya ito ng tanaw hanggang sa hindi na niya makita ang sasakyan nito. Muli siyang huminga ng malalim. Mabilis pa rin ang tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...