Our Song - Part 12

2.8K 104 1
                                    

NAGISING si Cham sa sunod-sunod na pagyugyog sa kaniya nang kung sino. Umungol lang siya at nag-iba ng posisyon sa kama. Inaantok pa siya at dahil day off niya sa trabaho ay balak niyang matulog hanggang tanghali. Mamayang hapon kasi ay may practice sila.

"Hoy Cham gumising ka may nagpadala ng package sa iyo," sa aandap-andap niyang diwa ay narinig niyang sabi ni Yu.

Muli ay umungol lang siya. "Mamaya ko na titingnan," mahinang sabi niya at muling tinangkang bumalik sa pagtulog.

"Ang nakalagay na pangalan ng sender ay Rick Hernandez. Sino bang Rick ang kilala mo?" narinig naman niyang tanong ni Stephanie.

Nagising ang diwa niya sa binaggit nitong pangalan. Awtomatiko siyang napadilat at napabangon. Nakita niya sa tabi niya si Yu habang si Stephanie naman ay nasa bungad ng pinto. Hawak nito ang isang may kalakihang envelope at bahagya pa iyong iwinagayway. "G-galing kay Rick iyan?"

Narinig niya ang pagtawa ni Ginny mula sa labas ng pinto bago niya ito nakitang sumilip. "Yu, dapat kasi kanina mo pa binaggit ang magic word para hindi ka napagod gisingin si Cham."

Umingos si Yu at tumayo na. "Tingnan mo kung ano ang pinadala niya sa iyo."

Napangiti na siya at excited na lumapit kay Stephanie para kuhain ang envelope. Mabilis na binuksan niya iyon. Tuluyan na siyang napatili nang makita ang laman niyon. "VIP tickets! At..." nanlaki ang mga mata niya nang makita ang limang tila i.d "Backstage pass!" Napahalakhak siya sa tuwa.

"Naloka na si Cham. Hanggang sa kusina dinig ang tili mo," puna sa kaniya ni Anje na pumasok na rin sa kuwarto upang marahil ay makiusyoso.

Malawak na nginisian niya ang mga ito. "Magpasalamat kayo sa akin makakanood kayo ng concert ng libre," biro niya.

Natawa ang mga ito. "Oo na. Pero kung hindi pa natin nakita si Rick noong isang linggo at hindi namin nakitang nag-usap kayo, balak mo talagang huwag sabihin sa amin na magkakilala kayo?" nakapamaywang na tanong ni Yu.

Tulad ng inaasahan niya, nang umuwi siya nang araw na makita niya ulit si Rick ay naghihintay ang mga ito sa kaniya. Dahil alam niyang hindi na siya lulubayan ng mga ito ay sinabi na niya sa mga ito ang totoo. "E kasi nga akala ko hindi niya ako matatandaan," giit niya.

Ngumiti si Anje. "May punto naman si Cham. Pero at least alam mo na hindi ka niya nakalimutan at tingnan mo nga ang bait-bait niya sa iyo. Isnt it a dream come true for Cham? May pag-asa nang magkaroon ng kahahantungan ang sobrang tagal ng infatuation mo kay Rick. Hindi na siya kasing unreachable na gaya ng dati para sa iyo."

Napahagikhik siya sa sinabi nito. Noon naman nagring ang cellphone niya. Tumalon ang puso niya at nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang ring tone na inilaan niya para kay Rick. Tarantang sinagot niya iyon. "Hello?"

"Good morning," bati ng baritonong tinig ni Rick sa kabilang linya. Kahit hindi niya ito nakikita ay nakikinita niya ang ngiti sa mga labi nito. May humaplos na init sa dibdib niya. Napaupo siya sa kama.

"Good morning. N-napatawag ka?" ganting bati niya rito.

"I was wondering if you already received the tickets."

"Oo. Kakarating nga lang. Salamat ha?"

Tumawa ito. Nahigit niya ang hininga. "No problem. Hey gamitin ninyo ang backstage pass na kasama niyan ha? I'll be waiting for you backstage after the concert."

Napangiti siya. "Okay. See you and good luck sa concert niyo."

Muli ay tumawa ito. "Yeah. Iyon lang kaya ako tumawag. At iniisip ko kung nasave mo ba ang number ko dahil wala akong natanggap sa iyo kahit isang text lang."

Nag-init ang mukha niya. Ang totoo ay hindi iilang beses niyang sinubukang padalhan ito ng text. Pero sa tuwina ay nauunahan siya ng hiya at napapatitig na lamang siya sa cellphone niya.

Narinig niyang muli itong tumawa sa kabilang linya. "Don't think too hard. I don't mind. Bye Cham," paalam nito sa kaniya nang marahil ay maramdaman ang discomfort niya.

"Bye," mahinang paalam niya. Wala na ito sa kabilang linya ay hindi pa rin siya bumabalik sa katinuan. Nakatitig lang siya sa cellphone niya habang may sinusupil na ngisi sa mga labi.

"Uy, mukhang magkakaboyfriend na si Cham. At ang kaniyang iniirog na si Rick pa," asar ni Ginny.

Napalingon siya sa mga kaibigan niya at napahagikhik. "Hoy hindi ah!" tanggi niya. Pero lalo lamang siyang inasar ng mga ito.

Nang mapatingin siya kay Yu ay seryoso itong nakatingin sa kaniya. Bahagyang nawala ang ngiti niya. "Yu?"

Kumurap ito at huminga ng malalim. "Well, since tingin ko ay mali ng akala itong mga luka-lukang ito hahayaan kita sa infatuation mong iyan. Pero huwag mong kakalimutan kung ano talaga ang pangarap mo Cham. Hindi si Rick ang dahilan kung bakit ka nasa maynila."

Napaseryoso rin siya at tumango. Mabuti na lamang at hindi niya sinabi sa mga ito kung gaano kalalim na ang nadarama niya para kay Rick. Kung hindi baka magpanic si Yu. "Gusto kong kumanta at sumikat kasama kayong lahat," sagot niya.

Hindi naman niya nakakalimutan iyon. Nangako siya sa sarili niya na hindi niya iaalis ang tingin niya sa pangarap niya. Isa pa, alam naman niyang imposibleng magkagusto sa kaniya si Rick. Gusto siya nitong maging kaibigan dahil likas na mabait ito. Pero alam niyang hindi na tataas ang lebel niyon kahit kailan.

Bahagya nang ngumiti si Yu. "Mabuti naman. And don't get over-excited girls. Baka nakakalimutan niyo na bago ang concert ng Wildhorn may final screening pa tayong kailangang lusutan para makasama tayo sa finals." Pagkasabi niyon ay lumabas na ito ng silid.

"Masyadong seryoso iyong si Yu. Maaga siyang magkakawrinkles sa ginagawa niya," natatawang sabi ni Ginny.

Ngumiti siya. "Dahil sa ugali niyang iyan kaya siya ang leader natin hindi ba?"

Napangiti rin ang mga ito. "Right."

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon