A Love Bloomed In SY '99 - Part 1

3.9K 114 1
                                    


"TAPOS ka na bang mag empake anak?"

Mula sa paglalagay ng mga gamit niya sa balikbayan box ay nilingon niya ang mommy niya na nakatayo sa tapat ng pinto ng kanyang silid. Dumeretso siya ng tayo at nginitian ito. "Malapit na mommy. Kayo?"

"Tapos na. Bakit ba kasi pinipilit mong dalhin ang lahat ng iyan? Iwan mo na ang mga hindi mo na kailangan," sabi pa nitong tuluyan ng pumasok sa kuwarto niya.

Nagbuga siya ng hangin. "Madami na nga akong iniwan mommy. Hindi ko nga lang natapos agad ang pageempake dahil nakipagkita pa ako sa mga katrabaho ko. They keep on convincing me not to go until the end," natatawang sabi niya at umupo sa kama.

Tumitig ito sa kanya. "Sigurado ka bang sasama ka sa amin ng daddy mo pag-uwi? Marami kang mga kaibigan na maiiwan dito," malumanay na sabi nito.

Nginitian niya ito. "Mom I'm okay. Matagal ko na rin namang gustong umuwi ng pilipinas. Kayo lang naman ni daddy ang hinihintay ko," aniya rito.

Maraming taon na rin silang nakatira sa Canada. Dahil sa trabaho ng mga ito kaya nagmigrate sila roon bago pa man siya maka graduate ng high school. Sa totoo lang ay may malaking parte niya ay ayaw sumama sa mga ito noon. But then, she has to. Bata pa kasi siya noon. Isa pa ay mahal na mahal siya ng mga magulang niya. It would surely break their hearts if she insisted on staying.

Ngayon ay nagdesisyon na ang mga ito na bumalik na sa Pilipinas. Matanda na rin naman daw ang mga ito at mas gusto na lamang manatili sa sariling bayan. Namimiss na rin daw ng mga ito ang mga kamag anakan nila roon.

"Ikaw lang naman ang inaalala namin anak. We don't want you to experience the pain of leaving people important to you behind twice,"

Saglit siyang hindi nakaimik sa sinabi nito. Somehow, that hit a nerve on the farthest corner of her heart. She shrugged it off and smiled. "I'm okay mommy. Or do you want to get rid of me already?" dugtong biro niya rito.

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Of course not. You mean so much to me and your dad Ritzi. Kung pwede nga lamang na palagi ka na lang nasa tabi namin. Alam mo naman... akala namin noon hindi na kami bibiyayaan ng anak. We waited five long years for you. You are our precious gift from heaven," seryosong sabi nito

She affectionately smiled at her. Madalas ngang ikuwento ng mga ito sa kanya ang bagay na iyon. Lahat na yata raw ng paraan ay ginawa ng mga ito noon para mabuntis ang mommy niya pero ayaw raw talaga. Ayon naman sa ob gyne ng mommy niya ay wala naman daw itong deperensya at ganoon din ang daddy niya. Pero ilang taon na ang lumipas na hindi pa rin nagkakaanak ang mga ito.

Hanggang sa huli ay isang milagro na lamang ang hiniling ng mga ito. That was despite the fact that her father is a doctor and her mother a nurse. They were both scientific people but they asked for a miracle just to have a child. At pinagbigyan sila ng langit. She was born.

Dahil doon ay masyadong protective ang mga magulang niya sa kanya. Sure she can still do anything that she wants, pero ang gusto ng mga ito ay nakikita siya ng mga ito araw-araw. Noong elementary at high school siya ay hindi siya pinapayagan ng mga itong mag overnight. Hindi raw kasi napapakali ang mga ito na wala siya sa bahay ng gabi. Kaya tuwing may group project at kailangan talagang gawin magdamagan ay sa bahay nila iyon ginagawa. Ayos lang naman dahil malaki ang bahay nila sa isang subdivision sa maynila.

Kahit nang nasa Canada na sila, bagama't kahit papaano ay naging maluwag na ang mga ito sa kanya, ay hindi siya pinayagan ng mga itong humiwalay ng tirahan sa mga ito. Ngunit kahit ganoon ay hindi siya nakaramdam ng pagrerebelde sa mga ito kahit kailan. Alam kasi niyang masyado lang siyang mahalaga sa mga ito. At hindi niya kayang gumawa ng bagay na magpapasama sa loob ng mga ito. Though once in her life, ay muntik na niyang gawin iyon.

"Well, alam naman namin ng daddy mo na balang araw ay mawawala ka rin sa tabi namin. Afterall, you are already an adult. So, do want you want to do and don't mind us okay?" nakangiti nang sabi ng mommy niya na lumakad na patungo sa bukana na ng pinto.

Gumanti siya ng ngiti. "I know mom. And don't worry. I really wanted to go back." More than you think. Dugtong niya sa isip.

Tumango ito at umalis na. Tuwing nagsasalita ng ganoon ang mommy niya at ang daddy niya ay naiisip niya na tama ang desisyong ginawa niya noon na sumama sa mga ito. Not that she has a choice then. But still, she almost did something that might hurt her parents then.

Yes, she had made the right decision. Everything was going smoothly with her life ever since they lived there. May mga kaibigan siya , may maganda siyang trabaho, may mga magulang siyang mahal na mahal siya at masagana ang buhay nila sa Canada.

Maayos ang buhay niya. Simple and not complicated. What else could she ask for right? So, whatever decision she had made, whatever things she did that made her what she was at that moment, she should not feel any regrets.

Nagbuga siya ng hangin at wala sa loob na hinawakan ang singsing na ginawang pendant sa kuwintas na nakasabit sa leeg niya. Noong mga panahong bago pa lamang siya sa Canada at nakakaramdam siya ng lungkot ay iyon ang nagpapalakas ng loob niya. Ngunit ngayon pupunta siya ng pilipinas ay muli niyang narealize na wala na siyang karapatang isuot iyon. Matagal na panahon na siyang nawalan ng karapatan.

Yet, deep inside, there is a major reason why she wants to go back to the Philippines. Why she have been wanting to go back. May gusto siyang makita. Alam niya na wala na rin naman silbi kahit na makita niya ang taong iyon ngunit gusto niya pa rin. She just wants to make sure that he was doing okay. She just wants to make sure that he was no longer in pain because of her.

Bumuntong hininga siya at hinubad ang kuwintas. Inilagay niya iyon sa jewelry box niya at isinilid sa maleta niya.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon