Promise Me Forever - Part 6

3.8K 143 4
                                    

"LOU, sorry na," hinging paumanhin niya rito. Irap lang ang sinagot nito sa kanya. Nasa canteen sila para kumain ng tanghalian. Kahapon pa ito nagagalit sa kanya. Hindi man ito nagtanong ng kung anu-ano ay alam niyang hindi nito gusto ang nakita nitong pakikipagtawanan niya kina Vergel. Sinabihan na kasi siya nitong umiwas sa binata at hindi siya nakinig dito.

"Uy, huwag ka ng magalit. Hindi naman ako ang lumapit sa kanila. Nakakahiya naman kung babastusin ko sila hindi ba?" paliwanag pa niya.

Bumuntong hininga ito at tumingin sa kanya." Hindi naman sa galit ako sa nakita ko. I'm just worried about you. Alam naman kasi natin ang reputasyon nila hindi ba? Lalo na yung lalaking mahal mo," sabi nito.

Bumuntong hininga siya. "Alam ko naman iyon. Masyado lang akong natuwa kasi kinausap niya ko. Alam mo naman na mula nung first year tayo, hanggang tingin lang ako sa kaniya."

Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. "Alam ko namang masaya ka eh. Kitang-kita ko kahapon kung gaano ka kasaya na kasama sila. Sobrang matunog nga ng tawa mo at nagliliwanag pa ang mukha mo. Gusto ko rin naman na makita kang masaya. Pero siyempre, ayoko namang pagdating ng panahon ay umiyak ka dahil din sa taong nagpapatawa sa iyo ngayon."

Sinalubong niya ang tingin ng kaibigan niya. Nginitian siya nito. "Naisip ko na rin naman yan Lou. Pero naisip ko rin na walang mangyayari sa akin kung palagi ko na lang iisipin ang mangyayari sa hinaharap. Basta, mag fo-focus na lang muna ako sa present. Okay po ba iyon?" nakangiting tanong niya rito.

Bumuntong hininga ito. "Hay, bahala ka na nga. Basta sinabihan na kita ha," anito at kumain. Ngumiti siya at kumain na rin.

Maya-maya ay narinig niyang tumikhim si Marilou. Napatingin siya rito. "Bakit?"

"Speaking of the devil," anito at may inginuso sa likuran niya.

Nang lumingon siya ay nakita niya ang nakangiting si Vergel. May hawak din itong tray ng pagkain. "Hi!" bati nito at umupo sa tabi niya. Tumingin ito sa kanya. "Patabi ha? Wala akong kasabay mag lunch eh."

Napatingin siya sa kaibigan niya. Marahan naman itong tumango at bumaling kay Vergel. "Prankahan na tayo ha. Pinopormahan mo ba ang kaibigan ko?"

"Lou!" nanlalaki ang mga matang saway niya rito. Pero hindi ito sa kanya nakatingin. Nakaramdam siya ng hiya. Baka kung anong isipin ni Vergel.

"Ang pranka mo nga," natatawang komento ng binata. Nahihiyang sinulyapan niya ito. Bahagya siyang napaatras nang bigla itong lumingon sa kanya. Nasalubong niya ang nakangiting mga mata nito. "Wala naman masama kung oo ang sagot ko hindi ba?"

Napaawang ang mga labi niya. Seryoso ba ito? Bumuntong hininga si Marilou at tumayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya rito.

"May naalala akong assignment para sa next subject ko na hindi ko pa nagagawa. Ikaw na muna ang bahala sa kaibigan ko Vergel. Make her happy as much as possible kung hindi patay ka sa akin," banta pa nito bago umalis. Walang magawang nasundan na lamang niya ito ng tingin.

"Talo pa 'non ang nanay mo kung makapag-alala," komento ni Vergel. Tiningnan niya ito. Hindi niya magawang magtanong dito. Nginitian siya nito. "Kumain ka na." Marahan na lamang siyang tumango. Matalino si Vergel. Base sa sinabi ng kaibigan niya, para na nitong sinabi kay Vergel na may gusto siya sa rito.

"GRACE," tawag sa kanya ni Vergel nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng dormitory nila ni Marilou. Nagpumilit itong ihatid siya roon. At siya naman ay hindi na nagdalawang isip na pumayag.

"Bakit?" tanong niya nang sulyapan niya ito.

Humarap ito sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata. Bahagya siyang nakaramdam ng kaba. "I know that you are aware that we feel something for each other," panimula nito.

Lalong sumasal ang kaba niya. Marahan siyang tumango.

"But I cannot promise you anything. Ayokong mangako ng forever at ng kung anu-ano pa. But believe me when I say that I have feelings for you. I really do. Pero kung hanggang kailan ay hindi ko alam. But as of now I want to be with you. I want to be always near you. Ayos lang ba iyon sa iyo?"

Napatitig siya rito. Matagal na niyang inaasam na mangyari iyon. Ang sabihin sa kanya ni Vergel na gusto siya nito. At kahit wala itong kahit anong ipinapangako sa kanya ay hindi iyon mahalaga sa kanya. Malay naman niya, mabago niya ang paniniwala nito. Kapag ipinaramdam niya rito kung gaano niya ito kamahal, baka naman dumating ang panahong magawa na nitong mangako sa kanya.

"Grace?" untag nito.

Ngumiti siya at tumango.

Bahagyang lumiwanag ang mukha nito. "Sigurado ka?" paniniyak nito.

Lumawak na ang ngiti niya. "Oo nga. Vergel, I love you, even if you cannot promise me forever. I just want to be with you too. Kung hanggang kailan bahala na."

He sighed with relief. Tuluyan ng nagliwanag ang mukha nito. "I'm glad. We will be happy I am sure."

Sa kanyang pagkabigla ay niyakap siya nito. Pagkuwa'y marahang dinampian siya ng halik sa mga labi. Saglit siyang natulala pagkuwa'y napangiti. "Let's enjoy it till it last," bulong nito at muli siyang hinalikan, mas malalim sa pagkakataong iyon. Kahit hindi siya marunong ay tinangka niyang tumugon. Gusto niyang iparamdam dito ang pagmamahal niya. But I hope this will last.

THE next months have been the happiest day of Grace's life. Mula nang magkaunawaan sila ni Vergel ay hindi nito ikinaila sa buong University ang namamagitan sa kanila. Maraming nagtaas ng kilay at marami ang nagpaparinig sa kanya kapag nasa girl's bathroom siya. Pero hindi na niya iyon masyadong iniinda. Masaya siya at hindi siya magpapaapekto sa mga babaeng humahanga kay Vergel. Isa pa ay naiintindihan niya ang mga ito. Dati rin kasi ay tulad siya ng mga itong hanggang paghanga lang ang kayang gawin. Palagi ring nasa tabi niya si Marilou na kahit hindi pabor sa desisyon niya noong una ay sinoportahan na rin siya katagalan.

Pormal rin siyang ipinakilala ni Vergel sa mga barkada nito bilang girlfriend nito. Mukha namang boto sa kanya ang mga ito. Katunayan ay binibigyan pa siya ng babala ng mga ito tungkol sa kasintahan niya na madalas ay ikinakaasar ni Vergel. Tinatawanan lang niya ito dahil kahit ano namang sabihin ng mga tao tungkol dito ay hindi naman magbabago ang damdamin niya para dito. Lalo pa't nadiskubre niyang napaka-sweet at napaka-maalalahanin nito.

Palagi itong sumusulpot sa labas ng classroom niya kapag tapos na ang klase niya, hinahatid at sinusundo siya at palagi niyang kasabay kumain ng tanghalian at meryenda. Madalas din siya nitong yayaing kumain sa labas o kaya ay maglakwatsa. Siya naman ay palagi itong pinipilit mag-aral.

Katulad ng sinabi nito noon, ang bawat araw na magkasama sila ay palaging puno ng kasiyahan. Palagi siya nitong napapatawa sa mga jokes nito na sa totoo lang ay corny naman. Maging ang mga kabanda nito ay napapatawa siya. At palagi siyang kinikilig sa mga simpleng gestures nito. Lalo na sa tuwing tinutugtugan siya nito ng gitara at kumakanta kahit pa hindi ganoon kaganda ang boses nito.

Sa nag-iisang subject kung saan sila magkaklase ay hindi ito humihiwalay sa kanya. Madalas ay hindi naman ito nakikinig sa professor nila at kinukulit lang siya. Katulad ng mga oras na iyon.

Abala siya sa pakikinig sa propesor nila nang maramdaman niyang may inilapag ito sa desk niya. Nang yukuin niya iyon ay isang nakatuping papel iyon. Sinulyapan niya ito. Nakatingin ito sa board pero nahuli naman niya ang pigil na ngiti sa mga labi nito. Hindi niya tuloy naiwasang mapangiti. Madalas talaga ay may pagka corny ito. Ang kaso natutuwa siya sa kakornihan nito.

Nang buksan niya ang papel ay simple lamang ang nakasulat doon. Let's have pizza for merienda. Tahimik siyang natawa. Muli niya itong sinulyapan bago sumulat ng okay sa papel at ibinalik dito.

Nang sulyapan niya ito ay nakangisi na ito. Nagkatinginan sila at sabay na walang tunog na tumawa. Dumikit pa ito sa kanya at pasimpleng hinawakan ang kamay niya. Napailing na lamang siya.

Sabi ni Marilou ay para daw silang timang ni Vergel kapag magkasama sila. Nakakakilabot na raw kasi ang ka-sweetan nila. Pero ang katwiran niya, di bale ng mukhang timang, masaya naman.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon