Part 19

4.9K 160 7
                                    

"HUWAG mo muna akong kausapin Jefferson." naiinis na sabi ni Janice bago pa man nakapagsalita ang magaling na pinsan niya.

"Couz naman."

Inismiran niya ito. Sinasabi na nga ba niyang may kakaiba sa ikinikilos nito. Ang kaso, siyang nagpabola at nagpatangay sa emosyon ay binalewala ang instinct niya. at anong nangyari? Nasaktan na naman siya.

"Sorry na. Pero pakinggan mo naman ako Janice." pakiusap nito.

Napailing siya. "Palagi na lang kitang iniintindi Jeff. Pero bakit pati ako dinamay niyo sa mga kalokohan niyo? Masyado na kayong matanda para magpustahan ng ganoon." masama ang loob na sabi niya.

Bumakas ang guilt sa mukha nito. "Hindi naman ganoon iyon Janice. Alam kong may kasalanan ako but I swear hindi ka naman niloko ni Lloyd." pagtatanggol nito sa kaibigan.

Nakaramdam siya ng inis sa sinabi nito. "Hindi niloko? He betrayed me! He acted so nice and caring ang sweet... just because of a bet! Hindi ba panloloko iyon?!" napataas ang boses niya. Mabuti na lamang at wala ang mga magulang niya. "And you know what's worst? The worst thing is that I believed him!" may pait na sabi niya.

Saglit itong hindi nakahuma. Lalong naging kapansin-pansin ang guilt sa mukha nito. "I'm sorry."

"You should be. And he should be."

"Pero Janice, hindi naman talaga kami seroso sa pustahan na iyon."

"Seryoso man kayo o hindi, the damage has already been done nasaktan niyo na ko." Puno ng sagit na sagot niya. pakiramdam na naman niya, iiyak na siya anumang oras.

Nakapagtatakang tila nagliwanag ang mukha nito. "Talaga? Na-naaktan ka?" tanong nito.

"At masaya ka pang nasaktan ako?!" gilalas na tanong niya rito. Ang laki talaga ng problema ng pinsan niya.

"No, of course not! It's just that... hindi ba nagkabalikan na kayo ni Danie?"

Napakunot-noo siya. "What are you talking about?" Hindi kami nagkabalikan ni Daniel. At hinding-hindi na magkakabalikan pa. Nilinaw ko na yan sa kanya nang huling pumunta siya rito."

"Really? So... why did you hugged him?"

Nalito siya sa tanong nito. "How did you know I hugged him?"

"So you did."

"It was a farewell hug. Matagal din naman ang pinagsamahan namin." Napangiti ito na lalo niyang ikinainis. "Hindi na ako natutuwa sa iyo Jefferson!"

"I know, I know... pero kasi... I think Lloyd misunderstood it."

"Lloyd? What do you mean?" naguguluhang tanong niya.

"Pinuntahan ka kasi niya ng araw na iyon. And he saw you hugging Daniel. Akala niya nagkabalikan kayo. Ayun dahil nasaktan kung anu-anong sinabi. Totoong nagpustahan kami, pero wala namang sumeryoso sa amin non." paliwanag nito na hindi niya masyadong naabsorb. Ang malinaw niyang narinig ay nasaktan daw si Lloyd.

"Bakit naman siya nasaktan?" mababa na ang tono na tanong niya.

Ngumiti si Jeff. "Kung gusto mong malaman, pumunta ka sa Sagiho mamayang gabi"

"At bakit naman ako pupunta 'don?"

"Para nga malaman mo ang sagot sa mga tanong mo."

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ngayon?' bahagyang naiinis na tanong niya rito.

Umiling ito. "Hindi naman dapat sa akin manggaling yan. Kaya pumunta ka na."

Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know."

"Janice... sabihin mo nga sa akin, do you love him?"

Hindi niya alam kung dapat niya ba iyong sagutin. Ano pa bang halaga non? Pero nang makita niya ang kaseryosohan sa mukha ng pinsan niya ay napabuntong hininga na lamang siya. "If I do love him, what's the sense? Hindi pa rin non maipagkakaila na may kasalanan siya sa akin. And I don't know if I'm prepared to listen to him."

"But you should be. Pareho lang kayong magiging miserable kung hindi. Janice alam kong matalino ka at mabait. Siguro naman kaya mo siyang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag at makapagsalita hindi ba?"

Hindi siya nakaimik. Tama ito. Siya ang tipo ng taong makikinig sa paliwanag ng iba. Bakit hindi niya pakinggan si Lloyd?

Niyakap siya ni Jeff. "Basta, punta ka. Please, trust me with this one couz." Wala siyang naisagot kung hindi ang bumuntong hininga.

Noong unang pumasok ng saGuijo si Janice ay bahagya siyang nairita sa ingay at dami ng tao doon. Subalit ngayon ay hindi na niya alintana ang ingay. May isang parte ng pagkatao niyang nasanay na sa ganoong tunog.

Matagal siyang nanatili sa labas ng entrance. Nagdadalawang isip siya kung dapat ba siyang pumasok doon o hindi. Hindi na nga niya alintana ang manaka-nakang pag-tingin sa kanya ng mga bouncer. Hindi rin kasi angkop ang suot niya sa mga suot ng mga pumapasok doon.

Napatutok ang tingin niya sa entrance nang biglang tumahimik sa loob. Lumapit sa kanya ang isang bouncer. "Miss, papasok ka ba o hindi? Magsisimula na magperform ang banda."

Hindi siya nakasagot. May pag-aalinlangan pa rin siyang nararamdaman. Paano kung mali naman ang iniisip ni Jeff na nararamdaman ni Lloyd?

"Janice? is that you?" nilingon niya ang nagsalita. Napakunot noo siya. ang drummer nila Chase. "Rick? Bakit nasa labas ka? I thought your set is about to start already."

Napangiti ito. "Inagaw ni Jeff ang drum stick ko. Siya ang magda-drums."

Napakunot-noo siya. "Talaga?" hindi naniniwalang tanong niya.

Tumawa ito. "Yep. May kasalanan daw kasi siya kay Lloyd at sa isang importanteng babae sa kanilang dalawa. Kaya kailangan daw muna niyang agawin ang spotlight sa akin ngayong gabi. Ang emo nga ng dalawang iyon ngayon."

Muli siyang napatingin sa entrance. Biglang nagsimulang tumunog ang electric guitar. Mabagal iyon. Ngunit biglang kumabog ang dibdib niya ng marealize na pamilyar sa kanya ang intro na iyon.

"Tsk. Gagawin nga nila. buti na lang malakas si Jeff sa may ari nitong bar." Tila sabi ni Rick sa sarili. Bumaling ito sa kanya at ngumiti. "Pasok na Janice. kung hindi masasayang ang kahihiyang gagawin nila." hindi na siya nakapagtanong dahil natatawa itong inakay siya papasok.

Nang nasa loob na sila ay natigilan siya. dahil unti-unti niyang narerekognisa ang tiinutugtog ng mga ito. Nang simulang sumabay ang drums sa electric guitar na si Lloyd pala ang tumutugtog, pagkuwa'y sumabay na rin ang ibang instrument. Napahawak siya sa dibdib. They are playing her favorite piece with their instrument. Pachelbel's canon in d – rock version.

Pero bakit nila ginagawa iyon? Masyado iyong malayo sa usual music ng mga ito. And there's no vocals. Huminga siya ng malalim.

"What do you think?" tanong ni Rick.

"It's... wonderful." She said breathlessly ng nasa chorus na ang tugtog. She never thought it was possible. That her music and Lloyd's music can create such a masterpiece. Posible kayang mangyari iyon sa kanilang dalawa?

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon