"SORRY na-late ako," hinging paumanhin niya sa staff niya na nauna na sa venue ng Rockfest nila. Nagsisimula na ring mag-ayos ang technical staff.
"Okay lang po iyon Ma'am," halos magkapanabay na sabi ng mga ito.
Napasarap ang tulog niya at tinanghali ng gising. Bukod doon ay hindi kinaya ng konsiyensiya niya na huwag kainin ang almusal na inihanda ni Vergel para sa kanya. Hindi na niya ito naabutan nang magising siya. isang note lamang nito ang bumati sa kanya ng good morning. At kahit ayaw niya ay talagang na touch siya sa pagaalagang ginawa nito sa kanya.
Nang makita niya ang assistant niya ay sabay na silang nagpunta sa backstage kung saan naroon na ang mga bandang nakaschedule sa morning rehearsal. Isa-isa niyang nilapitan ang mga ito at binigyan ng last minute instructions.
"Hi Grace," bati ni Rick na lumapit sa kanya.
Ngumiti naman siya. "Hi, Rick. Where's your band?" itinuro naman nito sina Chase at Carlo na kumaway sa kanya. Nagtaka siya kung bakit wala roon si Vergel pero nakahiyaan na niyang itanong ito.
"Uhm, Grace?" Muli niyang ibinalik ang tingin kay Rick. May pagaalinlangan sa mukha nito.
"Bakit?"
"After the concert, is it okay if... we go out?" Nawala ang ngiti niya. Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan na hindi ito masasaktan. She has been hurt by love before, kaya hindi niya gustong maiparamdam niya sa iba ang naramdaman niya dati. "Hindi ba pwede?" tanong nito.
"Ahm, hindi naman sa ganoon. Medyo nagulat lang ako. Can I think about it first?" she asked safely.
Ngumiti naman ito. "Okay. Sige babalik na ako sa mga iyon. See you around," anito na sinuklian niya ng ngiti at tango. Nang makalayo ito ay napabuntong hininga siya.
"So, he's already asking you out."
Napalingon siya sa likuran niya nang marinig ang boses ni Vergel. Her heart beat faster when she saw him. This time, naka rockstar outfit na naman ito. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Pilit niyang hinamig ang sarili. "It doesn't really concern you," sagot niya.
Nawala ang ngiti nito at pinakatitigan siya. "So does that mean na papayag kang lumabas kasama siya?" tanong nito.
Nag-iwas siya ng tingin at nagsimulang lumakad palayo rito. "I told you it does not concern you," paiwas na sagot niya.
"Grace," tawag nito.
Huminga siya ng malalim at muling humarap dito. "What?" nilangkapan niya ng iritasyon ang tinig.
"How do you feel now?" anito sa masuyong tinig.
Napamata siya rito. Bakit parang hindi ito apektado kahit pa sinasabi na niya rito na wala na dapat itong pakielam sa kanya? At ang puso naman niya, natutunaw sa ipinapakita nitong kabaitan. "I'm-I'm better now," disoriented na sagot niya.
Ngumiti ito. "Great."
"Yeah. Thank you for taking care of me." Pinakaswal niya ang tinig upang hindi nito bigyan ng ibang kahulugan ang pagpapasalamat niya.
Nagkibit balikat ito at muling tumitig sa kanya. "It's nothing. Dati, hindi ako nagkaroon ng pagkakataong alagaan ka."
Muli siyang natigilan.
"And by the way, I didn't get the chance to ask you. Did you like the flowers?" Tumango siya na ikinangiti naman nito. "Bigla ko lang kasing naisip na hindi kita nabigyan ng bulaklak kahit isang beses dati. Even in our monthsary."
She suddenly felt a pain in her heart. "There's no use reminiscing now, Vergel. We can never bring back those days," hindi nakatiis na sabi niya rito.
Bahagyang nawala ang ngiti nito. Pagkuwa'y napabuntong hininga. "I know. Grace, alam kong marami akong pagkakamaling nagawa. Alam kong nasaktan kita ng husto. Maniwala ka, pinagsisihan ko ang mga iyon. At nangako ako sa sarili ko, na makita lang uli kita, hinding-hindi na kita pakakawalan pa," anito sa seryosong tinig. Deretso itong nakatitig sa mga mata niya.
Walang siyang naapuhap na isagot sa sinabi nito. Totoo nga kaya iyon? O nadadala lamang ito ng sitwasyon. At pagkatapos, kapag nakapag-isip na ito ng maayos ay iiwan na naman siya nito?
Muli itong bumuntong hininga. "Sige na, kailangan ko ng pumunta sa mga iyon," anitong tinuro pa ang mga kabanda nitong nakatingin lamang sa kanila. Tumango na lamang siya.
Nakalakad na ito nang muli itong bumalik. "Ihahatid nga pala kita mamaya," imporma nito.
"You don't have to do that. May sasakyan naman ako," tanggi niya. Sa sinabi nito sa kanya ay parang hindi na niya gugustuhing makasama pa ito ng matagal. Nag-aalala kasi siyang baka masira nito ang depensang ginawa niya sa palibot ng puso niya.
Ngumiti ito. "Ako wala. Hindi ko dala ang sasakyan ko. Ihahatid kita para siguruhing kakain ka ng dinner. Later," anito at tuluyan ng lumayo.
Nasundan niya ito ng tingin. Even his broad back looks gorgeous. Bigla na naman tuloy tumalon ang puso niya. Huminga siya ng malalim at tumalikod. Ipinagkakanulo na naman siya ng damdamin niya. Pero pinaaalalahanan siya isip niya. At sinasabi niyon na huwag siyang magtitiwalang muli sa taong nagawa na siyang saktan.
"GRACE, kausapin mo naman ako. Bakit parang galit ka sa akin?" tanong ni Vergel sa kanya habang minamaneho nito ang sasakyan niya.
Hindi niya itinago ang pagkainis na nararamdaman niya. "I didn't like what you have been doing in the rehearsal," sabi niya. Buong araw itong dikit ng dikit sa kanya to the point na nakakaagaw na sila ng atensyon. Kahit palagi niya itong itinataboy ay tila ito walang naririnig.
Nang tanghalian na ay ito pa ang kumuha ng pagkain niya at pinilit pa siyang kumain. At hanggang matapos ang araw ay ito pa rin ang kasama niya.
Gusto na niyang mairita dito kanina pa. Hindi kasi nito alintana kung pinagtitinginan sila. Isa pa ay nahihiya siya sa mga kaibigan nitong mangha ring nakamasid sa kanila. Lalo na kay Rick. Kahit naman kaibigan lamang ang turing niya kay Rick, gusto naman niyang maayos niya iyong masabi dito. Hindi niya gustong makasakit ng iba. Palibhasa, sanay tong buwisit na itong manakit ng damdamin.
"I am sorry," sabi nito at inihinto na ang sasakyan niya sa parking lot ng condominium building niya.
Napalingon nama siya rito. "Hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ginagawa mo Vergel. It would not change anything," frustrated na sabi na lamang niya.
Lumingon ito sa kanya at tipid na ngiti. "Wala namang mawawala kung susubukan. I told you, I will win you back." Napipilan siya sa sinabi nito. Bahagyang lumawak ang pagkakangiti nito. "Let's go. I'm gonna cook for you."
Natulala siya nang makita ang ngiting iyon. Walang magawang bumuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...