"MOMMY bakit bigla niyong naisipang magluto ng spaghetti. Wala namang may birthday sa atin?" tanong ni Gian sa kanya habang nakaupo ito sa isang silya sa kusina at nakatingin sa kanya. Ginagalaw-galaw pa nito ang mga binti nitong hindi lumalapat sa sahig.
Nilingon niya ito at nginitian. "Bakit ayaw mo ba ng spaghetti?" tanong niya.
"Gusto po," nakangising sagot nito.
"Iyon naman pala eh. Feel lang ni mommy na kumain ng spaghetti," aniya at ipinagpatuloy ang paghalo ng sauce.
"Mommy, parang may kumakatok," pukaw nito sa kanya.
Natigilan siya. "Oo nga no," aniya nang marinig ang sunod-sunod na katok. Hininaan niya ang kalan at hinarap ito. "Dito ka lang ha? Bantayan mo saglit itong niluluto ko." Tumango naman ito. Lumabas siya ng kusina at mabilis na lumapit sa pinto. Hindi na niya inabala ang sariling hubarin ang apron niya. Muling kumatok ang nasa labas. "Sandali lang!" mabilis niyang binuksan ang pinto.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita si Carlong nakatayo roon. Walang bakas ng pagkainip sa mukha nito. Awtomatiko siyang napasulyap sa kusina kung nasaan si Gian.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong nito.
Muli niya itong tiningnan. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" matatag na tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. "Diskarte lang." Nang hindi siya tuminag ay lumapit ito sa kanya at bahagya siyang hinawi. Pumasok ito sa bahay nila. She suddenly felt nervous.
"Bakit ka nandito?"
Tumingin ito sa kanya. "I want to see you. Isn't it enough reason for me to be here?" balik tanong nito.
Marahas siyang bumuntong hininga. "Pinahihirapan mo lang tayong pareho Carlo. Pareho na tayong may sariling buhay. Hindi mo na ito dapat ginagawa."
Tumitig ito sa kanya. May tila sakit na bumakas sa mukha nito. "Bakit ba ganyan ka magsalita. Dahil ba mahal mo pa siya?"
Bigla siyang nalito sa tanong nito. "S-sino?"
"Ang ama ng anak mo. Dahil ba mahal mo pa siya kaya ayaw mo ng magkaroon ng koneksyion sa akin? Why Gemma, I thought you love me," anitong bakas ang hinanakit sa mukha nito.
Parang gusto niyang matawa na magalit sa mga sinasabi nito. Tinignan niya ito. "Bakit ikaw? Sinasabi mo ba na hindi ka na-involve sa kahit na sinong babae nang magkalayo tayo?"
Natigilan din ito pagkuwa'y napabuntong hininga. "Well I tried. I tried to forget what we had through a lot of women but I failed. They are all nothing compared to you Gem," seryosong sabi nito.
Nag-iwas siya ng tingin. "Mali ka. Ako ang wala kumpara sa kanila," mahinang sabi niya.
"Gem -"
"Mommy, natuyo na yung sauce natin!" sigaw ni Gian. Napalingon siya sa kusina. Nakatayo ito sa bukana.
Mabilis siyang napalapit dito nang masulyapang napatitig dito si Carlo. "Pasok ka muna sa kwarto natin anak," sabi niya rito.
"Eh mommy, yung sauce," sabi nito na tila hindi siya narinig. Mabilis naman siyang lumapit sa kalan at pinatay iyon. Nang harapin niya ang anak niya upang papasukin ito ay natigilan siya. Nakalapit na pala dito si Carlo na titig na titig pa rin dito. Maging si Gian ay nagtatakang nakatingala rito. Kumabog ang dibdib niya. Hindi maipagkakailang magkadugo ang mga ito.
"This is... your son?" mahinang tanong ni Carlo na manghang tumingin sa kanya.
Hindi niya alam kung paano sasagutin ito. Marahan siyang tumango.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...