Our Song - Part 31

3.2K 124 7
                                    

MARAHAS na naihilamos ni Rick ang mga palad sa mukha niya nang nakaupo na siya sa silyang nasa harap ng lamesa ng kaniyang ama. Bahagya nang kumalma ang kanina ay nangangalit na mga ugat niya. Tama ang kaniyang ama. Kahit kailan ay hindi siya nagtaas ng tinig kahit kanino o nanghablot ng kuwelyo ng ibang lalaki. Ngunit kanina, nang marinig niya ang mga sinabi ng singer na iyon ay nagdilim ang paningin niya.

Bigla ang mga frustrations niya ay nagkapatong-patong. Idagdag pang matagal na niyang tinitiis ang nakikita niyang pananantsing nito kay Cham. Tuwing sumasaglit siya sa recording at kung ano pa mang magkasama ang mga ito ay hindi nakakaligtas sa paningin niya ang mga paghawak-hawak nito sa dalaga. Tiniis niya iyon dahil maraming tao sa paligid at may ilan pang press na sinusundan talaga ang mga ito. Alam niyang kaunting maling kilos lang nila ay makakaapekto sa sales ng album ng mga ito.

Ngunit ang nangyari kanina ang nagpaubos ng pasensiya niya. Naabutan na nga niya itong nakaakbay na naman kay Cham ay nagawa pa nitong sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon na tuluyang nagpadilim ng paningin niya. Huminga siya ng malalim.

"Naiintindihan ko ang frustrations na nararamdaman mo Rick. Pero mali ang ginawa mo. Mabuti na lang at nasa private meeting kayo. Magagawan ko ng paraan na huwag magsalita ang staff na naroon," malumanay nang sabi ng kaniyang ama.

Dumeretso siya ng upo at tumingin dito. "This sucks."

Bumakas ang simpatya sa mukha nito sa unang pagkakataon. "I know. Noong mga panahong nasa ganiyang sitwasyon kami ng mommy mo ay nararamdaman ko rin iyan. In fact, compared to you I am more reckless and hard headed then. Mas mabilis akong magselos, mas mabilis magbuhat ng kamay. Kaya hindi nagtagal nadiskubre din ng lahat ang tungkol sa amin. Pagkatapos niyon ay wala ng araw na hindi kami nasa tabloid at balita. Kahit magaling na singer ang mommy mo ay bumaba ang sales at popularity niya.

"But the mighty me didn't care then. Ang mahalaga lang sa akin ay alam ng buong mundo na akin siya. Hanggang sa umiyak siya sa akin at aminin niyang nahihirapan siya sa sitwasyon at nasasaktan siya sa mga nababasa at napapanood niya. Ang tanging paraang naisip ko lang noon para mawala ang nararamdaman niya ay pakasalan siya. Umalis siya sa industriya kahit pareho naming alam na gustong gusto niya ang career niya. Naiintindihan mo ba ang gusto kong sabihin?" mahabang paliwanag nito.

Nagbuga siya ng hangin at pabalang na sumandal. "You are telling me to give up on her and my feelings is that it?" may pait na tanong niya.

Saglit na hindi ito sumagot. "I am telling you to give up on that relationship. Hindi na lang kay Cham makakasama iyan pati na rin sa iyo. Nagiging bayolente ka. Baka nakakalimutan mo na hindi ka rin basta-basta tao Rick. You are also a celebrity. Sa loob ng maraming taon ay hindi nasabak sa eskandalo ang banda mo dahil low profile kayong lahat. Gusto mo bang ikaw ang magsimula ng bad publicity ninyo?" tanong nito.

Para nitong sinipa ang sikmura niya sa sinabi nito. "Hindi ko basta-basta magagawang igive up si Cham dad."

"You have to," sabi nito at may kinuhang folder sa lamesa nito. Iniharap nito iyon sa kaniya. "A producer from Warner Music USA came today. Ilang linggo na mula nang makatanggap ako ng tawag mula sa kaniya at ngayon nga ay nagpunta siya ng pilipinas upang personal akong makausap. Nagpakita siya ng matinding interes sa Wildflowers at gusto niyang iproduce at imanage ang international career nila. With that, they will have to leave the country," imporma nito sa kaniya.

Kumabog ang dibdib niya at pinanlamigan ang mga kamay niya sa unang ideyang pumasok sa isip niya sa sinabi nito. Pupunta si Cham sa lugar na hindi niya maabot kung kailan niya gusto. Wala sa loob na binuklat niya ang folder. Ang nakalagay doon ay pormal na sulat mula sa producer na nagngangalang Peter Gallante para sa kaniyang ama. Humihingi ito ng permisong kunin ang Wildflowers sa pangangalaga ng Diamond Records.

Kalakip ng sulat ay sample draft ng kontratang nais nitong ibigay sa banda. Two years debut contract iyon na nagsasabing kailangang manatili ng banda sa amerika sa loob ng mga taong iyon. Nakalagay rin doon na magpoproduce ito ng at least dalawang album ng banda na ire-release hindi lamang sa amerika kung hindi maging sa iba't ibang bansang sakop ng kumpanya. Depende sa magiging resulta ng dalawang taon sa pangangalaga ng warner music ang susunod na kontratang ibibigay ng mga ito.

Kahit saan niya tingnan ay magandang oportunidad iyon para kina Cham. Tama ang kaniyang ama na may nakalaang mas malaking entablado ang mga ito. Unti-unti ay naiintindihan niya ang nais ng kaniyang amang gawin niya. Mas kumplikado ang international music business. Upang magtagumpay kailangang nakatuon lamang sa musika ang konsentrasyon ng mga ito. Kung kahit nasa ibang bansa si Cham at hindi niya pinutol ang namamagitan sa kanila, kahit na alam niyang gusto nito ang ginagawa nito ay hindi malabong lumipad pabalik sa kaniya ang isip nito. If she will cling on to their feelings for each other while they are apart, it might ruin her pace and concentration. Sa madaling sabi, their relationship itself is a distraction.

Napatiim bagang siya sa paglalaban ng mga emosyon sa dibdib niya. Ipinangako niya kay Cham na susuportahan niya ang pangarap nito. Kahit gaano pa niya gustong manatili sa tabi nito, kahit gaano niya inaasam na palagi itong makita at mahawakan, hindi niya kayang maging hadlang sa pag-abot nito ng pangarap nito at ng banda nito. "Kapag nakipaghiwalay ako sa kaniya, I know she will cry," mahinang usal niya. And I might too.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon