ANG akala ni Cham, puno ng mga groupies at kung sino-sino pa ang after party celebration ng Wildhorn na gaya nang sa ibang nababalitaan niya. Ngunit nang makarating sila sa Padi's Point na pinareserve ng mga ito para sa selebrasyon ay mukhang mga malalapit na kaibigan at staff lamang ang mga naroon. Patunay na sa kabila ng kasikatan ay talagang pinapahalagahan ng banda ang privacy ng mga ito. Kaya nakaramdam siya ng matinding kaligayahan na inimbitahan sila ni Rick para sa pagtitipong iyon.
"Kapag ganito hindi sila mukhang unreachable no? Hindi sila tulad ng ibang nasa industriya na elite na elite ang dating," bulong ni Ginny.
Sumang-ayon silang lahat sa sinabi nito. Nang tumugtog ang masayang awitin ay may mga bisitang nagkaayaang sumayaw sa dance floor. Maging ang mga kaibigan niya ay nakisaya rin. Nangingiti na lang niyang tiningnan ang mga ito.
"Hey, bakit mag-isa ka diyan? Hindi ka maki-join sa mga kaibigan mo," untag sa kaniya nang boses ni Rick.
Napatingala siya at ngumiti nang hatakin nito ang katabi niyang silya at umupo doon. "Masakit mang aminin ay noong maghulog ng talento ang Diyos pagkanta lang ang nasalo ko. Parehong kaliwa ang mga paa ko," pabirong sabi niya.
Tumawa ito. "Pareho pala tayo."
"Really?" curious na tanong niya.
"Really. Music lang din ang masasabi kong talent. We really suit each other don't you think so?" pabirong sagot nito.
Idinaan niya sa tawa ang pagkabog ng dibdib niya sa sinabi nito. "Oo nga."
"You're not drinking anything?" tanong nito nang marahil ay mapansing malinis ang lamesa nila. Umiling siya. Tila nag-isip ito bago muling tumayo. Napatingala siya rito nang ilahad nito ang kamay sa kaniya. "Let's go to the bar counter," nakangiting aya nito.
Huminga siya ng malalim at tinanggap ang kamay nito. The feel of his hands on hers brought a comfortable and nice feeling in her chest. Hindi nito binitiwan ang kamay niya hanggang sa makarating sila sa bar counter. Umorder ito ng brandy habang siya naman ay cocktail drink. Pareho silang nakasandal sa counter habang pinanonood ang mga taong nagkakasayahan.
Sumisimsim siya niyon nang bigla niyang maalala ang unang beses na kinausap siya nito. Pagkuwa'y bumalik muli sa isip niya ang nangyari ng buong gabing iyon. Sinulyapan niya si Rick. Nakatingin ito sa kung saan habang umiinom. Nang tila mapansin nitong nakatingin siya rito at sumulyap ito sa kaniya at bahagyang ngumiti. "Nostalgic right?"
Napangiti siya. Pareho pala sila ng iniisip. "About the concert, you were all great. Nakita ko na talagang enjoy na enjoy ka sa tugtog niyo. Pati ako nag enjoy ng husto. Congratulations," taos-pusong sabi niya rito.
Gumanti ito ng ngiti at nagbuga ng hangin. "I'm glad you enjoyed it. Akala ko mapapahiya na naman ako sa number one fan ko," pabirong sabi nito na ikinatawa niya.
Nabaling ang tingin nila nang may lumapit sa panig nila. "Oh, don't mind me. Kukuha lang ako ng drinks para sa amin ni Janice," nakangiting sabi ng magandang babaeng nakilala niya kanina na si Grace. Pinakilala kasi siya ni Rick sa mga kasintahan ng mga kaibigan nito. Girlfriend ni Vergel si Grace.
"As if we could do that," nakangiting sabi ni Rick dito.
Tumawa ang babae at kumuha ng dalawang cocktail drink. "Hindi ko na kayo iistorbohin." Saglit itong tumingin sa kaniya at ngumiti bago nagpaalam at tumalikod na.
Napasunod siya ng tingin sa babae. "Ang gaganda at ang babait ng mga girlfriend ng mga kaibigan mo," nausal niya.
"Yes they are."
Napasulyap siya rito dahil may narinig siyang kakaiba sa tono nito. Nakita niya itong nakasunod pa rin kay Grace. His smiling face is tinted by a little melancholy. Wala sa loob na napahawak siya sa dibdib niya nang tila may tumusok doon. "Rick," nausal niya.
Napatingin ito sa kaniya at natigilan nang marahil ay makita ang ekspresyon sa mukha niya. "Ano iyon?"
Lumunok siya bago lakas loob na nagsalita. "That night when you were... I mean, when we were in the rain, siya ba ang babaeng tinutukoy mo? Siya rin ba iyong tinutukoy mo sa magazine interview mo?"
Hindi ito nagsalita at napatitig sa kaniya. Hindi rin niya inalis ang tingin dito. Kahit may posibilidad na masaktan siya ay tatanggapin niya iyon. Muli ay may gumuhit na munting ngiti sa mga labi nito. "Yeah, that's her," tapat na sagot nito.
Pasimple siyang humigit ng hininga dahil nanikip ang dibdib niya. Kung ganoon tama ang hinala niya na ang babaeng nakapagpaiyak kay Rick ay isang maganda at angat sa ibang babae. Walang wala siya kumpara kay Grace. Nakaramdam siya ng lungkot sa katotohanang ganoong tipo ng babae ang tipo ni Rick.
Napakurap siya nang maramdaman niya ang braso nitong pumatong sa parte ng counter na kinasasandalan niya at ang kamay nito ay pumatong sa ulo niya. "You don't have to make a face like that. I told you I'm okay now remember?" malumanay na sabi nito.
Nang hindi siya sumagot ay marahan nitong hinaplos ang buhok niya. Napapikit siya sa sensasyong dulot ng paghaplos nito sa buhok niya. Bigla hindi na niya alintana ang ingay ng paligid o ang dami ng tao. She felt as if there was only the two of them in there. "Cham, that night, when I was so down, I know you cried for me too. With that, thank you. You don't have to worry about me getting hurt again. I will no longer allow that to happen," mahinang bulong nito.
Nag-init ang mga mata niya ngunit pinigilan niyang mapaluha. Hindi niya kayang aminin dito na hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit siya nalulungkot. Nasasaktan siya na makitang kahit sinasabi nito na okay na ito ay ganoon pa rin ito makatingin kay Grace kapag hindi nakatingin dito ang babae o ang mga kaibigan nito. She feels so helpless to know that she could not even compete with the woman Rick loves.
Dati ang sabi niya masabi lamang niya rito ang nararamdaman niya ay sapat na sa kaniya. Subalit ngayon kahit ang pagtatapat dito ay kinatatakutan niya. Natatakot siya na baka kapag sinabi niya rito na mahal niya ito ay magbago ang pakikitungo nito sa kaniya. Ayaw niyang pati ang pagkakaibigang inooffer nito sa kaniya ay mawala sa kaniya. I would prefer to stay this way if that means I will be by his side like this.
Dumilat siya at tiningala ito. Nang makita niya ang malambot na ngiti nito ay napahinga siya ng malalim at gumanti ng ngiti.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
Roman d'amourRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...