Part 16

4.4K 147 2
                                    


WALANG umiimik sa kanila habang nasa biyahe. Ngunit nang nasa labas na sila ng bahay ni Janice at nakababa na ng sasakyan ay tila hindi na napigilang magtanong ni Lloyd. "Si Eunice ba ang... babaeng ipinalit sa iyo ng lalaking iyon?" tanong nito.

Tiningala niya ito. "Bakit parang madami ka ng alam? Hindi naman ako nagkukwento sayo?"

"Mahalaga pa ba iyon?" seryosong tanong nito.

Bumuntong hininga siya at sumandal sa sasakyan nito. "He said he just wanted to be a famous pianist. Gusto niyang subukan ang swerte niya sa Europe. Kaya siya nakipaghiwalay sa akin kasi daw gusto niyang magfocus sa pangarap niya. But I discovered na nakipagrelasyon siya sa isang babaeng nangakong tutulungan siya para sumikat. That she knows many people na makakatulong kay Daniel. At si Eunice ang babaeng iyon." kuwento niya.

Saglit itong hindi nakaimik. "Yeah. Knowing Eunice, she can do that. Masyado siyang naspoil ng parents niya." may bahid ng inis ang boses nito.

"Nagagalit ka ba sa pinsan mo?" tanong niya. Hindi niya gustong magkaproblema ito kay Eunice dahil lang may problema sila ng babae.

He sighed. "Mali ang ginawa niya pero hindi ako galit." Then he looked at her. "Dahil kung hindi niya kinuha mula sa iyo ang Daniel na iyon, wala ka ngayon sa tabi ko."

Napatitig siya rito. Her heart is beating wildly again. She promised herself never to feel this way again to anyone. Subalit ayaw siyang sundin ng puso niya. "Thank you so much Lloyd. For everything." Iyon ang nasabi niya ngunit alam niya sa sarili niya na iba ang hinihiway ng puso niyang sabihin dito.

He smiled at her. "Wala iyon." Dumeretso ito ng tayo. "Sige na. Pumasok ka na sa loob. Masyado ng malamig baka sipunin ka pa."

Mahina siyang tumawa. "Sige. Good night na."

"Wala ba akong good night kiss?" pilyong tanong nito.

Napailing siya. "Puro ka talaga kalokohan."

"Ayaw mo? Ako na nga lang."

Nag-angat siya ng mukha upang tanungin ito sa ibig nitong sabihin. Ngunit hindi na niya iyon naisatinig. Bumaba na ang mukha nito sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa mga labi. "Ayan. Good night Janice." nakangiting sabi nito.

Napailing siya at mahinang tinapik ang pisngi nito. "Kagaya ka rin nila. ginagawa mo ang gusto mo."

Saglit itong hindi nakahuma bago nagsalita "Aba.Ako naman pareho tayong nakikinabang." biro nito.

Natawa siya. "Dyan ka na nga." Tumalikod na siya at pumasok sa loob ng bahay. Nang sulyapan niya ito ay nahuli niya ang seryosong ekspresyon nito na agad namaskarahan ng ngiti ng mahuli ang kanyang tingin. Muli niyang ibinaling ang tingin sa bahay nila. Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa nakita niya.

DERE-DERETSONG pumasok si Lloyd sa opisina ng Euromusical Inc., ang Philippines branch ng isang recording label ng mga classical musicians ng Europa na itinayo ng Tito at Tita niya. Kasalukuyan iyong pinamamahalaan ng pinsan niya.

Mabilis siyang pumasok sa opisina ni Eunice sa kabila ng pagpoprotesta ng sekretarya nito. Naabutan niya ang pinsan niyang nakaupo at tila may malalim na iniisip.

"Eunice." tawag niya rito.

Nilingon siya nito at napatayo. Pagkabigla ang unang rumehistro sa mukha nito. "Lloyd? Himala at napasyal ka dito. Balak mo ng pumirma ng kontrata sa akin?" biro nito.

Lumapit siya rito. "No, I'm here to ask you a favor and few questions." seryosong sagot niya.

Biglang umilap ang mata nito. Ang hula niya ay alam na nito ang gusto niyang malaman. "Ano naman ang itatanong mo sa akin?" muli itong umupo.

Umupo naman siya sa harap nito. "Gusto kong malaman kung paano mo naging boyfriend ang lalaking iyon"

Namula ang mukha nito. "We love each other." mailap pa ring sagot nito.

"Pumayag kang makipagrelasyon sa kanya kahit alam mong may girlfriend siya? At hindi basta basta girlfriend, but a girlfriend for eight years?" nanunukat na tanong niya.

Naging defiant ang mukha nito. "It doesn't matter if its eight years or one month. Ako na ang pinili ni Daniel at iyon ang importante."

He smirked. "If he loves you bakit gusto niyang makipagbalikan kay Janice? Alam mo bang ginugulo niya si Janice?" tanong niya.

Namutla ito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatya dito. She's still his cousin after all. Biglang nagkaroon ng bahid ng galit ang magandang mukha nito. "Bakit mo ba talaga ako pinuntahan Lloyd? Dahil ba concerned ka sa mga ginagawa kong desisyon o dahil mas concerned ka sa nararamdaman ng babaeng iyon?"

Sumandal siya. "Hindi na mahalaga pa ang dahilan ko. Pero siguro ay dahil hindi ko gusto ang lalaking iyon. Mas makakabuti sa iyong hiwalayan na lang siya."

"At ano? Para makuha uli siya ni Janice?"

Nakaramdam siya ng panibugho sa sinabi nito. "No. I want that man out of the country asap. That's what I want you to do. Para malayo na siya sa inyong dalawa."

"No! Hindi ko kayang mawala siya sa akin. I love him! At kahit nasa ibang bansa siya ay sasamahan ko siya."

Napailing siya at tumayo. "Kung sigurado akong mahal ka rin niya ay baka hayaan lang kita Eunice. Kusa ba talaga siyang sumama sa iyo? O ginamitan mo rin siya ng kung anu-anong pangako gaya ng ginagawa mo noon?"

Bigla itong napatayo. "Yes! Inagaw ko si Daniel. So what?! I did it because I love him. Dahil kung hindi ko iyon gagawin hindi sila magkakahiwalay. Because Janice loves him so much. She will never give up Daniel. She will forgive him kahit anong gawin niya!" malakas na sabi nito.

Para siyang tinadyakan sa dibdib sa sinabi nito. Dalawang tao na ang nagsabi sa kanyang mahal na mahal ni Janice ang lalaking iyon. Lalo siyang nakaramdam ng galit. Ano bang meron sa lalaking iyon at kinababaliwan ito ni Janice at ng pinsan niya?

"Do you want me to still give him up?" nakataas ang noong tanong nito. Marahil ay nabasa nito ang iniisip niya.

Napatiim bagang siya. "Do whatever you want. But get him out of this country." galit na sabi niya. Walang lingon likod siyang lumabas ng opisina nito at malakas na ibinagsak ang pinto.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon