Our Song - Part 5

2.8K 107 2
                                    


NAALIPUNGATAN si Rick nang makaramdam siya ng matinding pagkirot sa bandang sentido niya. Nang dumilat siya ay narealize niyang nasa backseat siya ng isang sasakyan. Awtomatiko siyang napatingin sa nagmamaneho.

"Ayos ka lang?" tanong sa kaniya ni Chase.

Saglit siyang na disorient. Kailan pa siya naroon sa kotse nito? Napahawak siya sa ulo niya. Ni hindi niya matandaan kung kailan siya nakipagkita kay Chase. Ang huli niyang natatandaan ay nasa isang silid siya at tila idinuduyan nang malamig na boses ng babaeng nakasama niya. Sa malabong alaala niya ay tila naramdaman niyang may kung anong mainit na dumampi sa noo niya. He thought he even heard a soothing voice that said "Bukas, magiging okay ka na."

"I feel like I woke up from a dream," naiusal niya habang pilit inaalala kung talaga bang nangyari iyon o panaginip lang niya.

"Are you sure it's not a nightmare?" tanong ni Chase na bahagya pa siyang sinulyapan mula sa rearview mirror. "Nang tawagan ko ang cellphone mo babae ang sumagot. Rick, alam kong hindi maganda ang mood mo dahil sa mga nangyari pero hindi ko naisip na sasama ka sa kung sinong babae," malumanay na sabi nito. Pero alam niyang seryoso siya nitong sinesermunan. So, it was not a dream.

"Where is she?" tanong na lamang niya.

"Hindi ko alam. Nang dumating ako wala na siya. Kilala mo ba siya?"

Umiling-iling siya. "Ah, I forgot to ask her name. Wala ba siyang iniwang kahit ano? A piece of paper with her number perhaps?" nausal niya nang maalalang kahit isang beses ay hindi niya natanong ang pangalan nito. Hindi rin nito nabanggit iyon.

"Wala akong nakita. So you don't know her? Pero kilala ka niya? Paano kung iblackmail ka niya sa nangyari sa inyo?"

Napasandal siya at napapikit. "Hindi niya iyan gagawin. Alam kong hindi. Besides wala namang nangyari sa amin kung sex ang tinutukoy mo. Hindi siya ganoong babae," sagot niya.

Hindi niya naiwasang makaramdam ng disgusto sa nais palabasin ng kaibigan niya sa paraan ng pagsasalita nito. Nakaramdam rin siya ng panghihinayang na baka may posibilidad na hindi na niya makita pa ang babae. Unless ito ang magpakita sa kaniya. Ngunit hindi niya alam kung bakit, pero may isang panig ng isip niya ang nagsasabing hindi ito basta-basta magpapakita sa kaniya.

Nang hindi magsalita si Chase ay muli siyang nagtanong. "Anyway, bakit mo pala ako sinundo? Makakauwi akong mag-isa kung nagpahinga pa ako ng matagal-tagal."

Nagbuga ito ng hangin. "Do you expect me to leave you alone pagkatapos kong marinig na babae ang sumagot ng cellphone mo? Besides ang sabi niya sa akin sunduin na raw kita."

Siya naman ang napabuga ng hangin at tumingin sa labas ng bintana. Bahagya nang maliwanag sa paligid. Sa hula niya ay alas singko na ng umaga.

"Pare, iyong tungkol sa nangyari kagabi, sorry. May kasalanan kami nila Carlo dahil hindi namin sinabi sa iyo ang tungkol kay Grace at Vergel kahit alam namin," muling sabi nito.

Tiningnan niya ito. "Wala kayong kasalanan. Kahit sinabi niyo sa akin hindi ko naman masasabing mawawala na agad ang nararamdaman ko para sa kaniya."

"Anong plano mo ngayon?" maingat na tanong nito.

Humigit siya ng hangin. "Move on I guess. Wala naman akong choice. Parehong mahalaga sa akin si Grace at Vergel. Hindi ako gagawa ng bagay na lalo pang magpapalala ng sitwasyon nilang dalawa."

Nakakaunawang tiningnan siya nito. "I know you can get out of it pare. You will meet someone else in the future for sure," anitong may bahagyang ngiti sa mga labi.

Sa sinabi nito ay muli niyang naalala ang babae. Ganoon din ang sinabi nito sa kaniya. Bahagya siyang napangiti. Sayang at hindi niya nagawang magpasalamat dito. She might not know it, but she made him feel a lot better than he thought he would be. Kung hindi niya ito kasama buong gabi, malamang hindi pa rin maganda ang pakiramdam niya at baka hindi pa siya makikipag-usap ng ganito sa kaibigan niya.

NAPANGIWI si Cham nang bubuksan pa lang sana niya ang pinto ng apartment nila ay bumukas na iyon at tumambad sa kaniya ang galit na mukha ni Yu. "Saan ka galing na babae ka ha?" malakas na tanong nito.

"Yu, sorry," hinging paumanhin niya rito.

"Anong sorry?! Bruha ka hindi mo ba alam kung gaano ako nagpanic nang pagpunta ko sa meeting place natin ay wala ka? Tapos ang sabi ng manager namin 'don umalis ka raw ng bar na may kasamang lalaki! At out of reach ang cellphone mo! Hinihintay ko lang na mag-alas otso pupunta na sana ako sa pulis para ireport na nawawala ka!" malakas pa ring sermon nito sa kaniya. Base sa nakikita niyang iritasyon sa mukha nito ay malapit na siya nitong masabunutan.

"Magpapaliwanag ako!" mabilis na sabi niya at umatras pa bago nito mahablot ang buhok niya. Mahirap na, asset pa naman niya ang buhok niya.

"Siguruhin mong may katuturan ang paliwanag mo Charmaine!" Halatang galit ito dahil tinatawag siya nito sa buong pangalan niya.

"Yu, para ka na namang nagger na nanay ang aga-aga," singit ng inaantok pang si Stephanie. Kaibigan at housemate din nila. Magulo pa ang kulot na buhok nito at mukhang hindi na lang natiis ang pag-iingay nila kaya bumangon para patahimikin sila. "Papasukin mo muna siya baka makabulabog tayo ng kapitbahay patay na naman tayo sa landlady natin."

Marahas na nagbuga ng hangin si Yu, halatang buwisit pa rin. Niluwagan nito ang pinto. Nakangiwi pa ring pumasok siya. Agad niyang nakita sa kusina sina Ginny at Anje na nagkakape pa. Hindi tulad ni Stephanie ay mukhang kanina pa gising ang dalawa at bagong paligo pa. Lima silang nakatira sa may kalakihang apartment na iyon. Malaki rin kasi ang renta pero dahil lima nga silang naghahati sa bayaran ay hindi na iyon masakit sa bulsa.

"Welcome home. How's your one night escapade with the mystery man?" tanong ni Ginny.

Nag-init ang mukha niya sa implikasyon ng sinabi nito. "Walang nangyaring ganiyan ha!" mabilis na tanggi niya.

"Anong ginawa niyo magdamag? Nagtitigan?" tanong naman ni Anje.

Napahinga siya ng malalim. Paano ba niya ipapaliwanag sa mga ito ang nangyari? Sa kung anong rason ay parang ayaw niyang sabihin sa mga ito na si Rick ang kasama niya. Baka hindi rin naman maniwala ang mga ito sa kaniya. Isa pa para sa kaniya ay espesyal ang gabing pinagsamahan nila ni Rick. Isipin pa nga lang niya ang mga nangyari ay nabubuhay na naman ang mainit na pakiramdam na iyon sa dibdib niya at nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso niya.

Bigla tuloy ay naalala niya ang itsura nito nang iwan niya ito sa motel. Matagal-tagal na itong nakakatulog nang magring ang cellphone nito. Wala sana siyang balak pakielaman ang cellphone nito pero nang masilip niyang pangalan ng kabanda nitong si Chase ang nakarehistro roon ay nagdesisyon siyang sagutin na iyon. Pinasundo na niya ito dahil hindi rin naman siya maaring manatili sa motel na iyon hanggang sa magising ito. At kahit tila nadudurog ang puso niya kapag naiisip niya ang posibilidad na iyon na ang huling pagkikita nila ay umalis siya bago pa dumating ang sundo nito.

WILDHORN BAND mini seriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon