TATLUMPUNG minuto bago ang concert ay dumating na sa CCP Plenary hall sina Janice at Lloyd. Nagsuot siya ng simple ngunit eleganteng itim na cocktail dress habang si Lloyd naman ay polo na hanggang siko ang sleeve at slacks. Maayos ding nakatali ang buhok nito. Pagpasok pa lamang nila sa Hall ay nakaalalay na ito sa kanya. Ipinapakilala pa siya nito sa mga taong bumabati dito. Marahil ay ang mga ito ang sinasabi ni Lloyd na mga kamag-anak at kaibigan ng mga magulang nito.
Dumeretso agad sila sa VIP seat na nakalaan sa kanila. Mula ng umupo sila ay hindi talaga siya iniwan ni Lloyd. Bagay na talagang ipinagpapasalamat niya. Nang malapit ng magsimula ang concert ay hindi niya napigilang sumilip sa likuran niya. Na agad niyang pinagsisihan ng makita niya si Daniel na tila hinahanap rin ang upuan nito. Nakaabriste dito ang isang magandang babae – si Eunice. Bago pa siya nito makita ay mabilis na siyang bumaling paharap.
Nakaramdam na naman siya ng inis kay Daniel. Sinasabi nito na mahal pa siya nito pero kasama pa rin nito si Eunice. Pinakiramdaman niya ang sarili. Bahagya siyang napahinga ng maluwag ng ma-realize na wala siyang naramdamang kahit ano maliban sa inis.
"Hey, not feeling well?" baling sa kanya ni Lloyd.
Tiningala niya ito. Bakas ang concern sa mukha nito. Hindi niya naiwasang ngumiti. "I'm okay."
Gumanti ito ng ngiti
Naenjoy ni Janice ang concert ng mga magulang ni Lloyd. Kakaiba talaga ang galing ng mga ito. Habang nasa concert ay tinitingnan niya si Lloyd. Nakatutok ang mga mata nito sa stage. Paminsan minsan ay nahuhuli siya nitong nakatingin at ngingiti. Kaya kahit hindi nito sabihin, alam niyang na enjoy nito ang concert.
Kakababa pa lamang ng tabing ay hinawakan na nito ang kanyang kamay at inakay siya papunta sa backstage. Gusto daw nitong makilala siya ng mga magulang nito. Madaming tao sa backstage. Natanaw nila ang mga magulang nito sa isang panig. Marami ng bumabati sa mga ito.
"Let's go." aya sa kanya ni Lloyd at hinatak siya palapit sa mga magulang nito na agad naman silang nakita.
"Hijo." masayang tawag ng ina nito.
"Congratulations, ma, pa." bati nito.
"Salamat. This is the first time you watched us play since you turned 15" sabi ng ama nito. Pagkuwa'y sumulyap sa kanya. "So, is she the reason why you changed your mind?"
Tumawa si Lloyd pero hindi nagkomento."This is Janice. Janice, these are my parents, well you know them of course." nakangiting pakilala nito.
Nginitian niya ang mga ito. "Congratulations."
"Hmm, so this is the girl na nakapagpa-tame sa anak ko? Nice meeting you hija. You love classical music?" nakangiting tanong ni Blessilda Alcaraz.
Magalang siyang ngumiti. "Yes, ma'am. Actually, I'm a piano teacher."
"Oh, really?" interesadong sagot nito.
"Ye –
"Lloyd?! Is that you?!"
Napapitlag si Janice ng may kung sinong lumundag kay Lloyd mula sa likuran. Natigilan siya ng makita kung sino iyon.
"Eunice! Nandito ka pala?" masayang bati nito sa babae.
Bigla siyang naguluhan. Kaanu-ano ni Lloyd si Eunice? Napasulyap siya sa papalapit na si Daniel.
"Ikaw ang nandito pala? Hindi ka naman umaatend ng mga ganito couz." sagot ni Eunice
"Well, ganon talaga."
Biglang napabaling ang tingin ni Eunice sa kanya. Namutla ito."Ja-janice..."
May pait siyang ngumiti. "I'm glad you still know me."
"Magkakilala ba kayo ng pamangkin namin Hija?" tanong ng ama ni Lloyd. Kahit si Lloyd ay bumaling din sa kanya.
Bago pa may makasagot sa kanila ay lumapit sa kanila si Daniel. "Congratulations Mr. and Mrs. ALcaraz"
Ngumiti ang mag-asawa. "Daniel. Mabuti naman at nakarating ka rin. Hindi ka naman siguro masyado ginulo ni Eunice para makapunta ka dito."
Hindi niya naiwasang tingnan si Lloyd. Madilim ang mukha nito. She unconsciously walked nearer to him.
"And he is?" tanong ni Lloyd. Napatingala siya rito.
"Oh, hijo this is Daniel. Boyfriend siya ni Eunice." sabi ng mama nito.
"Ah, really." naging mapanganib ang tono nito. At hindi lang siya ang nakapansin non. Patunay ang pamumutla ni Eunice at ang pagtatakang bumalatay sa mukha ng mga magulang nito.
"May problema ba Lloyd?" tanong ng ama nito.
Napatingala si Janice dito ng maramdaman niya ang paggagap nito sa kamay niya. pinisil nito iyon. "Wala naman."
"How about him? May I know who he is?" lakas loob na tanong ni Daniel.
She heard Lloyd smirk.
"Oh, he is our son. Siya ang tinutukoy namin palaging musical genius sa aming mga anak. He started playing the piano when he was three. Kaya lamang ay iba ang inatupag. But it's okay. Ngayong nandito na si Janice ay siguradong babalik na uli ang pagkahilig ng anak namin sa piano." nakangiting sagot ni Blessilda.
Nahuli niya ang pagbakas ng iba't ibang negatibong emosyon sa mukha ni Daniel at hindi na nakapagsalita. Maging si Eunice ay walang imik.
"Paano, pa, ma, mauna na kami sa inyo ni Janice." paalam ni Lloyd. Muli niya itong tiningnan.
"Pero may party tayo sa bahay? Isama mo si Janice." alok ng mama nito.
Naramdaman ni Janice ang pagpisil ni Lloyd sa kamay niya. "May klase pa siya bukas. Next time na lang siguro." Hinarap siya nito. "Let's go Janice?" masuyo nitong aya. She was touched by his concern and by the way he protects her. Alam niyang aware ito na maiilang siyang nasa paligid si Daniel. Nginitian niya ito at tumango. Muli nitong pinisil ang mga kamay niya. And in that moment she knew, she has a very deep feeling for him. Ang damdaming kinatatakutan niya.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...