PAGKATAPOS ng isang set ay nagkaroon ng break ang mga ito. Pumailanlang ang malakas na musika. Sa table kung saan siya naroroon umupo ang mga ito. Makukulit sila at malalakas ang sense of humor. Kahit na siya na hindi madaling makuha sa mga biro ay napapangiti.
Bago magsimula ang second set ng mga ito ay tumayo na si Lloyd. "Uuwi na si Janice." Napatingala siya rito. Umangal naman ang mga kaibigan nito. "Tumigil kayo. Masyado ng gabi. Hindi sanay magpuyat to. Halika na Janice, ihahatid na kita sa kotse mo." aya nito.
Tumayo siya at nagpaalam sa mga nagrereklamo nitong kaibigan. Katulad kanina ay hinawakan nito ang kamay niya at inakay siya palabas sa kabila ng pagbati ng ilang manonood dito.
Walang katao-tao sa parking lot subalit puno naman iyon ng mga sasakyan. Saka lamang nito binitiwan ang kamay niya nang nasa tapat na sila ng kotse niya.
"Thank you for being considerate. But don't worry, I really enjoyed the night. Naenjoy ko din ang company niyo."
Ngumiti ito. "It's good to hear that."
Saglit na nagkahinang ang kanilang mga mata.
"Janice?"
"hmm?"
"What do you think... about our music?" tanong nito.
Bigla niyang naalala ang sinabi nito dati nang araw na mag-piano ito. Ngumiti siya. "I think it's not that bad after all. And you're great. Kung tinuloy mo yan siguradong sikat na sikat ka na." biro niya rito.
Malawak itong nguimti. "Thank you."
Napatitig na naman ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. "Paano, I have to go." paalam niya.
"Okay. Take care." sagot naman nito.
Ngunit kahit nagpaalam na siya ay hindi pa rin siya makaalis sa kinatatayuan niya. Tiningala niya ito. Mataman itong nakatingin sa kaya. Wari'y gumagawa ng desisyon. Pagkuwa'y bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. She knew what he's thinking. At dapat umalis na siya agad. Ngunit hindi niya magawa. She unconsciously licked her lips para kahit papano ay alisin ang tensyong nararamdaman niya. Sa halip na mawala ay lalo pang tumindi ang kaba niya nang bumaba ang mukha nito sa kanya. Saglit pa ay naramdaman na niya ang mga labi nito sa kanya.
It is not her first kiss. But it feels like it is with him. Hindi niya alam kung anong mayroon dito at nabibigyan nito ng kakaibang tono ang bagay na dati naman ay wala lang sa kanya. But now that his warm lips is doing its magic to hers and his arms began to enveloped her, she felt like she's experiencing it all for the first time.
Nang pakawalan siya nito ay pareho pa silang hinihingal. Hindi niya alam kung anong sasabihin dito. Dapat ay magalit siya sa kapangahasan nito. Subalit wala siyang makapang kahit katiting mang galit.
"Janice." usal nito.
"U-uuwi na ko." tanging nasabi niya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya ang pintuan ng driver's seat.
"Wait, Janice." pigil nito. "Are you mad?" tanong nito
Saglit siyang hindi nakasagot. "No." she answered honestly.
Bumuga ito ng hangin na tila na relieve sa sagot niya. Bago pa ito muling makapagsalita ay pumasok na siya sa loob ng kotse.
"Janice, I will not apologize for what happened but please do not get mad at me." pakiusap nito.
She sighed. "I'm not really angry Lloyd. Kaya huwag kang mag-alala. Sige na. Uuwi na ko."
It is his turn to sigh. "Okay. Mag-iingat ka."
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...