NAPATAWA siya sa sorpresang naabutan nila ng mga magulang niya pagkauwi nila galing sa graduation march niya. Naroon sa kusina ang mga kasambahay at si Carlo, may hawak hawak pa itong bote ng champaigne. Halatang kararating lang din nito dahil naka long-sleeved polo na itinupi hanggang siko at slacks pa ito. May mga pagkain din sa lamesa na halata namang inorder lamang sa restaurant.
"Happy Graduation!" sabay-sabay pa na sabi nito.
"Salamat," naluluhang sabi niya sa mga ito. Nasalubong niya ang tingin ni Carlo na malawak na nakangiti.
"Naku, salamat naman dito sa handa Sir Carlo, nag-abala pa kayo," nahiihyang sabi ng nanay niya.
"Wala ho iyon nanay Lettie, minsan lang naman. Kain na tayo!" aya nito sa lahat.
Nagsimulang magkuwento ang mga magulang niya sa mga nangyari. Pangiti-ngiti lang siya. "Aba'y mantakin niyo, etong si Gemma hindi sinabi sa amin na Cum laude pala siya? Nagulat na lang kami kanina. Anak, ipakita mo ang medalya mo dali," sabi ng tatay niya.
Sumunod naman siya. Hindi niya talaga sinabi iyon sa mga ito. Sorpresa niya iyon. Pinagkaguluhan ng mga kasamahan nila ang medalya. Tuwang-tuwa ang mga ito. Kasi daw siya pa lang sa kanilang lahat ang nakatapos ng kolehiyo. Nakangiting pinagmasdan niya lamang ang mga ito.
"Kahit sa akin hindi mo iyon sinabi," bulong ni Carlo sa tainga niya na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya.
Tiningnan niya ito at nginitian. "Surprise."
Tumawa ito. Umabot ang kasiyahan nila hanggang alas onse ng gabi. Pinauna na niyang magpahinga ang mga magulang niya. Gayundin sina Pining dahil alam niyang maaga pang gigising ang mga ito. Siya na ang nagligpit ng mga kalat nila doon.
"Ako na nga diyan. Special day mo ito ikaw ang naglilinis," saway sa kanya ni Carlo na kahit anong pagtataboy niya ay hindi umalis doon. Kinuha nito sa kamay niya ang sponge at ito na ang naghugas ng mga pinggan.
"Ikaw ang amo dito ikaw ang gumagawa niyan," angal niya.
"Don't ever mention that again okay," anito.
Napabuntong hininga siya at kumuha na lamang ng basahan at pinunasan ang lamesa. Alas dose ay natapos na nilang linisin ang lahat. Nakaupo na sila sa magkatabing silya.
"I still wish I could see you wearing the dress I bought you," usal ni Carlo.
"Ako rin," sang-ayon niya at tiningnan ito.
Tumitig ito sa kanya pagkuwa'y kumislap ang mga mata nito. Tumayo ito at hinawakan siya sa braso at itinayo.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
Ngumiti ito at hinawakan siya sa kamay. "Isukat mo iyong damit. Tara," anito at hinatak na siya paakyat sa silid nito. Natawa siya. Hindi talaga ito matahimik hangga't hindi nito nakikitang suot niya ang binili nito.
Pagpasok nila sa silid nito ay agad nitong kinuha ang paper bag at marahan siyang itulak papasok ng banyo. Tatawa-tawang sinuot niya iyon. Napangiti siya nang makita ang sarili sa salamin. Bakat na bakat kasi ang kurba ng katawan niya sa damit. Sa totoo lang ay kapag suot niya ang damit na iyon, feeling niya ang ganda ganda niya. Siguro ganoon talaga ang epekto ng mga mamahaling damit na gaya niyon, napapaganda nito ang nagsusuot.
Nakarinig siya ng mahinang katok sa banyo. Ngingiti-ngiti siya lumabas. Tila nabato balani si Carlo sa pagkakatingin sa kanya. Natawa tuloy siya lalo na ng mangha pa ring pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang magtama ang paningin nila ay matamis niya itong nginitian. "Ano? Satisfied ka na?" biro niya.
Lumapit ito sa kanya at ngumiti. "Yes, wow. You are so beautiful." Naging masuyo ang ngiti nito at hinaplos ng palad ang pisngi niya. "You are always beautiful."
Nag-init ang mukha niya. "Bola na yan. Alam kong hindi ako maganda."
"But you are," protesta nito.
Tiningnan niya ito. "I'm not."
"You are."
"I'm no –" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinakop na nito ang mga labi niya. Pumaikot ang isang braso nito sa bewyang niya at hinapit pa siya palapit sa katawan nito. Ang isang kamay nito ay napunta sa batok niya. Naging mariin ang halik nito.
Nang pakawalan siya nito ay hinihingal na silang pareho. "You are beautiful okay. And don't argue," anito at muli siyang hinalikan.
Hindi na siya binigyan nito ng pagkakataong magprotesta. Dahil namalayan na lamang niyang nakalapat na ang likod niya sa kama nito. Buong magdamag nitong ipinaramdam sa kanya na maganda siya. Paulit-ulit. Hanggang sa sumuko na siya at maniwala rito. Because that night, she felt really, really beautiful.
NAGISING si Gemma kinabukasan na bahagya pang nananakit ang katawan. Ngunit nang mamulatan naman niya ang payapang mukha ni Carlo sa tabi niya ay napangiti siya. He looks like an angel when sleeping too. Parang ayaw na niyang bumangon at pagmasdan na lamang ito maghapon. But she has to.
Maingat siyang bumangon. Kailangang makarating siya sa silid niya nang hindi namamalayan ng lahat. Magkakaproblema sila ni Carlo kung sakali. Mabilis at tahimik siyang nagbihis. Kinintalan niya ito ng magaang na halik sa mga labi bago siya lumabas ng silid nito.
Bumuntong hininga siya at nagsimulang lumakad pababa ng hagdan. Natigilan siya nang makasalubong niya si Doña Amparo. Nanlaki ang mga mata nito at lumampas ang tingin sa kanya. Sigurado siyang sa silid ng anak nito ito nakatingin. Naningkit ang mga mata nito at lumapit sa kanya. Bumundol ang kaba sa didbdib niya.
"Magandang uma –" hindi niya naituloy ang sinasabi. Bumiling ang mukha niya sa malakas na sampal na dumapo sa pisngi niya.
"Sinasabi ko na nga bang haliparot ka. Na noon pa man ay may balak kang hindi maganda sa anak ko eh!" gigil na sabi nito.
Bago pa siya makapagsalita ay marahas siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad pababa ng hagdan at papunta sa kusina. Inihagis siya nito roon. Napahawak siya sa lamesa. Natahimik ang kanyang inang nasa kusina rin, maging si Pining at isa pang katulong.
"Doña Amparo. Magpapaliwanag po ako," aniya. Isa pang sampal ang isinagot nito sa kanya.
"Wala ka ng dapat ipaliwanag! Wala kang utang na loob. Pinayagan kong itira ka dito ng mga magulang mo, pinag-aral kita, pinakain, ito ang igaganti mo! Ahas ka!" tili nito.
"Madam! Ano po ang..." singit ng nanay niya na hindi naman matapos ang gustong sabihin. Napaluha na siya sa labis na sakit at kahihiyan.
"Aba Lettie, nakita ko lang naman itong walang utang na loob mong anak na lumabas sa kuwarto ng anak ko! Ano pa ba ang pwede niyang gawin doon ha. Besides, I can perfectly see it on how you look. I can smell it in you babae ka!" muling baling ito sa kanya. Hindi nakapagsalita ang nanay niya. Napasinghap naman ang ibang tao roon.
"Balak mong pikutin ang anak ko no? Magsalita ka!"
"H-hindi po..." aniya sa pagitan ng paghagulgol.
Nanlaki ang mga mata nito. "Sinungaling! Lumayas ka ahas! Ayoko ng makita ang pagmumukha mo rito naiintindihan mo? Ayokong maabutan ka pa ng anak ko pag-gising niya! At kayong lahat, walang magsasabi nito sa anak ko! Layas!" tili nito sa kanya at sa mga taong humangos na nagpunta roon – kabilang ang kanyang amang nabitawan pa ang hawak na timba. Binigyan siya ng isang nakalalasong tingin ng Doña bago lumabas. Parang gusto na niyang mamatay sa mga oras na iyon. Ang bilis namang binawi sa kanya ang kaligayahan niya.
BINABASA MO ANG
WILDHORN BAND mini series
RomanceRAW AND UNEDITED VERSION of my stories published back in 2010 Book 4: At Last A Love To Last (on going) "Tinatanong ako nina mama at papa kung ano ang gusto kong regalo. Ikaw na lang kaya ang hingin ko? Ibibigay ka kaya nila sa akin?" Hindi inakala...